Kabanata 56

6.5K 174 33
                                    


Rest House

Seryoso akong nakatingin kay Gor, dahil I'm really mad right now. It is good that he has a mature mind in his age but the fact that you'll disrespect anyone without any reason why is really inappropriate.

"Are we clear Gor?" Sabi ko at tinaas ko ang magkabila kong kilay.

Dahan-dahan siyang tumango at halata mong takot na takot siya sa'kin, pero hindi ako na-satisfied sa tango ang sagot.

"Is that an answer?" Sabi ko at pinagtangis ang panga ko.

Unti-unti nanaman namuo ang luha sa mga mata niya at nanginginig pa ang labi niya habang naka-pout.

Wala akong nararamdaman na kahit ano kung hindi galit lang ngayon, pero nasa isip ko pa rin ang control kaya kalmado pa rin ako magsalita.

"Sasagot ka o hindi na matutuloy ang gusto mong mangyari?" Sabi ko.

"Oo na nga, payag na ako." Sabi niya at kasabay no'n ang pagtulo ng luha niya.

"Oo? Learn to say opo, dahil mas matanda ako sa'yo. Tsaka isipin mo mabuti, may ginawa ba akong masama sa'yo para sigaw-sigawan mo ko ha?" Sabi ko kaya napapa atras sya dahil nilalapit ko 'yung mukha ko.

"Opo, payag na po ako na ikaw nalang po ang sumama." Sabi niya habang nakayakap pa rin kay Rachel.

"Oh okay na, stop na. Magbibihis na si Mama, baba ka na Gor patulong ka kay Kuya Paul na ibaba ang mga gamit natin." Sabi ni Rachel at kumindat sa'kin.

Umiling si Gor, "Ikaw nalang Mama magbaba ng gamit ko." Sabi niya.

"Mabigat, kailangan mga boys ang nagbubuhat para sa girls." Sabi ni Rachel.

Kaya tumingin si Gor sa'kin at takot na takot pa rin siya, "Baba mo na raw 'yung gamit namin." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Anong sinabi mo Gor? Inuutusan mo ba ako o humihingi ka ng request?" Sabi ko habang madiin na nakatitig kay Gor.

"Mama naman kasi eh, ikaw nalang kasi magbaba. Ang sungit niya eh." Sabi niya at umiiyak nanaman.

"Ngayon ako na ang masungit sa'yo, anong pakiramdam Gor?" Sabi ko.

"Pakitulungan po akong ibaba 'yung gamit namin." Sabi ni Gor at hindi pinansin ang tanong ko kaya hinayaan ko nalang.

"Hindi ba English-ero ka? Bakit hindi mo alam ang salitang please?" Sabi ko.

"Wil you help me to bring our bags downstairs, please?" Sabi niya at medyo may attitude akong narinig kaya kinunot ko ulit ang noo ko.

"Attitude." Sabi ko.

He sighed, "Will you help me po to bring our bags po sa baba po, please po?" Sabi niya at mas inayos ang tono.

Hindi ko siya pinansin at tumayo na, "Magbihis kana Rachel, kotse ko ang gagamitin para mas mabilis tayo makarating do'n." Sabi ko.

Hindi na umapila si Rachel at narinig ko naman na sumusunod na si Gor sa'kin. Nang nakakita ako ng bukas na pintuan at nakatapat ang M ro'n ay pumasok ako ro'n.

Gray ang theme ng kwarto niya, may mga abstract paintings sa ibabaw ng headboard ng kama niya. He has the taste of mine, I like it.

"Your room is very amusing." Sabi ko.

"What? You also love unsaturated colors?" Sabi niya kaya nilingon ko siya mula sa pintuan.

"Yes, I do also love abstract paintings. Where's your bag?" Sabi ko.

The Different sides of Euphoria | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon