Kabanata 3

1.6K 84 12
                                    

Kabanata 3


"OKAY. Salamat sa tulong mo. Bye-bye!" sabi kaagad ni Jill nang makarating na sila sa labas ng main building. Inalis na niya ang braso ni Guji sa balikat niya.

"Where the hell do you think you are going?!"

Napapikit siya at tila itinulos siya sa kinatatayuan nang marinig ang dumadagundong at malamig pa sa yelong tinig ni Guji. No, mali pala siya. Mainit pa sa apoy na tinig nito, mas angkop iyon. Dragon nga pala ito.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at nilingon ang lalaki. Ngumiti siya subalit alam niyang ngiwi ang lumabas sa labi niya. "Babalik sa main building?" patanong na sagot niya.

Naningkit ang mata ni Guji at hindi na siya magtataka kung bigla siya nitong tirisin. "After what I did to you a while ago, you're just going to leave me here without saying thank you?"

Nakagat niya ang ibaba niyang labi. "I'm sorry. Ahm, thank you nga pala sa pagtulong mo kanina kahit na ba hindi ko naman hinihingi ang tulong mo. Thank you na rin kahit na ba tila sinusumbat mo sa akin ang pagtulong mo na hindi ko naman hiniling sa 'yo."

Muntik na niyang sabunutan ang sarili nang makita ang matalim na tingin sa kanya ni Guji. Hindi lamang kasi niya mapigil ang sariling paringgan ito. Aba, hindi naman kasi niya talaga hiningi ang tulong nito kaya wala itong karapatang sumbatan siya dahil hindi siya nag-thank you dito. Kahit na ba natutuwa siya dahil nailayo siya nito kina Jack at Shayne nang walang aberya, hindi pa rin tama na ipamukha nito sa kanya ang ginawa nito.

Pero syempre, hindi niya iyon masasabi ng direkta sa lalaking ito dahil tapos ang beauty niya kapag tinusta siya nito.

"Are you mocking me, girl?"

"Jill nga ang pangalan ko, okay? O kaya kahit Jamillie na lang kahit ayaw ko, basta huwag "girl", okay?" nanggigil na rin na aniya sa lalaki.

Iwinasiwas nito ang kamay nito. "Fine, fine. Whatever. Saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya, seryosong-seryoso ang mukha nito na tila ba handa siyang sakalin sakaling hindi niya sagutin ang tanong nito.

"Uuwi na, malamang."

"Ihahatid na kita," anito at tumalikod na, 'ni hindi man lamang nito tiningnan kung nakasunod ba siya dito o hindi.

Napanganga siya. Hindi man niya nakikita ang sarili niya ay alam niyang bakas sa mukha niya ang hindi pagkapaniwala at pagtataka. Bakit kailangan pa nitong ihatid siya pauwi?

Isinatinig niya ang tanong na iyon.

Huminto sa paglalakad ang lalaki at nilingon siya. Ang simpleng paglingon na ginawa nito sa kanya ay tila ba kilos ng isang modelo. The way he turned and the way he angled his body to her seemed like he was projecting towards her—like a model.

"Because you are my girlfriend."

"Bakit?"

"Because I said so."

Nanlaki ang mata niya nang tila ma-absorb ng utak niya ang pinagsasasabi ni Guji. "Ako ba ang tinutukoy mo?" gulat na tanong niya at itinuro pa ang sarili. "Girlfriend? Ako? Kailan pa?!"

Ang tinging ibinigay ni Guji sa kanya ay iyong tingin na tila ba nagpipigil lamang ito upang lapitan siya at yugyugin. Buti na lamang at kahit papaano ay nagpipigil ito.

"May iba pa bang tao dito para maging girlfriend ko?" tanong nito sa kanya, pagkabagot ang nababasa niya sa mata nito.

Nagbilang siya hanggang sampu sa kanyang isip. Ibang klase rin 'tong lalaking 'to. Mahaba ang pasensya niya pero sinasagad nito iyon. "I mean, hindi nga kita kilala! Saka paano kitang magiging boyfriend, eh hindi mo nga ako niligawan. At lalong hindi kita mahal!"

"I'm Guji Gonzado and I courted you already a while ago when I saved your face on the scene with that bastard Jack. About that love thing, face the reality, there's no such thing as love. Love is only for those fools who don't want to see the reality of life."

Napamulagat siya nang marinig ang sinabi nito lalo na doon sa huli nitong sinabi. Hindi nga niya alam kung nakaringgan lamang niya subalit tila may pait sa tinig nito nang sinabi nito na hindi totoo ang pagmamahal.

Dahil masyado siyang nadala sa mahabang litanya ni Guji ay hindi niya namalayang nilapitan siya nitong muli. Walang babalang hinawakan nito nang mahigpit—bagaman hindi masakit—ang kanyang bisig at tila batang inakay siya nito palabas ng university.

May sapi ba ang lalaking ito?


"SA TINGIN mo, Coach, papayag kaya si Jill sa plano natin?"

"Oo nga, Coach. Syempre, kahit papaano, eh minahal pa rin niya 'yung gunggong na Jack niya 'yun kaya baka mag-alinlangan siyang tulungan tayo."

Mula sa pagtitig sa raketang hawak-hawak ay binalingan ni Guji ang dalawang kaibigan niyang nagtanong na iyon, sina Les at Cloud. Imbes na ihatid niya gaya ng nauna niyang plano si Jill, isinama niya muna ito dito sa bahay ni Enzo dahil na rin sa text message na na-receive niya galing sa huli.

Enzo told him that he might sabotage their plan if they follow his lead. Noong una ay nainis siya dahil tila ba walang tiwala sa kanya ang mga kaibigan niya. But looking at their side, he guessed they have a point. Aminado siya sa sarili niya na hindi niya alam ang salitang pakiusap. He might force Jill to be their accomplice and that might ruin everything.

Kaya dinala niya dito si Jill upang kausapin ito ng kababata ni Enzo na si Allie. Ayon kay Enzo, magaling manghikayat si Allie. Maboka raw ito kung kaya't sigurado raw na papayag kaagad si Jill.

"I trust Allie," simpleng sagot ni Enzo at napansin niyang wala sa kanila ang atensyon nito kundi nasa kababata nito.

"Naks! Pag-ibig na ba 'yan, Enzo?"

"Tinatablan ka pala n'on?"

"Gusto niyong umikot ng dalawampung beses sa palibot ng village namin, Les, Cloud?" seryosong tanong ni Enzo sa dalawa.

"Joke lang, Coach!"

"Kung pumayag si Jill, what's the next step, Enzo?" tanong naman ni Chase.

"Nasa kamay na ni Guji kung magiging successful ang plano namin ni Kei."

"Goodluck, 'tol!"

"Why Guji?" ani Rein.

"Silang dalawa ang magti-team up ni Jill. They will act as lovers in front of Jack," tugon ni Kei.

"Then?"

"Jack's pride will be bruised because of this. After that, unti-unti nating sisirain at tatapakan ang pira-pirasong pride ni Jack, until he has no more face to show in front of us," siya na ang sumagot sa tanong na iyon.

"Then I'll kick him out of the club along with his minions. Tingnan ko lang kung may matira pang pride sa lalaking 'yan," sabi ni Enzo, something evil crossed his eyes when he said those words.

Akmang magsasalita siya nang biglang tumili si Allie na nakapuwesto hindi kalayuan sa kanila, katabi at kausap nito si Jill.

"The shriek of that brat means Jill accepted our request. I can already see Janson's downfall."

Napailing siya. Ngayon siya labis na naniniwala na kung masama siyang magalit, mas matindi pa pala si Enzo. No wonder they feared this man.

"The rest is up to you, Guji."

"Leave it to me, Coach."

Napatingin siya sa babaeng magiging susi kung papaano niya magagantihan kahit papaano si Jack. Kanina noong nakita niya ito, ang plano lamang niya ay kausapin ito tungkol dito sa plano nila Enzo. But when he saw her facing Jack Janson and his girlfriend, hindi niya alam kung saan nanggaling ang tinig na bumulong sa kanya na tulungan ang babae. He suddenly wanted to protect Jill from Jack's cold stare and Shayne's malicious stare.

He was shocked, of course. This was the first time that he felt protective towards someone. Idagdag pa na babae si Jill and he didn't like girls. Pero iba talaga ang hatid sa kanya ng babaeng ito. Ibang-iba.

Ibinaon na lamang niya sa kasuluksulukang bahagi ng puso niya kung anuman ang nararamdaman niyang ito. This feeling would bring him nowhere, he was sure of it.

Why Did I Fall In Love With You? (Tennis Knights #5) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon