Ika-labingtatlo

152 7 0
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Di pa man sumisikat ang araw, dagsa na ang tao sa simbahan. Unang araw kasi ng simbang gabi ngayon. Sina Lexa at Rita, masayang pinagsasaluhan ang isang mami. Walang budget si Rita kaya para kahit papaano'y magkalaman ang tiyan, inaya siya ng kaibigang maghati na lamang sa kakainin. Parang bodyguard namang nakabantay sa bawat pagsubo, pagnguya, paglunok nila si Jolo at Mark. Samantala, si JB ay inutusan ng dalawang bumili ng yosi.

"Ang sarap nito, putek." Napapangiwi pa si Lexa nang matapos kumain ng maanghang na mami, na may bawang, paminta, toyo, dahon ng sibuyas at malilit na hiwa ng kapiranggot na karneng baka. Bitin, pero puwede na rin.

"Dito muna tayo, wala pa naman, e," ani Rita sa mga kasama.

"Sige, kung ano'ng gusto mo, du'n tayo... my queen." Inakbayan siya ni Mark at ngumising parang tuta sa kaniya.

Natawa na lamang siya sa kalandian nito. Dalawang linggo pa lang magmula nang sagutin niya ito e, para nang tangang kawal na pinagsisilbihin siya. Ayaw siyang pinakikilos. Lalo 'pag bumibisita sa bahay ng binata. Minsan nga, du'n na rin siya nakakatulog. Ang sabi niya na lang sa tiyahin, nakitulog kanila Lexa, ayaw na kasi raw siyang pauwiin ng magulang nito dahil gabi na. Buti na lang kamo, wala pang nakakarating na chismis sa tiyahin niya. Yare, kung ganu'n.

Mabuti na nga lang talaga, napakiusapan ng tatay niya 'tong tiyahin niya, na bigyan pa siya ng isang pagkakataon. Pero pagkatapos nu'n, bumawi talaga siya. Wala munang tambay-tambay ilang linggo. Kilos dito, kilos du'n. 'Pag may kailangang gawin ang tiyahin, inaagaw na niya. Good shit kung good shit. Ang nakakatawa lang, di niya rin kinaya.

Pakiramdam niya kasi, may mundo na siyang naiiwan sa labas. Di gaya dati na parang wala lang sa kaniya kung di makalabas ng bahay. Iba na ngayon, p're. May mga kaibigan na siya, at minamahal...

Sobra niyang na-miss nu'n si Lexa, Jolo, ang kakulitan ni JB, at siyempre, ang itinuturing na ngayong hari ng buhay niya, si Mark. Pakshet, pagkakitang-pagkakita nila nu'ng gabing tumakas na naman siya sa bahay nila, niyakap niya agad ito. Hinalikan. Hinagkan. Inipit. Pinaglandas ang mga kamay kung saan-saan, sa katawan ng lalaki. At 'yun... simula nu'n, sila na raw. King ang itatawag niya kay Mark, at Queen ang itatawag nito sa kaniya. Anong landi sa katawan ba meron 'tong mga batang 'to?

"P're, o!" Dumating si JB, suot ang bigay ni Rita na damit. Malaki kasi para sa kaniya 'yun, pero dahil may katabaan at kalaparan ang katawan nito, bumagay naman. Pero pangit pa rin siya. "Tangina, ang tagal ko, di ba? Pa'no ba naman p're, sais benta nila ng Marloboro, kulang ako ng tres. Buti na lang may tropang dumating."

"Pasindi ako," seryosong sabi ni Jolo. Iniabot naman agad ni JB ang may sindi na nitong yosi.

"Layo kayo, love. Du'n kayo magyosi. Ang baho, e." Hinawi ni Lexa ang nobyo at nagtakip pa ng ilong. Kataka-takang ang nakasanayang amoy ng dalagita, ngayo'y tila isinusumpa na. Naduduwal si Lexa. Nahihilo. Umiikot ang paningin. Mabuti na lamang at nakakapit siya sa braso ni Rita.

"O? Ano'ng nangyayari sa'yo?"

"Di ko al--" Di na natapos ni Lexa ang sinasabi. Halos masuka niya ang lahat ng nakain. Mapait. Makalat. Kadiri. Nagpahid lang ito sa suot na blusa. Ta's inaya na siyang pumasok sa simbahan. Dugyot talaga.

Lumakad sila sa malawak na hardin, sa tapat ng Manila Cathedral. Binusog ang mga mata sa pagsulyap sa kagandahan ng simbahan sa labas. Napaiiling na napaisip si Rita. Na ang dami sigurong pera ng simbahan. Sana, ganu'n na lang din kalaki, at kagarbo ang tahanang tinitirhan. Sigurado, matutuwa ang mga magulang at kapatid, 'pag nagkataon.

Nang marating ang bukana, tumambad ang mga paslit na nagtatakbuhan, hinahabol ang isa't isa, na siguro, di na nila maaalala paglaki kung gaano kasaya 'yun. May nagpapalipad ng kung anong bagay sa ere. Tinitigan 'yun ni Rita at nakitang tila ito isang kalapating pinapagaspas ang mga pakpak. Maingay ang ispiker na tumutugtog ng pang-paskong mga awitin. Nanayo ang kaniyang balahibo nang umihip ang hangin ng electric fan sa kanilang dalawa, nang tuluyan nang makapasok sa loob ng simbahan.

Madaming tao. Puno ang bawat pasilyo ng gusali. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan. Pansin niyang wala na sa huwisyo ang kaibigang kanina pa niya inaakay. Masama 'ata ang pakiramdam. Baka may nakaing kung ano. Nang makahanap ng puwesto, ng hindi mataong lugar, para kahit papaano e maisalansan nang maayos ang likod sa pader. Wala na kasing upuan kaya wala silang ibang puwedeng pagpilian kundi ang sulok sa bandang kanan ng simbahan.

"N-nahihilo talaga ako... gusto ko ng tubig." Humawak sa noo ang dalagitang pawis na pawis. Hinihingal. Nag-iisip. Napeperwisyo. Nag-aalala sa sarili.

"Sige, saglit lang. Titingnan ko kung may libreng tubig dito." Tumango-tango lamang ito sa kaniya. Nakangiwi. Umiinda ng sakit.

Pinaayos muna ni Rita ito ng sandal sa pader, bago tuluyang naghanap ng pupuwedeng mainom ng kaibigan. Lakad siya nang lakad. Naro'n ang hahawiin niya ang dalawang taong nag-uusap, ta's makakasagi pa ng batang paslit na naglalakad nang walang kasama, pati mga gangster na puro maluluwag na damit at tokong ang suot---may kahel, blue at pula, halo-halo. Nakakadiri.

Habang natataranta sa paghahanap, naisip niya ang mga bagay-bagay na maaaring dahilan ng pagkahilo ng kaibigan. O kung ano nang nangyayari dito. Nakita na kaya ito nila Mark? Okey lang kaya ang dalaga? Di na kaya ito nahihilo? Ang daming pumapasok sa utak niya. At lahat ng 'yun, tumigil sa pag-ikot, parang tumigil ang mundo sa paligid. Hindi siya pupuwedeng magkamali!

"Rita!" ulit nitong tawag sa kaniya. "Punyeta kang bata ka!" Tama nga siya, ang tiyahin nga ang pinanggalingan ng boses. Bagama't katamtamanan lang ang pagsigaw, nakilala niya agad ito.

Ang tanga-tanga niya rin kasi. Lumingon din siya rito. Puwede naman niyang isnabin na lang. Sabihing di niya narinig. O kaya ipagtanggol ang sarili sa tiyahin pag-uwi? Paniniwalaan kaya siya nito kung sasabihin niyang di siya nagsimba? At baka kamukha lamang niya 'yung nakita. Pero di na puwede, naglalakad na siya ngayon papunta sa kinatatayuan nito, sa helera ng mga plastik na upuan.

"Akala ko ba, di ka magsisimba? Sino'ng kasama mo?! 'Yong mga tambay na naman. 'Yong mga batang wala nang ginawa kundi mag-adik, manggulo, tumambay..." mahina ang boses na panenermon nito sa kaniya. "Sinabi ko naman sa 'yong 'wag ka nang magsasasama sa mga 'yun, di ba?" Tinitigan siya nito nang masama. Nagngingitngit ang mga ngipin. Nakakuyom ang gigil na mga kamao.

"S-sorry, 'ta." Iyon na lamang ang nasabi niya. Nahihiya siyang tumango. Ayaw niyang makita kung anong uri ng tingin ang itinatapon sa kaniya ng maraming tao. Gustuhin man niyang ipagtanggol ang sarili, at mga kaibigan, di niya magawa. O baka marahil hindi lamang ngayon, hindi lamang sa simbahan ang oras na 'yun.

NAPASUBOWhere stories live. Discover now