"Wala pa po sa isip ko ang mga ganyang bagay." Kiming ngiti ang ibinigay niya sa ginang. Gusto din sana niyang idugtong na masyadong malandi si Dale para magsettle down. "At saka po impossible ho kami nang anak niyo."

"You can never tell what will happen in the future Ray."

Ngumiti lamang siya dahil imposibleng magustuhan siya ni Dale. Marami nang girlfriends si Dale at mga one night stands, sa dami ng magagandang babaeng nalingkis sa pangalan nito walang katulad niya ang minsan ay nalink dito.

"I think I need to go home na po."

"Dito muna si Damon ha, ihahatid lang namin siya bukas sa apartment mo." there's a fathom smile on the woman's face but she decided not to mind it.

Pagkatapos magpaalam ay dumaan muna siya sa opisina upang iwanan ang mga pictures na nakaligtaan niyang ibigay noong huling punta niya. Mabilis din naman siyang nakauwi, napansin niya ang sasakyan ni Dale sa ibaba ibig sabihin ay nandoon na ang binata.

And she was right, nandoon na nga ito pero bakit parang may nag-iba yata sa aura ni Dale. Pakiramdam niya ay may masamang mangyayari. Nang magtama ang kanilang mga mata ay wala siyang mabasang kahit na ano doon maliban sa galit. Galit ba ito sa kanya?

"Maaga ka yata?"

"Ikaw din." Kulang nalang ay magyelo ang buong apartment niya sa lamig ng boses nito. "I thought you'll have longer fun with my father." She glared at him. "Bakit? Hindi ba? Mukhang close na close kayo nang papa ko." Tumayo si Dale at sa isang iglap lang ay natagpuan niya ang katawan niyang naiipit sa matigas na katawan nito sa matigas na pader nang kanyang bahay.

"Ano ba Dale? Ano ba ang nangyayari sa iyo?" nagtatakang itinulak niya ito pero hinawakan nito ang kanyang magkabilang braso at mariing idiniin sa ibabaw nang kanyang ulo.

"Are you having an affair with my father Rayleigh?" galit na sigaw nito kanya. Batid niya ang sobrang galit nito para sa kanya at hindi niya mapigilan ang sariling hindi makadama ng takot para sa kanyang sarili.

"A-anong pumasok sa isip mo at nasabi mo iyan?" isinantabi niya ang takot sa kanyang puso at pinilit na intindihin ang sinabi nito. Tinatanong nito sa kanya kung may relasyon ba sila nang ama nito. Unti-unting bumangon ang galit niya sa binata.

Sa lahat ng taong pwedeng pagdudahan nito ay ang tatay pa talaga nito? How dare him? Naisip ba nito kung gaano ito kaswerte dahil nagkaroon ito nang mga magulang na tulad nang parents nito?

"Nakita at narinig ko ang usapan ninyo ni papa. What set-up?" mas lalong idiniin nito ang katawan sa katawan niya. "Binabayaran niya ang serbisyo mo hindi ba?" nakawala ang isang braso niya at iyon ang ginamit upang sampalin si Dale. Hindi niya akalain na sa bibig mismo nito manggaling ang mga salitang iyon.

Bumakas ang palad niya sa pisngi nito ngunit tila hindi iyon alintana nang binata.

"Naiinsulto ka? Siguro Masaya ka sa nangyayari ngayon? Siguro hindi mo pa ibinibigay sa akin si Damon dahil gusto mo ring makuha ang pera na dapat ay para sa akin. Curse you Rayleigh you are nothing but a gold digger and a slut." Akmang sasampalin na uli niya ito pero nahuli nito ang braso niya. "You can slap me once but you can't hurt me again." Nanlilisik na ang mga mata nito sa galit, kung galit ito mas galit din siya. Ang katawan nito ay nakapinid sa katawan niya while his other hand is clasping on her jaw. Mabilis niyang tinabig ang kamay nito.

"You don't know me Dale at wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan." Galit na galit din siya. She is almost in the verge of crying. Hindi naman siya mayaman at lumaki siyang walang-wala pero hindi ni minsan pumasok sa isip niya na manggamit ng ibang tao upang mabuhay. She survived living alone because she works hard for it.

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Where stories live. Discover now