Chapter 31 "Test Paper"

100K 3.5K 1.1K
                                    


Mirco's POV

----------

"Mirco,baby,ganito 'yan okay?This sign is for addition and this one is for subtraction.Then this is for---"

"For multiplication and that one is for division.I know that,Mom."

"Naku...ang talino talaga ng anak ko."

I felt my Mom's hand patted my head.I smiled widely and hugged her.

"Ang sweet-sweet naman...Nakakagigil talaga 'tong cute kong anak.Baby,lagi kang magpapakabait,ha?Gusto ko,lagi kang good sa iba para good din sila sayo."

"Eh bakit ikaw,Mommy?"

Natigilan sya sa tanong ng batang ako pero agad din syang ngumiti.

"Anong ako,anak?"

"Lagi ka naman good kay Daddy pero hindi sya good sayo."

"Mirco---"

"MICKELA!"

Parehas kaming nagulat sa malakas na sigaw na 'yon.Agad akong hinawakan sa magkabilang kamay ni Mom.

"Mirco,go to your room.'Wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi.Maliwanag ba?"

"B-but---"

"Sige na,anak.Bilisan mo---"

"Mickela!"

Tawag ni Dad kay Mom.Hinila nya sa buhok si Mom at sinampal sa mismong harap ko.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Ang tindi ng kabang nararamdaman ko.

Gusto kong tulungan si Mom pero paano?Six years old lang ako.Sa madaling salita,isa lang akong bata.

"Walangya kang malanding babae ka!Sino na naman 'tong kinakalantari mong g*gong lalaki?!Ha?!"

"A-ano bang sinasabi mo---"

*PAK!*

"Playing innocent?!That won't work on me!"

Napasigaw sa takot si Mom nang maglabas ng baril si Dad.Napahakbang ako paatras dahilan para mapansin ako ni Dad.

"Sya!"

Lumapit sya sa 'kin at walang kakurap-kurap na itinutok sa noo ko ang baril.Mom cried while shouting my name.

"Anak ko ba talaga ang isang 'to?!O anak mo sa kabit mo?!"

"Parang awa mo na!Anak mo sya!Anak mo si Mirco!Jusko!Pakiusap,'wag mong sasaktan ang anak natin.Nagmamakaawa ako!"

Lumuhod sya habang umiiyak.Naramdaman kong tumulo na rin ang mga luha ko pero matapang pa rin akong nakatingin ng diretso kay Dad.Kailangan kong maging matapang para kay Mom.She said,I am brave and I'll prove it to my Dad too.

"Hah!Tinatarantado mo ako ng hindi ko alam!Maniniwala pa ba ako sayo ngayon?!"

"Please...please...maniwala ka...wala akong ginagawang masama...'Wag mong sasaktan ang anak natin...pakiusap..."

Basang-basa ang mukha ni Mom dahil sa luha.Halos wala na syang maiiyak.Ibinaba ni Dad ang hawak nyang baril.Agad namang napatakbo papunta sa 'kin si Mom.

"Anak,Mirco.Pumasok ka na sa kwarto mo ha?"

Sabi nya habang nanginginig na pinupunasan ang mga luha ko.Niyakap nya ako ng sobrang higpit.Yakap na parang hindi na nya ako mayayakap ulit.

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now