Chapter 08

612 12 0
                                    

Pagkatapos naming mag group hug eh bigla naman napatanong si shami. Tungkol sa nangyari sa akin dito nung wala pa sila.

"Eh ash, ano ba talaga ang nangyari kanina?"
Tanong ni shami sa akin. Kaya sa akin sila ngayon nakatingin. At hindi muna kami umuwi nagpahinga muna kami dito sa damuhan. At nag kwentuhan.

"Eh kasi nga diba, nakaupo lang ako rito tapos sabi mo hindi ako aalis"
Panimula kung sabi sa kanya at nakikinig naman silang tatlo

"Ohh tapos?"
Signal naman ni shami para ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.

"So yun na nga, may mga maldita pala ditong mga tao. Na sobra yung inggit sa katawan. Hahaha So siguro nagalit sila sa akin dahil kasama ko si lance, remember yung guy na tumulong sa akin sa canteen?"

"Oo yung pogi? Hhehe"
Parang kinikilig na sabi ni narcy

"Akala siguro nila na may something sa amin ni lance. Ewww hahaha never no!.  Kaya ayun na chambahan nila ako dito na nakaupo mag-isa."

"So anong ginawa nila sayo?"
Bigla namang tanong ni shami

"Ano... una sinisigawan nila ako, lalo na ang leader nilang bruha. Tapos tinadyakan niya pako, tapos pinagtulungan ba naman akong sabunutan. Yan tuloy mukha na akong bruha. Muntik pa nga akong sampalin nung boss daw nila."
Pagpatuloy ko ng paliwanag ko sa kanila.

"ANO? As in ginawa nila lahat yun?"
Hindi makapaniwalang tanong ni narcy.

"So ano lang yung ginawa mo?"
Tanong naman ni shami

"Wala"
Mabilisan kung sagot sa kanila.

"WALA?"
Oh ayan sabay na silang dalawa, haha buti nalang hindi na nakisali si sheena sa pagiging paranoid nilang dalawa.

"Wala, umupo lang ako rito. Nang hindi gumagalaw at hindi gumaganti. At buti na lang talaga dumating si sheena my super girl bago ako sampalin nung leader nila."

"Talaga! Nako salamat talaga sheena at dumating ka"
Pasasalamat ni shami

"Ilan nga ulit yung nambully sayo?"
Curious na tanong ni shami.

" Sampo"

"Anong... sampo? As in?"
Di makapaniwalang tanong naman ni narcy

"So pano ka niligtas ni sheena sa sampung yun ng mag-isa lang siya?"
Ochisera talaga tung si shami hahha

Si sheena naman ay nakikinig lang sa aming usapan.

"Sinabi lang ni sheena ang pangalan niya at ang background niya"

"WOW, AS IN? Ganun lang at natakot na sila?"
Na aamaze na tanong ni shami

"Syempre hindi hehehe"
Biglang sabat naman ni sheena. At sa wakas naman diba nagsalita na siya. Baka kasi mapanis pa yung laway niya sa kakatahimik niya diyan.

"So bakit sila natakot?"
Tanong ulit ni shami

"Simple lang sinabi ni sheena na siya ang kauna-unahang babae ang nanalo sa teakwando sa university na ito"
Pagpapaliwanag ko sa kanya

"ANOTHER WOW!"
natatawang sagot ni shami

"Oo nga, at teka totoo ba talagang nagti-teakwando ka?"
Tanong naman ni narcy kay sheena. Kaya  sa kanya na kami ngayon nakatingin.

Oo nga no, baka kasi gawa-gawa niya rin yung teakwando na sinasabi niya. Gaya ng ginawa ko hehehe yung nag-imbento ako na nagti- teakwando ako, kick boxing at iba  pa hahahha.

Goodbye my love (On-going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant