Chapter 26: Their Revenge

Start from the beginning
                                    

“Yeah,” sumingkit ang mga mata ng prinsipe ng ngumiti ito sa akin, Tatlong araw tayo roon. Kaya sana pupunta ka. Sa Hasseium magtitipon ang lahat bago tayo tutungo roon. At mamayang gabi ‘yun magsisimula.”

Dapat kayong mag-ingat ro’n. Sa pagkakaalam ko delikado raw ang kagubatang Pherinlan,” bilin sa amin ng Dowager.

Maging maingat po kami. Tsaka kasama naman namin si Master Atos at ang siyam na Master ng Hasseium kaya wala po kayong dapat ikabahala pa, Dowager Len.” Nakangiting sabi ni Autumn.

Hwag kayong maging kampante sa Pherinlan,” kinuha ng hari ang kopitang may laman ng dugo at ininom ito. Nang mailapag na ay muli siyang nagsalita, “May mga mapanganib na nilalang ang Pherinlan.”

Ano nga ba ang pakay ng mga tagaturo ng Hasseium sa Pherinlan?” tanong muli ng Dowager.

“They’re looking for a three eyed butterfly,” sabi ng prinsipe habang may inaalala, “Sa pagkakaalam ko ay gagamitin ‘yun bilang sangkap sa gagawin nilang ritwal para magkaroon ng barrier ang ating imperyo laban sa mga masasamang nilalang.” Selaris Mestija Empire were about to prepare themselves if the demons of this world will attack their empire.

Naalala ko ang bagay na ‘yan ngunit nakalimutan ko dahil sa dami kong iniisip. Nakipagsundo sa akin si Haryu, ang tagapamahala ng Hasseium na hinihingi niya ang aking kooperasyon sa paghahanap ng paru-parong may tatlong mata,” seryosong tugon ng Hari, Dahil naalala ko na. Mamayang gabi ay magpapadala ako ng mga kawal sa Hasseium para samahan kayo sa paglalakbay ninyo.”




Pag-apak ko pa sa lang papalabas sa may karwahe ay agad na akong tumungo sa may rest hut na sinundan naman ni Ge Chen.

Pagdating ko ro’n ay nakababad parin si Therese sa may lawa. Nandun parin si Bridgette na nakabantay sa kanya, hawak parin nito ang latigo. Ngunit may dumagdag na ahas.

Galit na galit ang mukha ni Agnus na sumalubong sa akin nang makapasok na ako rito.

Anong ibig sabihin nito!” sigaw niya na halos pumutok na ang ugat sa kanyang leeg sa lakas niyang pagsigaw. Nanlilisik narin ang mapupula niyang mga mata na diretsong nakatitig sa akin.

Kalmado naman akong sumulyap ng tingin sa kanya at tuluyan siyang nilagpasan na parang isang rebulto lamang na dekorasyon sa rest hut na ‘to.

“How’s the feeling, Therese. Unsatisfied?” natatawa kong salubong rito.

Kita ko sa kanyang mga mata na kanina pa siya nanggigil sa akin. Pero ano nga bang magagawa niya—nila? Nothing. But to endure what punishment I want them to feel.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now