Chapter 45 "Tracking Device"

40.6K 1.4K 318
                                    

Shunrei's POV
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.Please try your call-

Halos iuntog ko na ang ulo ko sa pader ng kwarto ni Mom.Nafu-frustrate na ako.Hindi ko alam kung nasaan ang kapatid ko.Ni hindi ko nga alam kung buhay pa s'ya.

I can feel the emptiness...Na parang may kulang sa 'kin na hindi makokompleto hangga't wala si Hime.

Kailangan ko s'yang mahanap agad.Hindi ako pwedeng magsayang ng oras.

May kumatok sa pinto.Nilingon ko muna si Mom na natutulog bago ko pinagbuksan ng pinto yung kumakatok.

It's Matthew Ceres.Sa itsura n'ya at sa pag-iwas n'ya ng tingin,alam kong hindi maganda ang sasabihin n'ya.

"Wala akong nakita."

Napabuga ako ng hangin at tinalikuran agad s'ya.

Peste.

"Hindi na umuuwi si Mirco Fuentabella sa kanila.Huli s'yang nakita sa CCTV ng isang store,tatlong araw na ang nakakaraan.Chineck ko ang files ng lahat ng taong umalis sa bansa simula last week pero wala s'ya so I assume na hindi pa s'ya nakakalabas ng Pilipinas."

"That's not enough.We need to know his exact location.My sister's exact location."

"Pero sinubukan ko na lahat ng pwedeng gawin.Magaling magtago si Fuentabella."

"I gave you his number.When did he make his last call?Where?"

Matagal bago s'ya nakasagot sa 'kin.

"The number is invalid."

"Paano nangyari 'yon?!"Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa sobrang inis."Sinasabi mo bang nagawa na n'ya kagad burahin lahat ng records n'ya bago pa natin isiping hanapin s'ya?!"

"I-I'm afraid,that's the truth."

"Dammit!"

Nagpalakad-lakad ako sa loob ng kwarto na parang hindi mapakali.Habang tumatagal 'to,lalo akong kinakabahan sa kalagayan ng kakambal ko.

That Fuentabella.I can't track him down if he didn't even leave any trace.

Or he did...

Huminto ako sa paglalakad at nag-isip ng malalim.He left his own tracking device...in that place...I'm sure,she's still there...

Malison...

Third Person's POV

Alas-dose na nang hating-gabi ngunit gising pa rin si Malison.Nakaupo s'ya sa sala at tinititigan ang cellphone n'yang kanina n'ya pa hawak.

Nagdadalawang-isip s'ya sa kung ano bang gagawin...Tatawag o magtetext?

"'Pag tumawag ako,baka kasama n'ya ang daddy n'ya...Kapag nagtext naman ako,baka hindi n'ya mabasa.Hindi naman nagbabasa ng text 'yon."

Napakamot s'ya sa ulo habang medyo nakasimangot.Gusto n'yang makita si Mirco kahit saglit lang.Paggising n'ya mula sa pagkakatulog n'ya nung tanghali,'yan na kagad ang naisip n'ya.

Napaka-unusual nito para sa kan'ya dahil dati naman,hinahayaan n'yang si Mirco ang pumunta sa kan'ya.Kahit minsan,hindi s'ya humiling dito na puntahan s'ya dahil ayaw n'yang makaabala.

Naputol sa pag-iisip si Malison nang marinig n'ya ang mahihinang katok sa pinto.Napatayo agad s'ya pero natigilan din nang maalala n'ya ang sinabi ni Mirco.

''Wag kang basta-bastang magbubukas ng pinto.'

Tama.Masyadong delikado 'yon para sa dalaga.

Muli n'yang inisip ang isa pang usapan nilang dalawa.

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now