Chapter 25: Question(s)

Start from the beginning
                                    

Kumilos kana, mahal na prinsesa. Bago ka nila maunahan,” ang bilin niya bago ko siya tuluyang malampasan. Of course! I won’t let them make any move on their plan even a single one!

Nang malapit na ako sa rest hut ay kita ko na si Therese doon. Nakadungaw sa may lawa habang pinapakain ang ang mga alaga niyang isda. Tingnan natin kung matutulungan ka ng mga isda mong ‘yan!

Napahinto sa paglilinis ang dalawang taga silbi ng mansyon nang mapansin ako ng mga ito. Napayuko naman ang mga ito sa akin bilang paggalang. Ngunit diretso lamang akong tumungo sa direksyon ni Therese at tumabi sa kanya nang ‘di niya namalayan pero nanatili ang ilang metrong distansya sa pagitan naming dalawa.

Tiningnan ko ang mga isda niyang pinapakain. Mga goldfish…

Okupado ang kanyang isipan sa pagpapakain ng mga ito kaya ‘di parin niya ako napapansin.

“How pet lover are you…” ramdam ko ang pagkagulat niya sa bigla kong pagsalita. Awtomatiko naman siyang napaangat ng tingin sa akin at napahinto sa kanyang ginagawa.

“M—may kelangan ka ba?” obvious namang kinakabahan siya, hindi ba?

Sumeryoso ako habang ‘di kumukurap na nakatitig ng diretso sa mga mata niya, “Tell me, why did princess Felicity died?”
Nanlaki ang kanyang mga mata nang banggitin ko ang pangalang ‘yun. Napaiwas siya ng tingin at halatang naghahanap ng isasagot, “W—wala akong alam sa pagkamatay niya!”

“Don’t be so hard-headed, you ambitious cow!” nanggigigil kong sigaw. Kita ko sa sulok ng aking mga mata ang pagtingin ng dalawang tagapag silbi sa akin na sobrang gulat dahil sa ginawa kong pagsigaw. Si Ge Chen naman ay nanatili lamang sa isang tabi nag-aabang ng aking utos.

“M—maniwala ka sa akin, mahal na prinsesa. Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng iyong ina,” pangungumbinsi niya.

“That’s not the word I wanted to hear from your mouth!”

“You!” halos mapatalon sa gulat naman ang isang taga silbi nang ituro ko siya.

Bakit po!?” I can feel how nervous she is.

“Get that vase!” utos ko sa kanya sabay turo sa isang vase na nagsisilbing dekorasyon sa rest hut na ito. Mabilis naman niya itong kinuha at inilapit sa akin ngunit nanginginig parin siya sa takot.

Si Therese naman ay nagtataka habang tinitingnan ang taga silbing nasa aking tabi, Ihampas mo sa ulo niya!” parang nabingi ang taga silbi sa aking sinabi.

“Po?”

Gagawin mo o ako gagawa pero ibabaling ko sayo!?” napalunok ito sa aking sinabi habang nag-aalinlangan itong humarap kay Therese.

Patawarin niyo po ako, nautusan lang…” mangiyak-ngiyak na sabi ng taga silbi kay Therese. Si Therese naman ay nag-iisip sa kung ano ang gagawin niya.

Lakasan mo ha? ‘Yung maalog ang utak niya!” dagdag kong utos. Kung ‘diko malalaman sa pamamagitan ng mahika ang nangyari sa prinsesang namatay ay gagamitan ko ito ng dahas! Alam kong may kinalaman siya sa pagkamatay nito!

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now