Ikaanim

277 10 2
                                    

japsbernardoCS


Alas-tres na ng hapon, kung di pa mararamdaman ang pagkulo ng tiyan, di pa balak bumangon ni Lexa sa malambot na kamang hinihigaan. No'ng ibuklat niya ang mga mata at masilayan ang sinag ng araw, muli niyang naalala ang mga nangyari kagabi.


Nagpaalam na nu'n si Rita, mga alas-tres pasado na rin. Anong oras nga naman na at baka maabutan nitong gising ang tiyahin. Ni-lock lamang din kasi nito ang pinto mula sa labas. Paano kung mamamalengke pala ito? At saka, takas lang din si Rita. Di talaga puwedeng maabutang nasa labas pa ng bahay habang tahimik na nananaginip ang tiyahin.


Pinahatid ni Lexa ang kakikilala pa lamang na kaibigan kanila Nalyn, Marlon at Mark. Si Jolo kasi, du'n matutulog sa kaniyang kuwarto. Nagpaalam naman siya at walang kaso 'yun sa mga magulang.


At ito na nga, unang beses nilang nagtabi sa higaan, sa ilalim ng isang bubong. Parehong lango sa alak. Gutom sa pagnanasa. Nanlalamig ang mga katawan. Nananabik. Nanginginig. May gustong suunging landas.


Magkayakap na sila. Nakatanday ang isang paa ni Lexa sa katawan ni Jolo at nakasubsob sa dibdib. Pinapakinggan niya ang pagtatambol ng puso nito, naghihintay sa unang hakbang.Inabot sila ng bente minutos na pawang pinakikinggan ang katahimikan ng gabi. Hanggang sa iniangat ni Lexa ang ulo para titigan ang mukha ng minamahal. At doon, nagsimulang lamutakin ni Jolo ang labi ng babae. Labi sa labi. Dila sa kapwa dila. Sinusuong ang bawat dulo na magagalugad. Mainit ang mga halik na pinapaulan ng bawat isa. Walang pakialam sa nagagawang ingay.


At sa pagitan ng mga halik, ang paglandas ng malilikot na kamay sa iba't ibang parte ng katawan. Himas. Hagod. Pisil. Lamutak. Habang hinuhubad ang bawat mga saplot sa gitna ng mga lampungan.


Hubo't hubad na sila pareho. Patuloy na nilulunod ni Jolo ang sarili sa mga halik sa labi, pababa sa leeg hanggang sa dalawang matatayog na kabundukan. Nagpasalit-salit ang kaniyang pagsuso. Pisil. Lamutak. Hagod. Himas. Suso. Paulit-ulit na proseso. Pinagsawa ang sarili. Tila natutuwa sa tuwing nasasabunutan ni Lexa, sa tuwing magpipigil ito sa pag-ungol, o magpapakawala ng mahihinang halinghing habang nakapulupot sa katawan ng lalaki ang dalawang paa.


Naninigas, tila naluluha ang nagmamatyag na alaga ni Jolo. Isang kawal na naghihintay sa oras ng pagsugod, sa utos ng hari. Di na siya makapaghintay. Pinalandas niya ang isang kamay sa namamasang bukana ni Lexa. Hinanap ang kuntil, ang malalim na kuweba. Sinubukang ipasok ang gitnang daliri. Napanganga ang dalaga sa sarap. Pigil ang hininga. Nag-iinit ang katawan.


Nilabas-masok ni Jolo ang daliri, paunti-unti, dahan-dahan. Di na talaga niya kayang pigilin ang libog. Binuhat nito ang sarili. Pinabuka ang dalawang pakpak ng rosas. Pumuwesto sa gitna. Umibabaw sa namamawis na dalaga. Ngumiti muna siya para pagaanin ang loob ng kasintahan. At saka dahan-dahang pinasok ang pagkahaba-habang etits na pinaghaba, pinagtigas ng panahon.


"A... aw..." Di napigilan ni Lexa ang pagkawala ng mga salita sa kaniyang bibig nang tuluyang maipasok ng binata ang nagngangalit na alaga. Sobrang sarap. Panibagong pakiramdam. Panibagong pagpapantasyahan. Kakaiba. Mainit. Masarap. Tirik-mata. Pigil-hininga. Halo-halong emosyon sa isang gabing tahimik, sa mainit na pagsasalo-salo.


Nabalik si Rita sa katinuan ng maramdaman ang pagyakap ni Jolo. Nangiti siya sa kasintahang di pa nsgbubuklad ng mata. Parang hinahanap siya nito. Ayaw pakawalan, o mawala sa tabi.Nakahubad pa rin sila pareho. Natatakpan ang ibabang katawan ng kumot. Naka-lock naman ang pinto at wala naman sigurong magbabalak umistorbo sa kanila ngayon dahil nagpaalam na aalis ang mga magulang. May bibisitahin daw at baka bukas pa makauwi. Nag-iwan naman ito ng pera sa mala-prinsesang anak, tulad ng dating gawi. At alam niyang nasa ibabaw 'yun ng ref.


Hindi ito kailanman pinahawak ng hugasin, pinagwalis, o pinaglaba ng sariling mga damit. Nag-iisang anak kasi siya kaya ganu'n kung itrato. Kaya itong loka-loka, pangatlong beses na sa third year hayskul kung nagpa-enroll pa siya ngayon. Ang kaso, hindi, e. Di niya trip. Sabi pa nga niya, okay naman na siya kahit walang diploma. E kung mamamatay man daw mga magulang niya, e di maaga siya mag-aasawa, o kaya magpuputa na lang! Maganda naman siya, matangkad, balingkinitan kaya kung magbebenta man ng katawan, mataas ang bigayan.


"Kumusta gising mo?" malalim ang boses na tanong nito sa kaniya.


"O-okey lang naman." Di niya malaman pero bigla siya nakaramdam ng hiya. Lalo pa't sa mga titig nito ngayon, na kumikintab pa rin ang mga mata, makahulugan ang bawat sinasabi ng malokong ngiti. Parang pinapaalala sa kaniya ang nangyari kagabi.


"Sarap mo, tangina mo." Nanggigil itong si Jolo kaya pinapak siya ng halik sa noo, sa pisngi, sa ilong, sa kabilang pisngi, sa baba, sa labi, sa buong mukha.


"Tama na!" Tatawa-tawa ang dalagita habang nilalayo ang mukha ng nobyo. "Tama na sabi, e. Di ka pa nga nagtu-toothbrush, kadiri ka. Ang baho ng laway mo!"

"'La?" Bumuga siya ng hininga sa dalawang palad para maamoy kung totoong mabaho nga ang hininga. "Di naman, e! Niloloko mo 'ko." Sinundot-sundot nito ang tagiliran ni Lexa. Hagikhik lang ang tanging sagot nito dahil sa sobrang pagkakakiliti. "Ano, ha. Ano? Lolokohin mo pa 'ko." Nagtatatadyak ang dalaga. Malikot na ginagalaw ang katawan.


"'Di na! P-promise, last na 'yun." Hinabol niya ang kaniyang hininga. Natatawa pa rin siya, habang nakapatong sa kaniyang ibabaw ang hubo't hubad na nobyong tahimik na nakangiti. Napalunok siya sa gustong sabihin ng mga mata nito. Mukhang mapapasubo na naman siya.At unti-unti ay naramdaman niya ang dahan-dahang paglaki ng alaga nito, na sumasagi sa kaniyang hita. Naninigas. Nagngangalit. Gustong sugurin ang bataan. Tila hindi nakuntento sa nakaraang laban. Iba talaga 'pag bata pa, ang bilis tigasan, di nauubusan ng libog sa katawan.


Wala pang isang minuto ay nakita niya ang sariling nagpapakalunod sa mga halik nito. Himas. Hagod. Walang kasawaang laplap. Pero, di 'ata ngayon ang oras para ipagpatuloy 'yun. Napabalikwas silang dalawa. Nilingon ang pinanggalingan ng ingay. Alam nila parehong may nagbukas ng pinto ng bahay. Walang ibang may susi nu'n kundi ang mga magulang. Kaya ang dalawa, natawa na lamang. Nangingiting nagbihis. Ipagpapaliban muna nila ang laban. Marami pa namang oras para ipagpatuloy 'yun. Lalo pa't legal na silang nakakapagtabi sa iisang kama, sa iisang bubong.

NAPASUBOWhere stories live. Discover now