Chapter FOUR --> The Playboy <--

Start from the beginning
                                    

            “Ang sungit mo talaga, alam mo ba ‘yon?” natatawang sabi niya.

            Itinaas ko ang tingin ko sa kanya. “Gago ka talaga, alam mo rin ba ‘yon?” mataray na sabi ko.

        Tumawa ng malakas si Sander. Tingnan mo ‘to. Sinabihan mo na nga ng gago, pinagtawanan ka pa. Aba, matinde. Ginawa ang salitang “baliw” para sa kanya. Nanatili lamang akong nakaupo at nakasandal sa pader dito sa may rooftop ng Westmore Academy. Malapit nang mag-finals. Napakarami na ring nangyari. Sa sobrang dami ay hindi ko na halos matandaan pa ng masyado ang ibang mga kaganapan.

            Pero mayroong isang bagay na malinaw sa akin. I could  clearly feel this hollow emptiness inside my heart. Like there’s a big part that’s missing.

            “Ang galing mo talagang magpatawa, babe,” nakangiting sabi ni Sander habang nakalagay ang parehong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon.

            “Sa tingin mo nagpapatawa ko? And FYI, don’t call me ‘babe.’ Hindi ako isa sa mga babae mo.” Inirapan ko siya at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Lumakad si Sander at umupo sa tabi ko. Hinarap ko siya nang nakakunot ang noo. “Iniinis mo ba talaga ko?”

            “Whoa, calm down.” Itinaas ni Sander ang parehong kamay at saka tumawa. “Para ka namang mangangain ng buhay.”

            “Nakakairita ka, alam mo ‘yon? Umalis ka na nga!” iritadong sabi ko sa kanya.

            “I’m just here to check on you.” Inilagay niya ang parehong kamay sa likod ng ulo at saka sumandal sa pader. Akala naman niya, ang cool-cool ng ginagawa niya.

            “Humihinga pa naman ako. Thank you very much,” sarkastikong pahayag ko at pagkatapos ay kumagat ulit sa sandwhich ko. Nawalan na yata ako ng gana. Bwiset.

            “Come on, Cassidy. Huwag ka ngang masyadong bitter,” sabi ni Sander. “May gwapo ka na ngang katabi, nakasimangot ka parin.”

            “Ay naku, oo nga naman, Lord. Patawarin Niyo po siya sa pagmumura,” matabang na sabi ko.

            Tumawa si Sander na mas lalo namang ikinainis ko. Eh kung ihulog ko nalang kaya siya mula dito sa rooftop? Not a bad idea, huh?

            “Pasalamat ka, matiyaga sa’yo ‘tong gwapong ‘to,” pagmamayabang na naman niya.

            “Huwag mo na nga kong kausapin kung puro kahayupan lang ang sasabihin mo.”

            Inalis ni Sander ang mga kamay niya mula sa likod ng ulo niya. He leaned forward and propped his elbows on his thighs. He looked at me with that devilish smirk. That kind of smirk that always makes girls go and chase after him.

            “Bakit kaya hindi tumatalab ‘yong charm ko sa’yo?” nagtatakang tanong ni Sander habang nakangisi parin.

(G4S Book3): OUR LEGACYWhere stories live. Discover now