Kabanata 29

11.1K 285 81
                                    


Comment down your thoughts about the story para alam ko kung okay naman 'yung flow nung story! Salamat.

Mahal

Naliligo ako ngayon, at napaisip pa rin ako sa sinabi ni Rin. Ano kayang gagawin niya mamaya? Sasama rin kasi siya sa prom, bali dalawa na 'yung ininvite ko. Hinihintay na pala ako nila Tita sa kwarto ko, dahil sila daw ang mga magaayos sa'kin.

Tatawagin ko silang Tita Buddies, dahil parang kabarkada ko nalang sila. Pagkatapos ko maligo ay nadatnan ko silang nagkukwentuhan.

"Ayan na pala siya." Sabi ni Tita Michelle.

Nagsuot muna ako ng kung ano para maya-maya ko na susuotin 'yung magarbong dress. Sinimulan na nila ang pagmemake-up sa'kin. Ano kayang ginagawa ni Paul ngayon?

"Asaan po si Paul?" sabi ko.

"Nagbibihis na rin siya." Sabi ni Tita Yuri.

"Hinahanap mo naman agad ang anak ko eh." Sabi ni Tita Michelle.

Ngumiti nalang ako. Kanina nginitian niya ako eh, kinikilig talaga ako kapag naalala ko kung paano niya ako nginitian.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang pagmemake-up sa'kin.

"You're done!" sabi ni Tita Michelle at huminga na para bang napagod.

Hinarap nila ako sa salamin. Wow, I look so different. Para akong si Aphodite, Parang hindi ako 'yung nakikita ko. Magugustuhan kaya ni Paul 'yung look ko ngayon?

Tinulungan na nila ako isuot ang dress ko, hindi naman masyadong mahirap isuot. Pagkatapos non ay inayos na nila ang buhok ko. Pinlantsa lang nila ang buhok ko at hinati, ang isang parte ay palikod at ang isa naman ay paharap. Sinuot ko na ang silver scarpin na binili sa'kin for my footwear.

Umikot ako sa harap ng salamin habang dala-dala ang isang silver pouch. May design siyang crystal stones.

"Ang ganda mo." Sabi ni Rin na nakatitig sa'kin sa salamin.

"Panigurado kuhang kuha mo na si Paul." Sabi ni Tita Yuri.

Ngumiti ako sa salamin, "Oo nga po, mukhang sobrang ganda ko masyado ngayong araw na 'to." Sabi ko at tumawa.

"Basta ako Rachel, boto na ako sa'yo. Nakikita na kita bilang isang aking daughter-in-law." Sabi ni Tita.

"Thank you po." Sabi ko.

"Mauna na kami sa baba at kailangan may solo stage ka pagbaba mo sa hagdan." Sabi ni Tita Michelle.

Ngumiti ako sa salamin. "You're perfect and you know your worth. Don't let someone ruined your smile." Sabi ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim atsaka lumabas ng kwarto. Dahan-dahan akong naglakad pababa, hanggang sa unti-unti kong nasilayan ang mukha ni Paul, he's looking at me as if he can see my inner self.

"Ano naman masasabi mo Paul?" sabi ni Tita Yuri.

"She's amazing." Sabi niya habang hindi pa rin naalis ang tingin niya sa'kin kaya medyo nahihiya ako.

Ang gwapo rin naman nitong si Paul jusko. Nagpapakita pa siya ng chest ah. Napatingin naman ako kay Stacy na nakasimangot and she's wearing black dress. While Azanil is also wearing a revealing polo that will give a glimpse of his broad chest and he's also wearing a coat. Umalis na kami sa bahay dahil baka malate ako dahil MC pa naman ako.

 Umalis na kami sa bahay dahil baka malate ako dahil MC pa naman ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Different sides of Euphoria | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon