Chapter 1

7.8K 445 170
                                    

Smile, Leylah! Smile!

"Hindi pa rin ho ba umuwi si, Xeno, Manang?" 

Natigilan sa pagdidilig ng halaman ang may katandaang si Manang Kora nang bigla ko siyang tanungin.

Malungkot siyang tumingin sa'kin bago ako inilingan. 

"Hindi ko pa siya nakikitang umuwi simula noong biyernes, hija, e."

Sumimangot ang mukha ko sa naging sagot niya.

"Ganon ba?"

Napayuko ako sabay ipit ng aking labi. Kailan na naman kaya uuwi 'yon? Magbibilang na naman ba ako ng mga araw kung kailan siya uuwi?

E.., may susunod pa ba?

Hindi ko na narinig na sumagot si Manang kaya nang nag-angat muli ako ng tingin ay malungkot na pares na mga mata niya ang sumalubong sa akin.

"Kapag umuwi siya, paki sabing tawagan ho ako, Manang dahil may pag-uusapan pa kaming dalawa. Baka aalis na naman 'yon ng hindi nagpapaalam sa akin," bilin ko kay Manang bago bumalik sa kuwarto at humiga sa  kama.

Dalawang araw na din ang lumipas mula nang umalis si Xeno kasama ang babae niya. Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko naman nagagawa dahil kahit anong gawin kong pagmamakaawa ay alam kong hindi naman siya nagpapapigil. Ni hindi nga 'yon nakikinig sa'kin, e.

Madalang rin siyang umuwi sa bahay dahil palaging out of the country o di kaya ay o.t sa trabaho. Minsan isang beses siya uuwi sa loob ng dalawang lingo. Minsan naman hindi siya uuwi ng bahay sa isang buwan, at kung uuwi man 'yon ay kagaya ng dati ay may dalang babae.

Nakakaimbyerna...

Dalawang taon na kaming kasal. Actually mag-t-three years na. Kaya kahit papaano ay hindi na bago sa'kin ang mga ginagawa niyang kahayupan tuwing gabing nandito siya.

I mean, I would be lying if I say, it didn't hurt every time he brought women with him in the house.  

Isa pa, if you're in my position, seeing your husband cheating on you countless times for three years, I bet you'll be too numb to pain to react with him cheating. Mapapagod at mababaliw ka lang kapag ginawa mo 'yon. And aside from that, I don't have enough power to reiterate with him right now, dahil marriage for convenience lang naman ang namamagitan sa aming dalawa.

Yup. Those typical setup for third rate t.v dramas ang ganap naming mag-asawa. Sounds cliche pero 'yan ang totoo.

We both opposed the idea of having it. Well sino ba naman ang may gustong matali ka sa taong hindi ka na nga mahal may fiancee pa? But much to our dismay our grandparents sides contradicts ours. We were forced to have this marriage for the sake of keeping our grandparents' golden promised with each other.

In other words, nangako ang lolo ni Xeno sa lolo ko ng kasal kapalit ng pagsagip ng lolo ko sa lolo niya maraming taon na ang nakaraan.

At first it was between him and my cousin Ciara, pero hindi rin nangyari dahil sa madaming dahilan hanggang sa na-coma si Ciara ilang buwan bago ang kasal nila.

Ang mga lolo naman namin na hindi na makapaghintay na maitali ang pamilya namin sa isa't-isa ay pinilit kaming dalawa ni Xeno na magpakasal nang nalaman nila na ilang taong mako-coma si Ciara.

Nagkataon rin na palubog ang kompanyang pinapatakbo ni mommy, kaya mas lalo akong napilitang magpakasal kay Xeno.

Sa China kami ikinasal dahil do'n gusto ni lolo Xian. Iilan lang ang may alam na kinasal na kaming dalawa ni Xeno. Mostly,  selected relatives and friends lang namin ang may alam. Kaya siguro mas lalong lumakas ang loob ng ungas na 'yon sa mangangaliwa sa'kin. Tsk!

His Hidden WifeWhere stories live. Discover now