Kabanata 54

6.5K 181 35
                                    


Surprise

Unti-unti kong hiniwalay ang labi ko sa labi niya, bigla niyang inalis ang magkabila niyang kamay na naka hawak na sa batok ko kaya tumawa ako ng mahina.

"Hindi naman halata na nagustuhan mo 'yung ginawa ko?" Sabi ko at diretso pa rin ang titig sa mga mata niya.

Hindi siya sumasagot at hindi rin siya makatingin sa'kin. Tumayo na ako ng maayos at pumunta na sa table.

Narinig kong nakahinga siya ng maluwag atsaka sumunod sa'kin. She can't really complain if it's me.

Napatingin kami sa lumabas mula back door nila, It was Elijah. Karga-karga niya si Gor sa likuran niya at napangiti ako nang nakita kong tawa nang tawa si Gor.

Pero biglang nawala ang tawa niya nang bigla niya akong nakita, "Hinahanap ka ng anak mo! Laro na raw tayo." Sabi ni Elijah at tumatawa rin.

"May baliw kasing dumating dito eh. And oh by the way Gor, look!" Sabi niya at pinakita ang cheese burger at mushed potato.

"Wow! Binilhan mo ko Mama!" Sabi niya at bumaba mula sa likuran ni Elijah.

Binigay ni Rachel, at kinagatan niya agad 'yung burger. He was slightly dancing while enjoying his food, such a cutie pie. Pero nang napatingin siya sa'kin, nagbago 'yung expression niya.

"He bought that for you." Sabi ni Rachel.

Kaya parang nakakain siya ng lason sa gulat, "What?!" Sabi niya at dinura 'yung nginguya niyang parte ng burger.

"Why? Binilhan ka lang naman niya eh." Sabi ni Rachel.

"I hate him, and I will not receive anything from him. Get lost! Tigilan mo na 'yung pagpunta rito! Huwag mo ng ligawan ang Mama ko dahil masaya na ang pamilya namin!" Sabi niya habang umiiyak.

Tumakbo siya bigla papasok ng bahay. Biglang napabuntong hininga si Elijah at Rachel, "Hindi ko alam kung bakit galit na galit 'yun sa'yo." Sabi ni Elijah at umiling.

"Sorry Paul, huwag mo na intindihin 'yung ginawa ni Gor. He just hates everyone, pasensya na." Sabi ni Rachel.

"It's okay, bata eh." Sabi ko at ngumiti.

Umupo naman si Elijah at kinain ang hindi inubos ni Gor na burger at ang mushed potato. Medyo nalungkot lang ako kasi ayoko talaga na nararamdaman ko 'yung bibigyan ko ng effort 'yung isang tao tapos hindi i-aappreciate 'yung ginawa ko.

"So bakit ka nanaman napunta rito?" Biglang sabi ni Elijah habang nginguya 'yung burger.

"Wala lang, wala kasi akong magawa sa condo ko kaya naisipan ko nalang na pumunta rito." Sabi ko.

"Nililigawan mo ba si Rachel?" Direkta niyang tanong.

Rachel's POV

Napatingin ako kay Paul nang bigla 'yun itanong ni Elijah.

Tumawa si Paul atsaka sumagot, "Yes." Sabi niya kaya tumingin agad ako kay Elijah.

Nakakunot ang noo ni Elijah habang madiin na nakatitig kay Paul, "Let's see kung sino ang pipiliin niya, kung ikaw ba or ako at ang anak namin." Sabi niya.

Alam kong hindi makakasagot do'n si Paul dahil 'yun din ang nagpapagulo sa isip niya. Ayoko munang isipin ang mga bagay na 'yon dahil ayokong magambala ang isip ko at ma-stress pa ako.

Napatingin ako kay Paul nang bigla siyang nagsalita, "Of course she will choose her son, and leave you." Sabi ni Paul.

Tumawa si Elijah at umiling, "Tigilan mo na 'yang kahibangan mo Paul, malapit na nga kaming magpakasal tapos pipiliin ka niya?" Sabi niya."

"Magkaiba pa rin ang papakasalan sa mahal, you cannot marry someone if you don't love him or her and sadly, she loves me." Sabi ni Paul.

"Umalis kana rito, leave our house." Sabi ni Elijah.

"Okay, I will just come back tomorrow." Sabi ni Paul at tumawa.

"F*ck off." Ma-awtoridad na sabi ni Elijah.

Pinanuod namin na lumabas ng gate si Paul. Kitang-kita ko na nagagalit na si Elijah kaya hinawakan ko 'yung braso niya.

"Ej? Look at me." Sabi ko at hinawakan ang pisngi niya.

Pagkatingin niya sa'kin ay unti-unting nawawala 'yung galit sa mukha niya, "Tell me, you'll choose me right?" Sabi niya.

"I will choose you of course." Sabi ko.

Hinalikan niya ako, pero bigla siyang napalayo nang bigla namin narinig na bumukas 'yung pinto sa likod, at nakita namin si Gor na tumatakbo papunta sa'min.

"I knew it, may iba talaga siyang pakay kay Mama!" Sabi ni Gor at niyakap ako.

"Yes anak, he has. Para sa ating tatlo, ipapa-ban ko na siya rito sa bahay para wala ng manggugulo sa'tin." Sabi ni Elijah at hinalikan sa pisngi si Gor.

"Yes Daddy, tama ang naisip mo. Let's play na!" Sabi ni Gor.

"Itapon mo na 'yang mga binili ng hayop na 'yon." Sabi ni Elijah kaya wala naman na akong nagawa kun'di itapon nalang.

Hindi ko nga alam kung magtatagumpay itong dalawang 'to sa plano nilang hindi na pumunta rito si Paul dahil knowing him, he will always find a way lalo na at ako pa ang usapan dito.

Wow, gandang-ganda ka nanaman sa sarili mo Rachel. Wow ha, ganda mo.

Pumasok na kami sa loob at kinalaro si Gor ng tagu-taguan.

Paul's POV

Anong akala ni Elijah, susukuan ko na agad si Rachel at ibibigay sakaniya? Paano kaya kung pabunutan ko ng buhok si Gor kay Kevin at ipa-DNA ko para magka-alaman na kung sino ang tatay niya?

Hindi talaga ako naniniwala na si Elijah 'yung tatay ni Gor eh? Pero hindi mo na 'yun ang focus ko, ang focus ko ay mabawi ko si Rachel kay Elijah pero hindi naman talaga napasakaniya si Rachel.

Dahil kanina, kitang-kita ko kung paano ako tinitigan ni Rachel sa mga mata ko. Alam mo kasi 'yung tingin na wala lang at sa merong ibig sabihin, and 'yung titig niya sa'kin ay kakaiba.

Alam kong mahal pa rin ako ni Rachel, nahaharangan nanaman 'yun ng takot. Pakiramdam ko natatakot nanaman siya at itong tinatawag niyang "boyfriend" ay hindi maiparamdam sakaniya na everything will be alright.

Ako talaga ang lalaki para kay Rachel kaya babawiin ko na siya sa Elijah na 'yun, tsaka bukod sa mas gwapo ako sakaniya mas magiging perfect husband at father ako noh.

Napatingin ako sa phone ko nang biglang nag text si Kevin.

From: Kevs

May naisip ako pre, papasok si Elijah bukas sa trabaho and wala ka naman work tomorrow so bakit hindi mo puntahan si Rachel sa bahay nila. Akyat bahay ka namang hayop ka and 0120 ang passcode ng kwarto niya, it is January 20th. Birthday ni Gor.

Ano kayang magiging reaksyon ni Rachel kapag nakita niya akong nakahiga sa tabi niya bukas ng umaga?

___

Sorry for short update, I'll update nalang na mas mahaba next update. Sorry!

The Different sides of Euphoria | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon