"Nagawa mo, Beh." I told her.

Lahat, sinubaybayan ko, narinig ko ang pag-iyak ng aming anak, kung paano siya nilinisan ng mga doktor at kung paano siya ilagay sa isang malinis na tela. "Here it is, Mr.-"

My heart sank when I heard the Heart Monitor Machine went- FLAT LINE. "AUBREY!" I shouted her name.

Inihanda ko na ang sarili ko para dito, pero bakit gano'n? Parang 'yong pinaghandaan ko ay hindi ko magawa? Nakatanggap na ako ng iba't-ibang banta sa doktor, pero binalewala ko ang lahat ng 'yon, dahil alam kong malakas si Aubrey, malakas siya para sa pamilya namin.

"But, the most critical part is... either one of them might survive." I shoved that thought away. No, it can't be. It literally cannot be!

Sinugod nila kaagad si Aubrey. Doon lang ako sa likod nila at tinignan si Aubrey na nakapikit na ang mga mata. My tears went down, nag-sisimula pa lang ako kilalanin ang pamilya ko - ang pamilya ko na matagal na nawalay sa akin!

'Wag naman sana ipag-kait ng Diyos ang ganitong klaseng pagkakataon.

May kung anong iniikot ang doktor at itinatapat ito sa dibdib ng asawa ko at sabay sabing... "CLEAR!"

Hindi ako mapakali sa puwesto ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto ko maging malakas sa puntong ito, dahil alam kong para sa pamilya ko 'to. Pero, hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko kayang mabuhay ng wala ang ina ng mga anak ko.

"CLEAR!" Narinig kong sigaw pa muli ng doktor.

Ganon pa rin, hindi pa rin nagbabago ang hitsura ng Heart Monitor. Napangiwi ako dahil gusto kong sumigaw at haplusin ang mukha ni Aubrey at gisingin siya. Sige na, Mahal. Gising na.

"CLEAR!" Pangatlong sambit niya ay hindi pa rin nagbabago.

Nakakabingi na rin ang naririnig ko na tunog sa loob. Isang matinik na tunog na ang pinaka-ayaw mong marinig sa lahat. Isang matinik na tunog na hudyat na katapusan na ng isang buhay.

Napasinghap ako ng sabihin niya ito... "Time of death, 7:45 p.m."

I struggled to run through her. I held her right hand and held it tight. "Aubrey, please, don't do this to me..." I said as I felt my eyes burst out in tears. "...K- kailangan mong magising, p- para makita mo kung gaano ko kamukha ang anak natin!"

She still has no response. Hindi siya kumibo. "S-Sir-"

"NO!" I breathed. Hinaplos ko ng mariin ang noo ni Aubrey at saka ko kinuha mula sa doktor ang anak namin. Dali-dali akong pumunta sa gilid niya at inilagay sa tabi niya ang bata. "You must wake up, Aubrey. Sige na, o!"

"Mr. Benitez-"

"Buhay ang asawa ko! Mabubuhay siya!" Singhal ko.

Hinawakan ko muli ang kamay niya at marahan na hinaplos 'yon. "Please wake up, Beh. Sabihin mo lang na nagpapahinga ka lang." Pumipiyok na ang boses ko.

Nanatiling nasa likod ko lang ang mga doktor at tila nanonood sa gung anong ginagawa ko. I glared at them. "Save her! Save my Wife!"

"Aubrey... Aubrey, 'wag ka namang madaya o. Naaalala mo ba ang pangako nartin sa isa't-isa? 'Di ba sabi mo, palalakihin natin silang dalawa ng mabuti?" I said through her. "Akala ko ba dalawa tayo, Aubrey? Dalawa tayo!"

"I've said warnings before, Mr. Benitez." Narinig ko mula sa likod ko ang tinig ng doktor. "Both of them were in danger- their lives were in danger." Tumikhim siya.

Hindi ko siya pinakinggan. Alam ko, hindi pa kinuha sa akin ng Diyos si Aubrey. "Beh... Gising na." I pleaded, pero, wala. Dedma. "Beh-"

TILA nabuhay ang katawan kong lupa! Muling narinig ko ang pag-arangkada ng heart line ni Aubrey!

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Where stories live. Discover now