Kabanata 65

6.8K 144 32
                                    


Moved

Gor's POV

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan mapangiti dahil nasa harapan ko ngayon ang tunay kong Papa at sa gilid ko ang Mama ko. Nagkasama rin kami sa hapagkainan, 'yung isa sa mga pinapangarap ko lang dati.

Nang napansin ata nila na nakatingin ako sa kanila ay sabay pa silang napatingin sa'kin, maybe they can feel the awkwardness.

"Eat up." Mahinang sabi ni Papa.

Ngumiti ako, "Opo Papa, Masaya lang talaga ako kasi kasama ko kayong dalawa sa hapagkainan." Sabi ko.

Napatingin ulit si Papa sa'kin atsaka bahagyang ngumiti kaya kumain na lang ulit ako dahil baka mas maramdaman nila 'yung pagiging awkward.

Kapag katapos namin kumain ay nag-volunteer akong maghugas pero ayaw ni Mama, siya na raw ang maghuhugas. Kaya tumabi na lang ako kay Papa na naka-upo sa sofa at nakatingin sa picture na nakadikit sa pader.

It is a picture of Mama and Papa, ngayon ko lang ito napuntahan at hindi ko alam na meron pa lang ganiyan dito.

Napatingin ako kay Kuya Elijah na nakatingin din do'n, "Hindi 'yan ang nandiyan dati." Bulong niya pero sapat na 'yon para marinig namin ni Papa.

"Really?" Sabi ko.

"Yeah, dati picture natin ang nandiyan." Sabi ni Kuya Elijah.

Tiningnan ko si Papa na naka-iwas na ng tingin, "Gusto mo Papa tanggalin ko?" Sabi ko.

"No, it's fine. It's just a picture without any meaning." Sabi niya.

Alam kong masaya sila niyan dahil halata mo naman sa mga ngiti ni Papa pero baka ayaw na 'yon maalala ni Papa dahil alam kong galit pa rin siya kay Mama.

Nagulat kami nang biglang tanggalin 'yon ni Mama at lukutin, "Yeah, sorry this is just nothing." Sabi ni Mama at tinapon 'yon sa basurahan.

Unti-unti akong nalungkot dahil kahit nahanap ko na ang tunay ko Papa ay hindi naman sila okay. Tiningnan ko si Papa at sobrang seryoso ng mukha niya, kaya hinila ko siya papalabas.

Mabuti naman ay nagpahila siya. Pagkarating namin sa labas ng bahay ay umupo kami sa hagdan at tsaka ako nagsalita.

"Hindi ko naman Papa inaasahan na maging okay kayo ni Mama pero sana mangyari 'yon, kasi matagal ko ng pangarap 'yung makasama kayong dalawa at mamuhay kasama mo." Sabi ko pero hindi ko kung bakit namumuo 'yung mga luha sa mga mata ko.

He sighed atsaka bahagyang tumingala, "I'm sorry, I can't do that." Sabi niya atsaka na tumulo ang luha ko.

Dahan-dahan akong tumango atsaka tumingin sa mga punong nasa harapan namin, "Sige Papa, atleast nakita kita atsaka pakiramdam ko naman ay pinatawad mo na ako." Sabi ko at pinipigilan na ang pag-iyak ko.

"I can't be with your Mother but you can live with me if you want to." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Really?!" Sabi ko at nakangiti.

Tumingin siya sa'kin, "Of course, and I forgive you. Gusto ko rin naman magkaroon pa ng mas maraming oras kasama ka." Sabi niya.

Niyakap ko siya at narinig ko siya biglang tumawa ng mahina pero bakas mo ro'n na naiiyak siya kaya tiningnan ko siya at nakita kong may luhang tumulo mula sa mga mata niya.

Maraming pamilya 'yung pinapangarap na mabuo 'yung pamilya nila, pero hindi nangyayari baka gano'n na rin ang mangyari sa'kin.

__

The Different sides of Euphoria | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon