UMILING-ILING na lang ako. May pagka-bipolar talaga ang misis ko. Pero, grabe naman ang pagmamahal at pag-aalaga ang ibinigay ko sa kanya. Kakaiba kasi ang pakiramdam ko sa tuwing siya ang kasama ko - na halos ayokong tumigil ang oras sa tuwing kasama ko sila - ang mag-ina ko.

Sila lang naman ang kailangan ko sa mundo e. Wala nang iba. Kumpleto na ako sa tuwing sila ang kasama ko, ang buong pagkatao ko ay pinuno nilang dalawa at sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Diyos sa tuwing gumigising at natutulog ako sa araw-araw na sila ang kasama ko.

Nandito na ako ngayon sa isang supermarket. Bibili na naman ako ng mga stock para kinahuhumalingan na pagkain ng aking misis - Watermelon shake and Fries.

Tatlong malalaking pakwan ang kinuha ko, para kasya na sa isa't kalahating buwan. Pati na rin ang napakaraming pakete ng mga French fries ay kinuha ko na. Nakasanayan ko na itong gawin ng halos anim na buwan kaya nasanay na rin ako kahit papaano.

Para sa pinakamamahal kong asawa naman 'to e.

"Sapat na siguro 'to," Bulong ko at mabilis na nagpunta sa cashier at mabilis na nagbayad.

Gusto kasi ng asawa ko ang mga sariwa na prutas.

"Sa sahig ka matulog! Hindi sariwa ang pakwan na binili mo!"

Naalala ko tuloy ang boses niya. Natauhan na rin ako nang sabihin niya ako ng ganyan. Ang resulta? Natulog talaga ako sa sahig, maski unan at kumot ay hindi niya ako binigyan!

"Hindi masarap 'yong fries! Parang bulok! 'Wag kang tatabi sa akin mamayang gabi!"

Narinig ko muli ang boses ng asawa ko. Ganyan siya mag-reklamo, pero tinitiis ko nalang. Mahal ko e. Kung hindi siya buntis baka pagkamalan kong may sapak sa utak. Hindi. Biro lang.

NAISAKAY ko na rin sa kotse at nagmamadaling umuwi na ako. Baka bibig na naman niya ang maabutan ko.

"PAPA!" Ibinaba ko na muna ang pinamili ko.

"Nasaan si Mama?" Tanong ko sa anak ko.

Tinuro-turo niya ang taas. "Naliligo po."

Tumango nalang ako at sinimulang buhatin ang mga binili ko papuntang kusina. "Manang, ikaw na ang mag-timpla." Bilin ko sa kanya.

Si Manang lang naman kasi ang may alam kung ano ang timplang gusto ni Aubrey sa shake niya. Ayaw kong subukan na ako ang gumawa, baka patulugin ulit ako sa sahig. Huling beses na 'yong nakaraang araw.

"Sige po Sir."

Nakipaglaro muna ako kay Aireen dahil niyaya niya ako. "Papa! I already made sukat to my uniform in RCTA!"

Marami-rami pang linggo ang hihintayin pala ay pasukan na. Kinder na rin sa wakas ang aking panganay. I smiled at her. "Excited ka na for this school year, anak?"

Masigla siyang tumango. "I'm so excited to see Larzene, again!"

Matalik ngang magkaibigan ang dalawa. Hindi na nakakapagtaka, noong bumalik sila Zaira dito sa Pinas ay malapit na ang loob ng isa't-isa. Isa rin ata sa mga dahilan kung bakit nagkaayos ang dalawa e.

"Do your best at school, okay?" Bilin ko sa kanya.

"I will, Papa!"

Nilaro nalang namin ang puzzle board niya. Ilang minuto pa ay pumunta si Manang sa harapan ko. "Sir, handa na po ang juice ni Ma'am."

"Pakilagay nalang ho sa mesa," Sabi ko at nagdikit ng isang puzzle piece sa puzzle board.

"Yey! It's done na, Papa!" I smiled.

I kissed my daughter's forehead and high-five her. "Galing natin 'no?!"

Tumango nalang siya at masayang inilagay ang puzzle na binuo namin sa center table. Ang bilis lumaki ng anak namin. Pero, para sa akin ay kinikilala ko pa rin ang bawat parte niya, dahil hindi siya lumaki sa puder ng kanyang tunay na ama. Kaya hanggang ngayon, naninibago pa rin ako.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora