Kabanata 37

7.8K 180 45
                                    


Siguro nga...

Paul's point of view

Hindi ko alam kung bakit o sa anong dahilan pero hindi niya kinuha ang kamay ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, bakit ang sakit? 'yan ang lagi kong tanong sa sarili ko.

I'm always trying to prove myself to her, no'ng dumating 'yang Trevor na 'yan gustong gusto ko ng sumuko no'n pero bigla akong naganahan na bakit ako susuko? 'di ba kapag mahal mo talaga 'yung isang tao hindi mo siya susukuan?

Pero ngayon, naulit nanaman 'yung pakiramdam na 'to 'yung gusto ko ng sumuko at bumalik sa dating ako. 'yung manhid, walang expression at walang puso.

Nagulat ako nang hilain ako ni Rin. Nahimasmasan ako bigla nang nakita ko ang maganda niyang mukha na nakangiti at masaya.

"Ako nalang sasayaw sa'yo." Ngumiti si Rin sa'kin at tinitingnan lang din ako.

"Sana ikaw nalang siya." Sabi ko out of nowhere.

"Ano ka ba? Rachel is really confuse, imaginin mo dalawang gwapong lalaki ang interesado sakaniya. She's confuse what love will she gave to Trevor so she's fixing her problem and you have to understand it pero ang dapat mong gawin ay dapat huwag mong hahayaan na mahulog si Rachel ng tuluyan habang hinahanap niya 'yung sagot sa tanong niya." She smiled.

That enlightened me a lot. Napaka-pessimistic ko kasing tao, siguro dahil all of my life palagi nalang akong iniiwanan at second choice ng mga taong priority ko.

Tiningnan ko silang dalawa ni Trevor na magkatinginan ng masinsinan habang magkahawak ang kamay.

Binitawan ko ang kamay ni Rin dahil natapos na ang kanta at bumalik na kami sa upuan namin. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Rachel, she's really beautiful.....sobra.

"Tinititigan mo pa hindi naman ikaw 'yung gusto." Biglang sabi ni Azanil.

"Wag mo ko simulan Azanil." Sabi ko.

"Alam mo Azanil, babaero ka kasi kaya hindi ka pa nasasaktan. One day makakahanap ka ng babaeng sasaktan ka ng sobra!" sabi bigla ni Rin kaya napangisi ako.

"Shut up." Sabi ni Azanil.

Natapos na ang event at nagsiuwian na ang lahat. Niyaya ko si Rachel na sumama sa'kin kaso ayaw niya nanaman gusto niya raw sumama kay Trevor, puro nalang si Trevor nababanas na ako tangina.

Tanginang buhay 'to, nakakawalang gana.

I watched her entering Trevor's car. Tanging malamig na hangin lang ang nakasama ko sa gabing ito, sumakay na ako sa kotse ko at malungkot akong nakatingin sa daan.

Pag dating ko sa bahay, nakita ko sila ni Trevor na nasa sofa nanunuod sa Netflix. Nagulat ako nang tumakbo si Rachel papunta sa'kin, napangiti agad ako.

Parang nawala ka agad 'yung lungkot ko.

"Bakit?" sabi ko habang nakangiti.

"Umalis ka d'yan sa pintuan, andiyan na 'yung order namin na pizza." Sabi niya at inirapan ako.

Ah..akala ko naman natuwa siya kasi dumating ako. Dahan-dahan akong tumango kahit gusto ko nalang maiyak sa sobrang sakit.

"Ah okay, sorry." Sabi ko.

She is the cause of my euphoria, and she let me see the bright side of life once again but now, she's turning me back again when I was before. How ironic.

Tinitingnan ko ang carpet na nakalatag sa hagdan habang isa-isa ko itong hinahakbangan ng dahan-dahan.

Yeah, this is my life before I should get used to it. Just wandering and keeping my eyes wide open from night until morning.

May kulang ba sa'kin? Sobrang pangit ko na ba? Hindi na ba maganda 'yung pakikitungo ko sakaniya?

Rinig na rinig ko ang malakas nilang tawanan. In every laugh they create, it leaves me a huge mark of pain and it is permanent.

Nagbihis lang ako at bumaba ulit, dahil makikisali ako sa panunuod nila. Gusto kong magulo sila.

"Makikinuod din ako." Sabi ko.

"Sure." Sabi ni Trevor.

"Inaantok na ako Trev, tulog na tayo." Sabi ni Rachel at humikab.

"Oh, osige tara na." sabi ni Trevor at tumayo na sila sa sofa at umakyat.

Naiwan ako do'n, hindi ako makagalaw. Bakit ba ganito? Sobrang sakit.

Pinatay ko 'yung TV at inayos ko 'yung mga unan.

Papa-akyat na sana ako nang biglang pababa si Rachel ng hagdan. Ngumiti ako sakaniya pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at nilampasan lang.

Huminga ako ng malalim at umakyat. Dahan-dahan kong ipinihit ang door knob ng kwarto ko at pumasok.

Pati ang paghiga ko ay dahan-dahan. Pinikit ko ang mga mata ko....

Sana hindi ako sumuko.....

___

Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ako ng almusal para sa amin. Naka-upo na sila sa dining, excited ako kasi kakain si Rachel.

Pagkatapos ko lutuin ang aking sinangag at bacon and eggs ay inihain ko na sakanila.

Nakangiti ako habang tinitingnan si Rachel na sumubo. "Tsk, hindi masarap next time Trev ikaw nalang magluto para may gana ako." Sabi niya.

"Ay hindi ba? Sasaingan nalang kita ng bagong kanin." Sabi ko.

"Hindi na, mag titinapay nalang ako. Huwag kana magluluto kung susunugin mo 'yung bawang." Sabi niya at inirapan ako.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango. Binilisan ko kumain para maihanda ko sakanila ang ginawa kong coffee jelly.

"Eto, may ginawa akong coffee jelly tikman niyo." Sabi ko at nakangiti.

"Okay naman, masarap." Sabi ni Trevor kaya tumango ako.

"Ang pait, pwede ba Paul? Tigilan mo na nga 'yung pagpapa-impress sa'kin tapos lahat naman palpak nakakasira ka ng umaga!" sabi ni Rachel at padabog na ibinaba ang kubyertos.

Babawi ako sakaniya, sa susunod na bukas ay birthday na ni Rachel at bibigyan ko siya ng malaking malaking surpresa! 

The Different sides of Euphoria | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon