Kabanata 5

13.3K 323 42
                                    


First

Bumaba ako ng kotse na sinasakayan namin ni Paul. Napangiti ako dahil sa ganda ng bahay na ito, malaki ito pero seryoso ba sila na kaming dalawa lang ni Paul titira rito?

Tiningnan ko si Paul na seryosong nakatingin sa bahay. Kinuha ko na ang maleta ko at ibang mga bag ko samantalang si Paul ay may katulong na nagdadala ng gamit niya.

Sabagay hindi ko naman sila binabayaran, pero may hagdan kasi paano ko ba ito dadalhin? Pero ano ba ang magagawa edi ako nalang ang nag buhat ng mga gamit ko dahil for sure hindi naman ako tutulungan ni Paul.

Pagpasok namin ng bahay, mas maganda ito sa loob. Pumunta agad ako ng second floor, napatingin ako sa ibang bahagi ng second floor na kasalukuyang ginagawa palang. Dumiretso ako sa isang kwarto at nakita kong ang ganda nito.

Color gray at black halos lahat ng gamit pati ang mga paintings na nasa pader. Malamang ay kay—

"Lumabas ka rito, this is my room." napatingin ako nang biglang pumasok si Paul dala-dala ang mga gamit niya.

"Ah sorry. tiningnan ko lang." sabi ko at ngumiti.

Pero sinuklian niya lang ako ng isang malamig na tingin na parang wala talaga siyang paki-alam sa'kin. Lumabas nalang ako ng kwarto niya at nilibot ang tingin ko sa buong ikalawang palapag. Itong kwarto pa lang niya ang ayos, saan kaya ang kwart ko?

Panigurado naman ay hindi papayag si Paul na sa kwarto niya ako matutulog, sa pagkaka-alam at pagkakakilala ko sakaniya ay masyadong private ang buhay niya. Nonetheless, what else could I do?

Nagkibit balikat ako atsaka tumungo sa unang palapag ng bahay at iniwan ko muna ang mga gamit ko sa may gilid ng sofa para dumiretso sa kusina.

Nang nakakita ako ng maid agad ko itong tinanong, "Ate, sa'n po ba ang magiging kwarto ko?" sabi ko.

"Sabi ni Ma'am ay tabi raw po kayo sa kwarto ni Sir Paul." sabi ni Ate.

Baka naman mangyari ang gusto ni Tita, knowing Paul, I don't think so.

"I'm Rachel by the way, may I know all of your names?" pangmayaman kong accent na sinabi para naman may class, chos.

"Ako si Perla, siya si Abby at si Manang Yolly." turo niya ro'n sa dalawang maids.

Ngumiti lang sila sa'kin, I just felt smiling at them as well. Pakiramdam ko lang ay komportable ang sa pakikipag-usap sa kanilang tatlo.

Oh, I remember sa'n kaya ako pwedeng matulog? Malamang ay hindi ako patutulugin ni Paul sa kwarto niya. Pumunta muna ako sa sala at tiningnan ang sofa, pwede na siguro rito? Manghihingi nalang ako ng kumot. Hindi naman kalakihan ang katawan ko para hindi ako magkasiya riyan.

Napatingin ako sa hagdan nang nakita ko ro'n si Paul na bumababa. He's wearing our uniform at mukhang kakatapos niya lang maligo. Ang bilis naman niyang kumilos, papasok na agad siya.

"Paul, sabay na tayo pumasok." sabi ko at ngumiti.

"Not gonna happen." malamig niyang tugon at lumabas na ng bahay.

Naiwan siyang nakatulala ro'n sa may sala. Kakayanin ko kaya 'yung pinapagawa ni Tita? Siguro kakayanin.

Huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa cr upang maligo, nang makapasok na.

Pagkarating ko sa school, hinahanap ko si Paul. Naiwan niya itong cellphone niya sa kwarto niya. Pumasok kasi ako sa kwarto niya ulit para kunin ang naiwan kong maliit na bag at biglang may tumatawag sa cellphone niya, naisip ko na baka importante kasi nakalagay ay 'Client'.

Asaan na ba iyon si Paul, kung saan-saan nanaman siya pumupunta? Maya-maya ay papasok na ako dahil ilang sandali nalang ay tutunog na ang bell.

Napatigil ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Paul, tumatawag ulit si Client. Akmang pipindutin ko na ang answer button nang biglang may kumuha ng cellphone at napatingin ako sakaniya, si Paul pala.

"Ah, Paul naiwan mo itong cellphone mo sa kwarto mo, tapos may tumawa—" pinutol niya ang aking pagsasalita.

"You infiltrated into my room?" malamig na tanong ni Paul.

"Ah naiwan—" napatigil siya nang biglang nagsalita si Paul ulit.

"I'm warning you, you cannot go into my room without my consent. Even my parents cannot enter my room without any valid reasons to be told, might as well, you must apply it to yourself." sabi niya at tinalikuran na ako. 

First day palang parang ayaw 'ko na. Bakit ganito?

The Different sides of Euphoria | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon