Chapter 22: Flaglet

Start from the beginning
                                    

"Since, I already know it all. Thank you for telling me," pareho kaming nakatingin lang sa mga sanga ng puno.

Hindi ko na narinig ang kanyang tugon hanggang sa makarating na ang prinsipe sa aming kinaroroonan.

"Are you okay?" salubong ng prinsipe.

"Do I look like one?" marahan akong tumawa sa kanya, "Malayo pa ito sa bituka," muli akong tumawa, "Hwag mo munang alalahanin pa ang aking sitwasyon mas may grabe pa na mangyayaring ganito mamaya sa akin."

"Hindi ko alam kung saan mo nahugot 'yang kayabangan mo!" nakangusong turan ng prinsipe saka maingat ako nitong binuhat mula sa pagkakahiga, "Gaga ka ba!?" medyo galit niyang sabi nang makita ang sugat ko sa aking tagiliran, "Malapit na 'yan sa bituka!" sabi niya nang tuluyan na kaming nakalayo sa kinaroroonan ko kanina.

"Watashi ni tsuite shinpai suru no o yameru," (Stop worrying about me), "Maghihilom rin naman 'to mamaya."

Saglit siyang napahinto, "You also have that ability?" may pagtataka sa kanyang mukha.

Marahan akong tumango, "Bakit may problema ba?"

"Hindi ko alam na may bampira palang may ganyang abilidad sa imperyong ito," natigilan naman ako sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin?

"Anata wa nani o io u to shi te i masu ka," (What are you trying to say?). Hindi ko mapigilang 'di magtaka. Parang may masama akong kutob rito.

"Only a Zeurdous family have that kind of ability, in Ursua Zetharius Empire."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. He's pertaining to the bloodline of my mate, Hiro Kyung Hance Zeurdous, the second prince of Hephaesto Kingdom.

We once exchanged our bloods when were craving for it and that means one thing, I gained that ability from his blood that I drank.

'Di na ako nakapagsalita sa prinsipe. Kung sinasabi niyang napaka himala kung mangyari ang bagay na ito. Ibig sabihin may posibleng gagawa ng pananaliksik ang prinsipe sa akin para alamin ang pinanggalingan kong lahi at kapag 'di niya 'yun makumpirma maghihinala siyang hindi ako ang tunay na prinsesa.

I gulped for that thought, "Don't worry I'll keep this as our secret," nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi, "For now, let us focus in this task. Hold your breath for a while," ginawa ko ang sinabi niya at naramdaman kong binunot niya ng sunud-sunod ang mga palasong nasa aking likuran.


Kanina pa kami ng prinsipe umiiwas sa mga bampirang nagrarambulan na.

Thanks to his invisibility nagagawa naming makatakas sa mga bampirang aming nakakasalubong. Kahit na naiilang ako sa pakikipaghawak kamay sa kanya ay tinitiis ko.

Habang papalapit kami ng papalapit sa magiging finish line kung saan naroroon ang flaglet na kung sino ang makakakuha ay siya ang panalo ay mas dumarami ang aming nakakasalubong.

Masama ang kutob ko rito.

Sa paglingon ko sa aking likuran ay siya namang pagbulusok ng isang bampirang tumilapon sa amin. Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang mabitawan ako ng prinsipe dahilan kaya tuluyan akong nakita ng ibang bampira.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now