***

"Manang, 'yong bilin ko kanina tandaan mo ah? Kapag nandito na si, Xeno pakisabihang tawagan agad ako dahil may importante akong sasabihin sa kaniya."

Malungkot ang mga mata na lumingon sa'kin si Manang. Puno ng kirot ang nababasa ko sa kaniyang mga mata pero hindi ko na 'yon pinag-aksayahan pa ng pansin. Pagkatapos ay umiwas siya ng tingin sa akin.

"Huwag mo nang hintayin si, Master, hija. Masasaktan ka lang lalo na kapag ang taong hinihintay mo, hindi na babalik sayo."

Kagat labing napayuko ako. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa sinabi ni Manang Kora. Hindi ko siya magawang sagutin. Alam niya kasi ang lahat ng mga nangyayari sa bahay lalo na ang mga ginagawa sa'kin ni Xeno. Pero nananatili lamang siyang tahimik.

Mas lalo tuloy akong nanliit sa aking sarili.

Pumihit na ako patalikod sa kaniya at tinungo ang garahe kung saan naghihintay sa'kin si Mang Kaloy ang driver namin sa bahay. Hindi kagaya ni Manang, walang alam si Mang Kaloy sa mga nangyayari sa amin dito sa bahay dahil stay-out ang pagiging driver niya.

Umaliwalas ang kaniyang mukha nang makitang parating na ako sa direksyon niya. Dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto at nang masigurong nakapasok na ako ay isinara niya din 'yon at umikot sa harapan papuntang driver's seat.

"Ma'am Leylah mukhang malungkot ka 'ata, a? Hindi pa rin ba umuwi si, Sir?"

Pakla akong ngumiti sa kaniya. Pati rin pala siya ay nakakahalata na. Ganun na ba ka-obvious ang mukha ko?

"Saan ba ang lakad mo, Ma'am?" untag niya muli nang hindi ko siya sinagot sa una niyang tanong.

"Sa NoMax Mall po."

Buong biyahe ay hindi na ako kinulit ni Mang Kaloy. Nang makarating naman ako sa Mall ay nakita ko si Neca, isa sa mga kaibigan ko. Niyaya niya akong mag-lunch pagkatapos niya akong sinamahang mamili. Iteneks ko na rin si Manong Kaloy na mauna nang umuwi sa bahay dahil magta-taxi na ako pauwi.

"Leh," tawag sa'kin ni Neca nang makuha na namin ang aming inorder at komportable ng nakaupo na sa bakanteng table. "... hindi ka na talaga papasok ngayong pasukan? Sayang naman o, isang taon na lang at ga-graduate na sana tayo, internship na lang ang kulang, e."

'Yan, isa 'yan sa mga pino-problema ko. Isang taon na lang sana para ga-graduate na ako sa kolehiyo pero hindi na mangyayari dahil hindi na ako pinayagan ni Xeno na tapusin ang isa pang taon. Hindi ko naman siya pwedeng suwayin dahil siya ang nagsusustinto sa'kin ngayon.

Nilukot ko nalang ang mukha ko sa pabirong paraan. " Hindi pwede, Nec, e. I need to work. Alam mo namang may sakit si Lolo Leon at naka-coma pa si ate Ciara hanggang ngayon. Ako na lang ang inaasahan sa'min, tapos baon pa kami sa utang."

Malungkot na tumingin sa'kin si Neca. Hindi ko tuloy maiwasang makonsinsya sa pagsisinungaling ko.

" Sayang naman, Ley, isang taon na lang talaga, e."

Ngumiti na ako sa kaniya saka sumubo ng pagkain. Sakto namang nasagi ng paningin ko ang lalaki na isang metro ang layo sa'min. Nanlaki ang kaniyang mga mata sabay ang pag-awang ng kaniyang labi nang makita ako. Pati si Neca ay lumiwanag ang mukha nang marinig ang boses na 'yon. Ilang sandali lang ay nakalapit na sa'min 'yong lalaki at umupo sa bakanteng silya.

"Nandito rin pala kayo?" tanong nito nang naging komportable sa upuan niya.

Umismid sa kaniya si Neca na kinatawa ko ng mahina. "Nandito ka nga, Jerald, e."

Hindi siya sinagot ni Jerald bagkus ay matama siyang tumingin sa'kin. "Kumusta na Leh? Nangayayat ka ah."

Na-conscious bigla ako sa sinabi niya at palihim na pinagmasdan ang mga braso ko. "Halata ba?"

His Hidden WifeWhere stories live. Discover now