Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 9

58.9K 1.8K 361
                                    

Chapter 9

"Hmm. I'll be there. But tell Mr. Remulla that it will be a weekend stay only. We can't leave the company for too long."

Mula sa mga halaman na dinidiligan, napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Zion. Saktong paglingon ko ay ang paglabas niya ng main door ng bahay. Hawak ang cellphone sa kaliwang kamay habang ang isa ay nakatuon sa bewang, dumapo ang mga mata niya sa direksyon ko.

"Yes. I'll send you the file tonight." aniya sa kausap habang ang tingin ay hindi pa rin inaalis sa akin.

I unconsciously scanned him. Both of my brows lifted up when I saw him wearing his casual clothes. Faded denim tattered jeans, white round neck shirt and a black flip-flops. Iyon palagi ang suot niya kapag nasa bahay siya. Pantalon na sira sa magkabilang tuhod na pinagmumukha lamang siyang modelo.

Hindi ba papasok ang isang ito? Tirik na ang araw pero narito pa rin siya at nakapang bahay pa. Madalas ay pumapasok siya bago pa man mag alasyete. Pasado alas otso na nga ata.

Ibinalik ko ang paningin sa mukha niya. He shot his bushy brow up when our eyes met again. Para bang tinatanong niya ako sa pamamagitan ng tinginan namin kung bakit ko siya pinagmamasdan.

Ngumuso ako, ibinalik na sa mga halaman ang atensyon at nagpatuloy sa pagdidilig gamit ang garden hose.

Hindi nga siguro papasok. Baka magpapahinga. O, baka naman nagleave para makipag-quality time kay higad. Minsan nga, kapag close na kami, itatanong ko sa kanya kung ano'ng nagustuhan niya doon. Payat naman, flat chested pa. Higad na flat chested.

"Hazel-"

"Ay higad na flat chested!" Nanglalaki ang mga mata ko nang bumaling ako sa aking gilid at matagpuan doon si Zion na bahagyang nagulat rin dahil sa pagsigaw ko. Sinapo ko ang aking dibdib. "Kakagulat ka naman, Zion!"

He chuckled. "You better stop drinking coffee, Hazel. Simpleng tawag ay nagugulat ka. And what did you just say? Higad na flat chested? The fuck is that?"

Ang gulat sa aking mukha ay napalitan ng hagikgik. "Edi, higad na walang dibdib."

Ngumuso siya habang blankong nakingin sa mga mata ko, tila binubuo sa isip niya ang itsura ng ganoong klase ng insekto.

"Is that even existing?"

Oo, girlfriend mo pa nga, e.

"Mayroon. Rare nga lang! Bihira mo lang makikita." hagikhik kong muli bago pumihit at ipinagpatuloy ang pagdidilig.

"You're making fun of me." he said after I turned around.

"Hindi, ah. Totoo kaya 'yon," natatawang sabi ko. "Teka nga pala, bakit hindi ka pa ata nakabihis? Hindi ka ba papasok sa trabaho?"

Hindi kaagad siya sumagot. Ilang sandali pa nang makita ko siya sa aking gilid. I glanced at him. Nakatingin siya sa kamay ko. Mabilis na nagsalubong ang kilay ko nang kunin niya sa akin ang hose at siya na ang nagdilig ng halaman.

"Uy, akin na iyan!" Inagaw ko sa kanya ang host ngunit pilit naman niyang iniiwas.

"Ako na."

Sinamaan ko siya ng tingin. Sinulyapan niya ako. Umangat at sulok ng labi niya bago muling tumingin sa mga halamang kanina pa ata nalulunod.

Nanulis ang nguso ko, pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng aking dibdib. The roundness of my breast got only exposed after doing that move.

"Bakit ka ba nang-aagaw ng trabaho ng iba? Wala ka bang pasok?"

"I'm on leave." he rebounded without looking at me.

"Uh... Hanggang kailan?"

"Just for today."

Monasterio Series #1: Lies Beneath Her Love Where stories live. Discover now