Chapter 36 "Blackmailed"

67.1K 2.3K 459
                                    

Liryu's POV

Naglalakad kami ng sabay ni Sai sa hallway papuntang room nya. Magkahawak kami ng kamay kaya napapatingin yung ibang estudyante.

"Malapit na pala birthday mo. Do you have any plan? Party? Day-off?Or an unforgettable date with me?"

Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot.Tahimik lang syang nakatingin sa daan. Great.

"Sai?"

"Ha?Ano yun?Bakit?May kaaway ba?"

Matatawa na sana ako sa reaksyon nya kaso mas nangibabaw sa 'kin yung pag-aalala. Mukhang ang lalim kasi ng iniisip nya.At anong kaaway ang sinasabi ng babaeng 'to?

"Ayos ka lang ba? May problema ba?"

"Ah... Wala naman. Kulang lang siguro ako sa tulog."

"I know you. Alam kong may problema ka. Ano yun?Pwede mong sabihin sa 'kin. Baka makatulong ako."

Bumuntong-hininga sya ng malalim bago sya tumingin sa 'kin. Parang may gusto syang sabihin pero nahihirapan sya kaya sumeryoso ako. Bihira lang na magkaganito sya. Kadalasan, straight-to-the-point sya.Should I get my phone and take a video for this once in a blue moon moment?

"Kasi si Mo---"

"Captain!Practice natin mamayang 4 pm sabi ni coach!"

Tinapik pa ako sa balikat ni Terrence.Isa sya sa members ng soccer team. At tulad nga ng narinig nyo, ako ang captain.

"Sige. Kita na lang tayo mamaya,"nakipag-apir ako sa kanya bago ulit sya tumakbo paalis.

"Captain ka pala ng soccer team? Kaya bilib ako sayo eh.Galing."

"Ang galing mo din,Sai.Ang galing mong mambola.Wag mong ibahin yung usapan. Tinatanong ko kung anong problema mo."

"Aish. Hindi ka lang magaling sa soccer. Matalino pa.Iba ka talaga, boyfriend."

*facepalm*

Ayaw nyang sabihin.

"Fine. Wag mo na munang sabihin sa 'kin ngayon. Mamaya na lang,"tinignan ko sya ng seryoso na parang nagbabanta ako.Huminto kami sa tapat ng room nila.Agad naagaw ng atensyon ko yung tatlong lalaking lumingon agad sa pinto nung dumating si Sai.

"Oo na. Sige na. Mamaya. Papasok na ako."

Bumitaw na sya sa 'kin at akmang papasok na ng room pero pinigilan ko kagad sya.Nakatingin pa rin sa kanya yung tatlong lalaki na halata namang may gusto dito kay Saisumi. Base sa nababasa kong mga kilos nila, nagpupustahan sila tungkol sa isang bagay.I don't like them.

"Sandali."

"Oh?"

"Kiss muna."

"Ano?"

"Kiss."

"What the---tinotopak ka na naman ba?Tumigil ka nga. Nasa school tayo."

Naglakad ulit sya papasok pero pinigilan ko ulit sya.

"Sige na. Isa lang."

Pabulong syang nagsalita na parang nanggigigil.She's really cute when she's doing that.

"Lintik ka,Liryu.Gusto mo bang masita tayo ng PDA ng mga prof dito?"

Lumingon ako sa kaliwa at kanan. Pati nga sa likod para sigurado.

"Wala namang prof. Sige na. Pampagana lang sa pag-aaral. "

"Hay, bwisit."

Halatang naiinis sya pero hinalikan nya rin naman ako. Smack kiss lang naman. Wag kayong mag-imagine ng kung ano dyan.

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon