Chapter 3 "Transferees"

190K 5.8K 1.1K
                                    

Saisumi's POV

Numbers.....numbers.....ang daming numbers sa paligid ko.Pinapalibutan nila ako.T-teka...bakit ako may hawak na dambuhalang lapis?!At...hala!Nakatapak pala ako sa napakalaking papel!Nasan ba ako?!

'Sai...'

Nagpalinga-linga ako.Wala naman akong nakikitang tao sa paligid ko.Sinong tumawag sakin?

'Saisumi...'

Sino ba yun?

'Saisumi...'

Argh!

'Purple.'

Bigla akong napaiktad.Ibang boses ang narinig ko.Boses ng isang lalaki.

'Magkikita din tayo...'

Magkikita?Sino?Sya at ako?Eh sino ba sya?!

'Saisumi...'

Muli na namang tawag sakin ng naunang boses na naririnig ko kanina.

Langya.Naiirita na ako sa kanya,ha.

'Saisumi...!'

Nakaramdam ako ng kamay na tumapik sa balikat ko.

"Ugh!Ano ba---"-Ako

"SAISUMI ALMANTE!"

Bigla kong naiangat ang ulo ko mula sa pagkakadukmo.Nagkusot ako ng mata.

Nakatulog pala ako.

"Natutulog ka na naman sa klase ko,Almante!Hindi ka na natuto!"

Nanggagalaiting sigaw ng prof ko sa harap.Hindi ko napigilang humikab na lalong nagpainit ng dugo nya.

"Ilang beses na kitang nahuhuli!Gusto mo bang makakuha ng singko sa klase ko?!"

Ang huling sinabi nya ang naging dahilan kaya napangisi ako.

Singko.Pinakamababa at bagsak na grade pagdating sa college.

"You can't do that,Ma'am.Hindi nyo ako kayang bigyan ng singko dahil alam nyong kayo ang mapapasama pag ginawa nyo yun."

Oras na ibagsak nya ako sa klase nya,mapupuno ng reklamo ang office.Walang syang basehan para ibagsak ako.Naipapasa ko lahat ng ibigay nyang test at hindi rin naman ako pala-absent.Hindi sapat na dahilan ang pagtulog ko sa klase para bigyan nya ako ng singko.

"Aba't sumasagot ka pa?!"

Halos pumutok na yung ugat nya sa leeg sa sobrang gigil.Natural lang na sumagot ako dahil wala sya sa katwiran.Magreklamo sya kapag perfect zero ang score ko sa test.Tss.

"Sa susunod na mahuli ulit kitang natutulog sa klase ko,Almante,sa office ka na didiretso!"

Pagkatapos nyang sabihin yun,binitbit na nya ang mga gamit nya at lumabas na ng kwarto.

Napabuntong-hininga na lang ako.Matagal na rin simula ng sinermunan ako ng teacher.

"Hindi ka ba natutulog sa inyo kaya dito ka na lang natutulog,Sai?"

Binato ko ng nilukot na papel si Louie na nakatayo sa gilid ko.Tumawa lang sya na ikinasimangot ko.

Masokista talaga sya.

"Tara na nga.Vacant na natin."-Ako

Binitbit ko na ang bag ko at naglakad na palabas.Sinundan nya naman kagad ako.Mamaya pa ang vacant nila Liryu pati si Matt.

Ano kayang magandang gawin kasama tong si Mr.Masokista?

"Nga pala,Sai.I heard something about transferees."-Louie

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora