Chapter 12

591 15 1
                                    

Kaya habang naglalakad ako sa hallway ay hindi pa rin maalis yung ngiti ko. Hahhaa hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung bat ako nagkakaganito ngayon. Siguro ito yung epekto kapag inlove. Ngayon ko nga lang kasi ito naramdaman.

At secret lang natin to ha, NGSB kasi ako. As in 'No Girlfriend Since Birth '.
Kaya quite lang kayo ha.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako nagkaka girlfriend. Sa totoo lang kasi hindi naman ako mapili sa babae. Katunayan nga niyan, may niligawan na ako. But sad to say busted!. Wala eh, pangit ko kasi.

Pero ngayon malakas ang hula ko (hahhaa manghuhula na pala ako ngayon) na magkakaroon na ako ng girlfriend. At walang ibang kundi si ashley my labsss. BwaAhahha

Ngiting-ngiti ako sa imahinasyon ko habang naglalakad at hindi ko napansin na kasabay ko na palang maglakad siiiiiii ASHLEY MYLABSSSS WAhhhh... PUSO KALMA PLEASE.. NAKO NAMAN PARANG AKO PA YUNG BABAE SA AMING DALAWA.
kaya ang ginawa ko para kumalma ay kunwari umubo ako.

"Awooo, Awoo, awooo(hahha parang madirigma yata yung ubo ko eh) Oyy, ash ikaw pala yan?"
Kunwari na bigla ako at hindi ko siya napansin.

"Oyy tan ikaw rin pala yan"
Pabigla niya ring sabi sabay tingin sa akin.Lakas din ng trip ng babaing to eh no!

"Ah oo, hihihi. Papasok kana?"
Parang mali ata yung natanong ko. Haysstt nadi-distract  kasi ako sa kagandahan niya.

"Pauwi nako tan, gusto mong sumabay?"
Haysstt ang lakas talaga ng sense of humor ng babaing to. Ang aga-aga pilosopo.

At ako naman itong si Gunggo{Gago} sobrang obvious ng tanong. Hahaha masakyan nga itong babaing to.

"Oh, sige ba. Tara?"
Pabalik kung tanong sa kaniya. Hahaha

" mauna kana lang pala, papasok pa kasi ako"
Balik niya naman sabi sa akin. Hindi talaga magpapaawat eh. Hahaha

"Ay, mamaya nalang . May pasok rin kasi ako ngayon. Diba nga magkaklase tayo?"
Tanong ko ulit sa kaniya. Hahaha kung makikita niyo lang ngayon ang mukha ni ashley mylabss sigurado matutuwa kayo.

"Cheee, iwan ko sayo. Hindi ba obvious na papasok ako? Tapos tatanungin mo pa ako kung magkaklase tayo. Lakas din ng topak mo eh no!"
Bulyaw niyang sabi sa akin. Hahha siguro napikon na, oh di kaya naubusan ng pambara kaya naiinis.

Pero kahit naiinis siya, ang ganda niya pa rin. Haysstt umandar na naman si lover boy

"My labsss... ay esti ashley kalma okay? Ikaw naman hindi mabiro, joke lang. Ito naman kay aga-aga high blood"
Natatawang sabi ko sa kaniya. At mukhang mas lalo pa siyang nainis.

"Hoyyy! Mister Redd. Pwede ba huwag mo akong tawaging mylabsss hmmmpp."

Hahaha ang ganda naman pakinggan ng pagkakasabi niya ng 'MISTER REDD' parang biglang namula ang pisngi ko dun ah.

" Opo Miss LALLAINA"
Binigkas ko talaga ng malakas yung pangalan niya. Hihihi diba ang sweet naming dalaw? My call sign na kami sa isa't-isa. Hehehe enebe keneleg eke.

Author: hoy tan, para kanang bakla. Umayos ka!
Tan: ay hehehe pasensya na po, ateng author.

"Cheee iwan ko sayo. Bahala kana nga diyan sa buhay mo"
Naiinis niyang sabi sabay alis.

Nako walk-out queen talaga.
Siguro may monthly period ito ngayon.

Kaya ang ginawa ko ay hinabol ko siya at sinundan ko kung saan man siya magpunta, total sa iisang room lang naman ang pupuntahan naming dalawa. Hinabol ko siya at tinatawag ko rin yung pangalan niya. Kaso nga lang parang may lahi rin ng pagkabingi itong mylabsss ko eh. Hindi man lang ako nilingon hayssstt..
Pero hindi pa rin ako tumigil sa pagsunod at tawag sa kaniya.

"OYYY ASH, HINTAYIN MO'KO"
pasigaw kung sabi sa kaniya.

Grabe ang bilis niyang maglakad, pano pa kaya kapag tumakbo na siya.

"Oyyy, sorry na. Ito naman ang dali mung mapikon. Nagbibiro lang naman ako"
Nagmamakaawa kung sabi sa kaniya. At syempre ako na yung nag sorry, para naman bati na kami diba.

"Ashhh, oyyy pansinin mo naman ako. Ito naman kay gandang tao, ang sungit-sungit"
Parinig kung sabi habang sinasabayan siya sa paglalakad.

At sa wakas parang pagong na siya maglakad. Kanina kasi parang nasa karera siya maglakad eh.

"Oyy"
Sabay bangga ko ng braso ko sa kanya.

"Papansinin na ako niyan"
Pagpapacute kung sabi sa kaniya. Pero parang walang epekto sa kaniya eh. Haysssttt

Hanggang sa tumigil na ako sa pansusuyo sa kaniya. At pinabayaan ko nalang siyang 'wag akong pansinin. Ang hirap pala pag-inlove no? Haysstt, habol dito habol doon. Pakiusap dito, pakiusap doon. Hay nako, pero hindi pa rin ako susuko kahit na anong mangyayari. Hanggat mapapasaakin si ashley mylabsss bwaahahhaha.

Kaya ang ginawa ko ay kunware, nagtampo rin ako sa kaniya. Dahil sa hindi niya ako pinansin. At ngayon ay mas na uuna na akung maglakad sa kaniya. At siya naman ay nasa likuran ko na. Hehehe baka naman effective ang pagtatampo ko diba. At baka siya na mismo yung pumansin sa akin.

Diretso lang yung lakad ko hanggang sa makarating na ako sa room. At naka sunod namang pumasok si ashley. Diretso sa upuan as usual, pero yung katabi ko parang hindi yata tumalab sa kaniya yung pagtampo ko. Parang mas lalong nagalit sa akin eh. At parang wala talaga siyang planong kausapin o pansinin man lang ako. Ni hindi nga siya makatingin sa akin kahit sandali.

Haysstt ganito ba katigas ang puso ng babaing ito. At hindi man lang siya na aapektuhan sa mga ginagawa ko.

Nang makaupo na kami sa kaniya-kaniya naming upuan ay parang hindi lang namin na kikita ang isa't-isa. Yung mga kaklase nga namin ay parang nagtataka kung bat ganun yung pag-asta naming dalawa.

Hanggang sa dumating na yung guro namin. At steady impulse naman akong nakikinig sa lecture niya. Kisa naman sa sayangin ko yung oras ko kay mylabsss, e parang walang plano itong babaing ito na mamansin eh.

Kaya study first muna ako hehehehe. Love life later. At sa wakas ay uwian na, kaya niligpit ko na yung mga notebook ko. At sakto namang paglingon ko sa inuupuan ni ashley ay wala na siya dun. Kaya laking pagtataka ko kung san siya pumunta. Parang kay bilis naman yata niyang umalis. Hindi pa nga kami bati eh.

Kaya nang mailagay kuna lahat ng notebook ko sa bag ay nagmadali rin akong tumakbo palabas ng room. Nagbabasakali na baka maabutan ko pa siya.

Goodbye my love (On-going)Where stories live. Discover now