"Zi, sumabay ka na sa amin. Kumain na tayo." anyaya ni Conrad bago ako binalingan. "Ikukuha na lang kita ng pagkain. Ano'ng gusto mo?"

Huminga ako ng malalim. "Ikaw na ang bahala, Conrad."

"Alright."

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagupo ni Zion sa aking gilid, ilang metro ang layo mula sa akin. Ibinaling ko ang atensyon ko sa kawalan at sinikap na huwag tumingin sa direksyon niya kahit pa ramdam ko ang mabibigat niyang tingin na tumatagos sa akin.

"Sir, kain po tayo."

"Thanks." malamig na sagot ni Zion nang yayain siya ng isa niyang empleyado.

Bumalik si Conrad bitbit ang dalawang plato na puno ng pagkain. A silent groan quietly escaped throat when I saw how plenty the food in those plates are.

"Here..." Inabot niya sa akin ang plato na may hugis dahon at agad na tinanggap ito. "Kumain ka ng marami."

"Thank you, Conrad."

Tumango siya at tumingin sa kung saan alam kong direksyon ni Zion. "Zi, ikaw? Hindi ka pa kakain?"

"I lost my appetite."

"Huh? Why? May problema? I doubt if it's about business. Nag away na naman siguro kayo ni Sigrid. She's the only reason I can think of why you're acting that way."

Narinig ko ang matunog na pag ngisi ni Zion. It took me so much strength not to lift my head and meet his eyes. Sigurado akong hindi ko napipigilan ang sarili kong irapan na naman siya.

"It would take more than that to piss me off, Conrad. You know that."

"Hmm. Facts. Then if it's not Sigrid, then who caused you that sour mood? That person must be something, huh? Kadalasan naman ay wala kang pakielam sa isang tao. You only care for you family, Zi."

Hindi na napigilan pa, nag angat ako ng tingin kay Zion. Our eyes met. He didn't look away even though he's aware that I'm also looking at him. I shifted on my seat uncomfortably.

His eyes were cold as ice but I can feel the warmness they're bringing into my heart. How ironic, right?

Suddenly, his lips twitched, eyes still fix on mine. "She is. She's definitely something."

Pasimple ko siyang inirapan, wala ng pakielam kahit pa amo ko siya. Kanina 'yon, hindi na ngayon kaya bakit pa ako mangingimi irapan siya kung kailan ko gusto? The moment he insulted me, he should know that it's really over for us.

Kanya na ang sweldo ko. Hindi ko kailangan ng pera niya! I have my own.

Nagsimula kami kumain ni Conrad. Si Zion ay wala na rin nagawa kung hindi ang kumain nang abutan siya ng empleyado niyang babae. Ni isang beses ay hindi ko siya pinaglaanan ng tingin. I am really mad at him and I don't think it'll fade quickly.

Tahimik lang ako, siya ay hindi nauubusan ng tanong para sa akin. Everytime a lie broke out of my lips, it feels like I've already mastered the art of lying. Pakiramdam ko ay sanay na sanay na ako. Baka nga ganoon, baka sa ilang linggong pagsisinungaling ko ay unti-unti na akong nasasanay. Ganoon pa man, wala akong plano magpakahusay sa larangan na ito.

Hindi nagtagal at natapos kami sa pagkain. Nagpaalam akong papasok muna ng kwarto ko dahil nakakaramdam na rin ako ng lagkit sa aking katawan. I only excused myself to Conrad, kay Zion ay hindi. I just walked past him and pretended that he's not existing. Wala na akong pakielam kung napapansin iyon ng mga tao sa paligid namin.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong naligo pagkatapos ay nahiga sa kama. Plano kong mamayang gabi na lang ako lalabas. Tatambay sa dalampasigan at magiisip kung ano ang susunod kong maging plano.

Monasterio Series #1: Lies Beneath Her Love Where stories live. Discover now