Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 12

56.4K 1.5K 134
                                    

Chapter 12


Boiling fury surged inside of me as I got out of the hotel. My head is spinning and threatening to explode. Hindi ko matanggap na sa unang pagkakataon, may isang lalaki ang nagsabi sa akin na malandi ako. I can accept the fact that I'm useless because that's the truth. Pero ang malandi? Sa paanong paraan? Namasyal lang sa dalampasigan, malandi na kaagad? Can't he give me other reason? Iyong may sense naman. Iyong may pagbabasehan siya.

I expected too much from him. Akala ko ay sukdulan siya sa bait dahil na rin sa pagtanggap niya sa akin sa bahay niya nang walang tanong-tanong tungkol sa pagkatao ko. And now where did my expectations lead me?

Kung totoo man na nakikipaglandian ako kay Conrad, ano naman sa kanya? Why does he care? Amo ko lang siya. Hindi porque nagtatrabaho ako sa kanya, may karapatan na siyang hawakan ako sa leeg. I can't see his point or reason why he's so mad at me. Ayaw ba niyang magkaroon ang kaibigan niya ng karelasyon na katulong?

Buwisit siya. Siya nga hinalikan ako! Ba't hindi niya kagalitan ang sarili niya?

I stomped my feet on the sand, nearly making a hole. Hindi kalayuan ay nakita ko ang gazebo ng mga empleyado ni Zion, naroon din si Conrad. Nagtungo ako doon, hindi alam kung bakit sa dinami ng puwedeng puntahan ay doon pa. Siguro, ayoko lang magpaka-emo sa tabi-tabi at pagisipan pa ako ng kung ano ng mga taong nasa paligid ko. Kung magtungo man doon si Zion na alam kong posible dahil mga tauhan niya ito, wala na akong pakielam. Hindi ko na lang siya titingnan.

"Hazel! Oh, miss mo ako kaagad?" nakangising tanong ni Conrad pagkakita sa akin. He even stood up from his seat and ambled towards me.

Kung sa ibang pagkakataon ay maaaring tawanan ko siya dahil sa banat niyang iyon. But I am seriously in a fould mood right now that I couldn't even lift the edge of my lips.

"Uh... puwede ba ako dito?" pagiwas ko sa sinabi niya. I scanned the whole gazebo and found their employees staring at me. Boys wearing a friendly smile, while most of the women have an irritated look.

"What kind of question is that, Hazel? Of course, you're welcome here." sagot ni Conrad na ikinatuon ng atensyon ko sa kanya.

Tumango ako, tipid na ngumiti. "Salamat."

"No problem."

He gestured the vacant place where I can sit down. Naglakad ako patungo doon, sumunod siya.

"Maid daw 'yan ni Sir Zion."

"Talaga? Ang ganda namang katulong niyan. Pero mukhang may itinatagong landi."

Nagpanting ang tainga ko sa huling salita na narinig ko mula sa bulungan ng mga babae sa gilid ko. I glared at them, kaagad silang nagiwas ng tingin sa akin.

You can tell anything about me, judge me whenever you want, just skip the last part.

"Dito ka, Hazel." alok ni Conrad nang makaupo na siya, sumunod kaagad ako. "Gusto mong kumain? Ikukuha kita."

Umiling ako. "Ayos lang, Conrad. Busog pa naman—"

"Hindi ka pa naman kumakain simula ng dumating kayo ni Zion, e. Nasaan nga pala siya? Hindi ba at iniwan ko kayong magkasama?"

Natapon ang pait sa aking dibdib pagkarinig sa pangalan niya. Huminga ako ng malalim.

"Nasa loob pa—"

"Ayan na si Sir Zion, Sir Conrad."

Sabay kaming napabaling ni Conrad sa harapan nang sabihin iyon ng isang empleyado nila. True to her words, Zion is really approaching towards us with his arrogant air and eyes holding fire for me. Mabilis ko siyang inirapan.

Monasterio Series #1: Lies Beneath Her Love Where stories live. Discover now