"This is a miracle!" Agad na nagsilapitan ang mga doktor at nurses sa paligid niya at inasikaso kaagad siya.

Napasandal ako sa pader sa gilid at nakahinga na ako ng maluwag. Lahat ng kaba na naramdaman ko kanina ay biglang nawala ng marinig ko muli na tumitibok ang puso ni Aubrey. Fuck, that was really close.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na tinapik-tapik ng doktor ang balikat ko. "Your wife is a strong woman, Mr. Benitez... I'm impressed." I saw her smile at me. "This one is a rare case from her."

Ngumiti nalang ako sa kanya pabalik at grabe ang saya na natanggap ko ngayong araw... Inilipat na rin nila ang asawa ko sa isa pang kwarto para doon na siya makapagpahinga. Hindi ko muna gigisingin siya.

Lumabas na rin ako. "PAPAAA!"

Kinarga ko kaagad ang anak ko, hinaplos-haplos din ang kanyang buhok. "Sorry for the long wait, anak."

"It's fine with me, Papa!" Ngumiti ako at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa panganay namin.

Ibinaba ko na siya at lumuhod para pantayan ang tangkad niya. "Gusto mo nang makita ang kapatid mo?"

Humagikhik pa siya. "Is it a boy or a girl?!"

I winked at her. "A very handsome one, like me."

Muli pa siyang humagikhik. "Can we see him, now?!"

Hinaplos ko ang mukha niya. "Excited ka na, anak?!"

Tumalon-talon siya at muling nagpakarga sa akin. "Let's go na, Papa!"

Tumungo kami kaagad sa nursery room kung saan nakalagay lahat ng bagong panganak na sanggol. Nang nadatnan na namin 'yon ay binilisan ko na ang pag-lakad at tumambad sa akin ang isang malaking glass window at nakahiga doon ang mga sanggol.

Hinanap ko ang pangalan na Maxrev Kyle A. Benitez. Mabuti nalang at nasa harapan ito kaya natuon ang atensyon ko doon. "Anak, ito siya, o." Sabi ko sa kanya at sabay turo sa glass window.

Idinikit niya ang dalawang palad sa salamin at parang gustong basagin ito. "Ang gwapo niya, Papa! He's handsome as you are!"

Natawa ako sa sinabi ni Aireen. Well, it is true. Ngayon, vice-versa naman ang nangyari. Kay Aubrey nakuha ni Maxrev ang mga mata niya. Samantalang ang kabuuan ng mukha niya ay sa akin nanggaling. I smirked, I couldn't be more proud.


XANDER

KARGA-KARGA ko si Larzene nang may nakita rin akong mag-ama na pamilyar sa akin... "REN REN!" Sabi na nga ba.

Bumaba ang panganay ko at saka tumakbo papunta sa kanyang kaibigan. Hinabol ko pa siya dahil baka madapa, baka pagalitan ako ni Zaira kapag nagkaroon ng sugat 'to.

"Xander!" Mike screamed my name.

Tinapik-tapik ko rin ang balikat niya, samantalang ang dalawang bata naman ay nagkukulitan na. "Dito rin nanganak si Aubrey?"

Tumango-tango siya. "Lahat first-time, 'Pre. Pero, hindi ko aakalain na muntikan nang mawala si Aubrey sa akin - sa amin ni Aireen."

Kumunot ng bahagya ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" I looked at him, his eyes were swollen.

"Ilang minuto siyang kinuha kanina ng Diyos."

Napaatras ako. "What?!"

Napayuko siya. "Akala ko, tuluyan na siyang kukuhain ng Diyos. Pero, buti nalang at pinagbigyan pa ako."

I sighed in relief. "I must say, Aubrey is really a strong one." I looked at him and patted his shoulder. "I know her."

"Napatunayan niya 'yon kanina." He smiled. "Nasaan nga pala ang sumunod kay Larzene?"

"Katabi lang ng anak mo, lalaki rin."

===

"Hub?" Agad akong napatayo ng marinig ang halos paos na boses ni Zaira.

I held her hand. "You're awake."

Marahan siyang tumango. "S-Si Lexus?"

I smiled at her at kinuha mula kay Manang ang bata. Inilagay ko siya sa gilid niya at abot tenga ang ngiti niya ng makita ito. "Time to breast feed him, Wife." I said then, smirk.

Hinaplos niya si Lexus sa pisngi gamit ang kanyang mga daliri. "Ang gwapo niya, Hub."

Hinalikan ko sa noo si Zaira. "Alam ko."

She chuckled. "Lahat ata namana niya sa'yo e."

Umiling ako. "Almost. But, look into his eyes, Wife... Sa iyo talaga ang mga mata niya."

I saw her eyes twinkled. "Oo nga 'no."

"The doctors said you should breast feed him, Wife."

"Okay, could you help me to sit?" Inalalayan ko siya na tumayo dahil medyo nahihirapan pa siya sa ngayon.

Kinarga niya muli si Lexus at pinahele. I silently took a picture and smiled. They were my treasures, aalagaan at aalagaan ko sila.

"Mommy! Mommy! Can I hold him?!" Bigla namang sumulpot si Larzene sa gilid ko.

Ginulo ko ang buhok niya. "Just wait Baby, okay? It's too complicated when you hold a newborn baby."

Mukhang naintindihan naman niya kaya kinarga ko nalang siya para makita ng malapitan si Lexus. "It's okay, Dad. I understand."

We heard a knock on the door. Binuksan naman ni Manang at saka binuksan ang pinto. Iniluwa 'yon si Mrs. Garcia. Napalunok ako. "Anak..."

Napalingon naman si Zaira. "Ma..."

"Lola! Lola!" Sigaw naman ni Larzene.

Humagikhik si Mrs. Garcia at saka ginulo ang buhok ni Larzene. "Na'ko! Ang bilis naman lumaki ang apo ko!"

Pumunta siya sa direksyon kung na saan si Zaira. "Ma, nasaan si Papa?"

Hinawakan ni Mrs. Garcia ang kamay ni Zaira. "Susunod siya, anak." Tinignan niya ang bata na hawak-hawak ni Zaira at kumislap ang mga mata nito. "Napakagwapong bata..."

"Ma, kamukhang-kamukha niya si Xander." Napayuko ako sa sinabi ni Zaira.

Handa na ako sa salitang bibitawan ni Mrs. Garcia. "Hijo..." Napasinghap ako nang nasa harapan ko na pala si Mrs. Garcia- na nakangiti. Hinawakan niya ang kamay ko. "...Maraming salamat. Pasensya na sa mga sinabi namin sa'yo, sana naman, mapatawad mo kami, anak."

Kumislap ang mga mata ko ng marinig mula sa kanya ang mga katagang na iyon. "All is well, between us, Mrs. Garcia."

Umiling siya. "No, tawagin mo nalang din akong 'Mama'."

"M-Mama." I shyly uttered that.

Hinaplos niya ang noo ko. "Ang gwapo talaga ng asawa mo, Anak."

"Siyempre naman, Ma!" My wife said, I smirked.

"Am I late?" Lahat kami napalingon sa nag-salita- It was Zaira's father.

"Hindi pa naman, Mahal." Lumapit si Mama at saka inilapit kay Zaira. "Tignan mo, kamukhang-kamukha talaga ni Xander ang bata."

Kinuha ni Mr. Garcia si Lexus mula kay Zaira at hinele ito. I smiled when I was watching at him with his grandchild. "Did Xander stayed by your side, Anak?"

Tumango si Zaira. "Opo, he was there, at matutuwa ka nalang talaga sa mukha niya na halos himatayin sa kaba at pawis."

Ibinigay niya muli si Lexus kay Zaira at nilapitan naman ako. He even tapped my shoulder. "You have proven enough, young man. Thank you and I'm sorry." Abot ngiti kong tinanggap 'yon.

"All for my family, Mr. Garcia."

Umiling din siya. "Nope, call me, 'Papa'... Clear?" I smiled and nodded.
***
NOTE: NO 30 VOTES, NOUPDATE.


PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Where stories live. Discover now