Kabanata 28

10.6K 261 46
                                    




Prom

"Ano pala nangyari riyan sa paa mo? Ngayon ko lang napansin." Sabi niya.

"Ah eto? Naka-apak lang ako ng bubog." Sabi ko.

"Ginamot ka niya?" sabi niya.

Umiling ako, "Sus, bakla talaga." Sabi ni Azanil at ngumisi.

"Bakit mo ba siya sinasabihan ng bakla? Lalaki siya okay, hindi niya man naipakita sa'kin na isa siyang lalaki pero naipakita niya ito sa iba at sapat na 'yun sa'kin." Sabi ko kaya natahimik siya.

"That's.......too painful." Sabi niya at narinig ko ang malaking paglunok niya.

"Yeah, It will always be painful." Sabi ko.

Maya maya'y ay nakarating kami na kami sa restaurant na sinabi nilang pagaalmusalan namin. Inalalayan ako ni Azanil, he's not that tall pero medyo fit siya.

"Hi bessy~!" sabi ni Tita at nakipag beso sa babaeng maganda.

"Hi bessy! Buti naman ay nakalabas na rin tayo kaso nga lang kasama ang mga ite." Sabi nito at ngumuso bilang panuro.

"Ano ka ba it's okay, oh by the way, Sinama ko ang asawa ni Paul si Rachel." Sabi ni Tita.

"Hello po." Sabi ko at ngumiti.

"She's my ultimate best of the best friend of my life, Yuri and this is her husband Mark, Neil's brother. Hindi naman 'to planado, sadyang nahulog lang talaga 'tong si Mark sa maganda kong best friend ko." Sabi ni Tita at tumawa.

"Ah hehehe! Ang cute po, Hello po sa'nyo." Sabi ko at medyo na-awkward-an sa pagbati ko.

Umupo muna kami. "Where's Rin?" sabi ni Tita.

"Susunod daw siya, she's on the way." Sabi ni Kuya Mark.

"So anyway, kamusta naman ang pagiging asawa ni Paul sa'yo? Bongga ba?" sabi ni Tita Yuri habang nakangiti.

"He's not a good husband." Sabi ni Azanil.

"Ay teh, ikaw asawa?" sabi ni Yuri at tumawa.

"She can't answer it probably kaya tinulungan ko lang siya." Sabi ni Azanil at tumawa.

"Simula kasi talaga bata, ganiyan si Paul. He's frigid." Sabi ni Tita Yuri.

"Opo, she's with her girlfriend right now." Sabi ko.

Kumunot ang noo ni Tito Mark at Tita Yuri. "What?" sabi ni Tito Mark.

"Oh my gosh." Sabi ni Tita Yuri. "Teh, kita kita sa kaniya." Sabi ni Tita Yuri kay Tita Michelle.

"Yeah, I can clearly see myself to her." Sabi ni Tita.

Hindi ko napansin na tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko agad at ngumiti agad.

"Neil, kailangan mong kausapin 'yan si Paul ng maayos. Kilala kita, magagalit ka nanaman kasi agad." Sabi ni Tito Mark.

"Yeah, I am trying." Sabi ni Tito Neil.

Napatingin kami sa dumating na sobrang gandang babae. "Hi Ma, sorry I'm really late." Sabi niya at nakipag beso kila Tito at Tita maliban samin ni Azanil.

"Oh hi, may babae nanaman si Azanil?" sabi niya.

"No, she's Paul's wife." Sabi ni Tita Yuri.

"Oh! She's pretty. Hi I'm Terrese Rinery Jem Gallero." Sabi niya at nakipag kamay sa'kin.

"I'm Rachel Porxi Gallero?" sabi ko dahil medyo ang stiff if I will still use my surname.

"Welcome to the Gallero fam, siya lang naman ang dapat mong iwasan dito." Sabi niya at tinuro si Azanil.

The Different sides of Euphoria | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon