Chapter 28: Memory

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang mga araw. Nakatayo lang ako sa may hardin dito sa mansyon habang pinagmamasdan ko ang sakura tree na meron dito. Ewan ko kung bakit, pero ang alam ko lang ay ang ganda ng araw ko ngayon.

Hindi na kasi ako binibwesit nang mga ahas sa mansyong ito. Si Loraine naman ay ‘di na sinasalubong ang aking mga titig, maliban kay Lacsy at Mara na para bang ‘di parin mawawala ang sama ng loob sa akin. Pakielam ko ba sa kanilang dalawa!

Sa totoo lang, ‘yung nangyari sa kanila sa Pherinlan ay ‘diko na inalam pa kung ano ang naging reaksyon ng mga magulang nila sa nangyari. Wala akong pakielam sa kanila kung sasabihin pa nila ang totoong nangyari sa kanila. Pero dahil ‘di naman ako binulabog ng mga ito ay ramdam kong ‘di nila ‘yun sinabi.

Pumitas ako ng bulaklak ng isang tulip at inilagay ito sa aking tainga. Bakit kaya ang ganda ng araw ko ngayon?

“Mahal na prinsesa!” napatingin ako sa isang taga silbi ng mansyon na mabilis na nakarating sa aking harapan.

“Oh, bakit?” intriga ko dito.

“M—may bisita po kayo!” habol hiningang sagot nito.

“Sino naman?”

“Ang punong hukom ng imperyo!” halos ‘di ako makapaniwala sa narinig.

Sigurado ka ba!?” baka pinagtitripan lamang ako ng babaeng ito. Mananagot siya sa akin kapag kasinungalingan lamang ito. Ano namang gagawin ng isang punong hukom sa aking mansyon?

At biglang sumagi ang isipan ni Tomoki sa akin. Kapatid ng kanyang ina ang punong hukom ng imperyong ‘to? What—?

Mabilis pa sa kidlat ang pagtungo ko sa direksyon nito kung saan ito naghihintay na itinuro sa akin ng taga silbi.

Nakita kong may lalaking nakatayo sa may rest hut na tila may hinihintay. Bakit dito pa niya napiling maghintay?

Pinapanood nito ang mga goldfish ni Therese sa may lawa.

Pasensya na mahal na prinsesa sa biglang pagsulpot ko sa mansyon mo,” his deep voice were calm and gentle.

Hindi ako nakapagsalita nang tuluyan itong humarap sa akin. Kamukhang-kamukha ito ng mahal na hari. May singkit rin itong mga mata.

“Alam kong ‘di mo ako naalala dahil sanggol ka pa lamang noon nang makita mo ‘ko. Ako nga pala si Kyo(ka/yu)” ngumiti ito sa akin. Kahit ang pagngiti niya ay parehong-pareho sa hari na halos mawawala na ang sariling mga mata.

Napatingala lamang ako sa kanya nang i-pat nito ang aking ulo, Parehong-pareho kayo ng iyong inang tumingin sa mga nilalang na bago lamang sa inyong mga mata,” huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, mahal na prinsesa,” sumeryoso ang kanyang mga matang nakatitig sa akin ng diretso, Nandito ako para arestuhin ang iyong mga pamilya sa pagtangkang paglason sa iyo at sa pagkamkam ng kayamanan ng iyong ina na dapat nasa iyo,” diretsong sabi nito na ‘diko man kang napaghandaan. Pero paano niya ‘yun nalaman?

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now