Ooh. A great story to tell someday.

Napahawak sa ilong n'ya si Dice at nakakita ng dugo. Bigla na lang s'yang sumigaw. Galit na galit s'yang tumingin sa 'kin at umamba ng suntok.

Here's the thing. My mommy taught me how to punch but never teach me how to dodge it. I'm doomed.

Bigla na lang humarang sa harap ko si Artanel para saluhin 'yong magiging suntok ni Dice. Wala pang katakot-takot na sinabi n'yang-

"Go on. Punch, weakling."

No way! That's cool! Linya ko dapat 'yon!

No'ng sumuntok na si Dice, bago pa tumama kay Artanel na hindi man lang kumurap, may ibang kamay na sumalo ro'n. Mas matangkad sa 'min ang sumalo no'ng suntok ni Dice kaya sabay-sabay kaming napatingalang tatlo.

His blue and gold eyes met ours.

Yes!

"Nevin!" tuwang-tuwang sigaw ko. He has this rare condition called heterochromia. Magkaiba ang kulay ng dalawang mata n'ya. Isang kulay ocean blue at isang sparkling gold eye. He's so handsome! And, ow! Nevin is my mom's youngest brother. He's 9 now and I'm 6! Hindi ko lang talaga s'ya gustong tawaging 'tito'. Para lang kaya kaming best friends ni Nevin!

"I'm sorry, I'm late, Gene. Did you.." Tinignan n'ya pa 'yong ilong ni Dice.

"Yes! Sinuntok ko s'ya!"

"Why did you do that? Gene, 'di ba sabi ko sa 'yo 'wag kang manununtok bigla?"

I giggled. Nakakatuwa talaga si Nevin pag nakikita mong namomroblema s'ya sa 'kin. Para ko na s'yang babysitter kasi s'ya lang ang pwedeng mag-alaga sa 'kin hanggang dito sa school. We're schoolmates!

"Genesis Marcus! Dice Riaz! Artanel Grayson! Nevin Almante! Come to my office, NOW!" galit na galit na sigaw ng principal ng school namin. Nakita kong napahimas sa batok si Nevin.

"Yari ako kay Ate nito."

Napahagikgik ako lalo. Yey! Principal's office!

*****

"4th time in principal's office this week? You're setting a family record, baby."

Nginitian ko lang ng matamis ang daddy kong nasa driver's seat at kasalukuyang nakafocus sa daan habang nagsesermon. Nakaupo naman sa passenger seat si Mommy na may binabasang papers. Kaming tatlo ang nasa backseat. Yes, tatlo kami. Ako, si Nevin at si Artanel na 'di love ng momma n'ya kaya 'di s'ya masundo at nakikisabay na lang.

"I remembered so many people," monotone ang boses na sabi ni mommy. Nagningning naman ang mata ko. Story time!

"Ow! Ow! Lagi rin bang nasa principal's office noon si Daddy, Mommy?"

"Of course," sagot ni mommy na sumulyap pa kay Daddy bago ngumisi. Nakaramdam ako ng adrenaline rush and I screamed!

"Gene!" suway ni Daddy sa 'kin but I didn't stop. I screamed until I got satisfied.

No'ng natapos na akong sumigaw, si Daddy naman kinulit ko.

"Daddy, is that true? Tell me! Tell me!"

Hinilot ni Dad ang noo n'ya.

"Baby, I'm the principal's son. Malamang lagi akong nasa principal's office lalo na pag hinihintay ko si Mom umuwi."

Napanganga ako.

"Ah, I forgot the most important part, sorry, " sabi pa ni Mommy na parang hindi naman talaga nagso-sorry.

Matamlay akong sumandal ulit sa upuan. Akala ko pa naman, ayun na 'yon. Malalaman ko nang may hidden coolness din ang parents ko. I mean, cool sila, sobra. 'Yong coolness lang na hinahanap ko, 'yong may bakbakan tulad ng mga kinukwento ko kaso mukhang mababait nga ang parents ko no'ng bata pa sila.

PEP2: The Dark-Eyed Prince (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLOAK POP FICTION)Where stories live. Discover now