Kabanata 10

1.4K 78 10
                                    

Kabanata 10


PIGIL-PIGIL ni Jill ang luha habang yakap-yakap si Guji. She could feel his pain and loneliness. Ngayon niya napagtanto kung bakit seryoso at hindi palakibo ang lalaki. He was still mending his own heart because of his mother's betrayal. Habang pinakikinggan niya itong nagkukwento ay gayon na lamang ang pagpipigil niya na yakapin ang lalaki. Gusto niyang ilabas nito ang lahat ng saloobin nito.

Nang makita ang paghihirap sa mukha nito ay hindi na nga niya napigilan ang sarili at niyakap ito. Sa pamamagitan man lamang ng yakap niya ay maipabatid niya sa lalaking hindi ito nag-iisa, na nandito siya sa tabi nito.

Marahan niyang hinaplos ang buhok nito. "Hindi ka na nag-iisa, Guji. We're here for you, tandaan mo 'yan."

Hindi kumibo ang lalaki subalit hindi rin ito nagtangkang umalis sa pagkakayakap niya. Gusto niyang manatili sa yakap niya si Guji. Gusto niyang iparating sa pamamagitan ng yakap niya ang isang mensahe—ang pagmamahal niya dito.

Because of his mother's betrayal, Guji became cole. That was his way of coping for the loss. Nawalan ito ng tiwala sa mga babae dahil sa nanay nito kung kaya't alam niyang mahihirapan siyang maipabatid sa lalaki ang pagmamahal niya dito. Kung kaya naman sa mga simpleng paraan na lamang niya iyon ipapabatid. Like being with him all the times, being with him in times he needed someone to be with him.

Ipaparamdam niya kay Guji na hindi na ito nag-iisa.

"Have you tried talking to your mom?" tanong niya paglipas ng ilang sandali.

"What's the use?"

Nagkibit siya ng balikat. "Maybe she has her reason for leaving you and your dad."

"Her explanations are long overdue."

Napabuga siya ng hangin. Puno ng hinanakit at galit ang puso ni Guji kung kaya't alam niyang sarado ang isip nito sa paliwanag. Pero nananalangin siyang sana ay dumating ang panahon na mapatawad nito ang nanay nito.

Mahirap, oo, pero ang gusto ni Jill ay makawala si Guji sa sakit ng kahapon.

Mula sa pagkakasubsob sa tiyan niya ay tiningala siya nito. "Thank you."

Ngumiti siya. "For what?"

"For being there. For holding me. For hugging me."

Ngumiti siya habang namumuo ang luha sa kanyang mata. Hearing him said those words made her heart swell with joy and she couldn't help but love him more. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Guji at kinurot iyon ng bahagya. Idinikit niya ang noo niya sa noo nito. "You're welcome. Thank you rin. Thank you kasi nagtiwala ka sa akin. You trust me, right?"

Tumango ito.

"Then listen, okay? Alam kong masakit dahil iniwan ka ng mommy mo pero siguro mababawasan ang sakit na 'yan kapag natuto kang magpatawad at makalimot. Mahirap pero para sa ikabubuti mo 'yan. I'm not telling you to forgive her immediately. Just don't close your heart to forgiveness. Okay?"

Hindi kumibo si Guji at nanatiling nakatitig sa kanya. Kapagkuwan ay tumayo ito at bigla siyang niyakap nang napakahigpit. Naramdaman niya ang mabining halik na iginawad nito sa noo at ituktok ng ulo niya. Kasabay niyon ay ang pagtango nito.

Ramdam niya, it was just a matter of time for him to forgive his mother.


"CAN WE talk, Jill?"

Marahas na napalingon si Jill sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakatayo sa likuran niya ang ex-boyfriend niyang si Jack. Walang emosyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya maiwasang magtaka. Ano ang pakay nito sa kanya? Noong huli silang nagkita ay puno ng galit ang mukha nito subalit ngayon ay wala iyong kaemo-emosyon.

Why Did I Fall In Love With You? (Tennis Knights #5) (Published under PHR)Where stories live. Discover now