Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 14

68.8K 1.9K 314
                                    

Chapter 14

Linggo na ng hapon. We're now grazing the slightly-traffic road of South Luzon Express way. There's a dead atmosphere between Zion and I since we left Batangas. Mula kagabi hanggang kaninang umaga ay ramdam ko ang pagkailang na bumabalot sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko siya papatunguhan ng normal at maayos. Iyong hindi naiilang at tila ba walang usapan na namagitan sa amin kagabi.

Hanggang ngayon, ayoko pa rin paniwalaan ang sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Well, not at least my brain. I want to think that his mind was just being clouded by the strong spirit of alcohol that made him do that kind of trippings. I mean, sino ang maniniwala sa kanya? Ang mga lalaking kagaya niya ay malabong magkagusto sa isang babaeng kagaya ko.

I mean, given the false work I have, it's just way beyond the bounds of possibility. Amo na mahuhulog sa katulong niya? Sa pelikula at libro ko lang nababasa ang ganoong klase ng senaryo. Is it possible to happen? No. Absolutely not. He has a girlfriend, too. Sinasabi niya man na hindi siya seriously committed kay Sigrid, may relasyon pa rin sila.

"Huwag mo akong pinagtitripan, Zion. Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi mo." pilit pinapatigas ang boses na sabi ko.

He played with his lips using his teeth. Kinagat kagat niya ito habang mariing nakatitig sa mga mata ko. Those smooth movement from him snatched my gaze from his eyes. Sa halip ay nagtungo ang mga mata ko sa labi niya na ngayon ay mas mapula na dahil sa pagkagat niya rito.

"Is it hard to believe, Hazel?" he questioned, stealing my attention from his kissable lips.

I anchored my eyes back to his. Tumango ako.

"Sobra. Sobra-sobrang hirap paniwalaan. Masiyadong malayo sa realidad iyang sinasabi mo. At isa pa, paano mo nagagawang sabihin iyan kung kanina nga lang ay may kalandian kang babae?"

Tumaas ang kilay niya. His face expression went from blank to confused like he doesn't know what I am talking about.

Really? May amnesia kaagad?

"Kalandian?" maang na tanong niya at mas idinikit ang katawan sa akin. We are so close that we're almost breathing the same air.

"Si Yumi! Inalok mo pa nga siyang ihatid sa kwarto niya dahil lasing na siya. Hindi ko alam na ganoon ka pala ka-thoughtful sa mga empleyado mo."

He smirked. "Selos ka, po?" 

"A-Ako? Bakit naman ako magseselos? Ang sa akin lang, huwag mo ako masabihan na gusto mo ako kung kanina lang ay may kalandian ka at hinatid pa sa kwarto."

Zion let out a cruel laughter. Tumaas ang kilay ko matapos makita ang reaksyon niya. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?

Maybe it's because he's really tripping on me! At ngayon na bisto ko na ang kalokohan niya sa akin ay tanging pagtawa na lang ang kaya niyang gawin.

Playboy!

His laughter died down. Ngumuso siya, halatang pinipigilan ang tawa na gusto pang kumawala sa labi niya. Nagsalubong ang kilay ko nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at hilahin ako palapit pa lalo sa kanya. He placed my hands on his back like he wants me to hug him. Nagkaroon ng sariling buhay ang mga kamay ko, pumulupot sa likod niya at nanghihina siyang niyakap.

icon lock

Show your support for Warranj, and continue reading this story

by Warranj
@Warranj
Adrianna Monteverde did what every stubborn daughter forced to marry...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 43 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @Warranj.
Monasterio Series #1: Lies Beneath Her Love Where stories live. Discover now