Chapter 21: A Hunt to Survive

Start from the beginning
                                    

“Ito ang bagay na ayaw kong papasukan mo…” mahinang sabi ng prinsipe. Kanina ay parang sabik siyang ako ang magiging kapares niya pero ngayon ay nag-alala na siya. Siguro dahil ‘di niya inaasahang ganito pala ang mangyayari.

“Don’t tell me, natatakot ka?” natatawa kong biro sa kanya.

“Hindi ako natatakot para sa sarili ko—pero sayo, oo.”

“You know, a princess like me should not have any knight in shining armor like you,” kita ko ang pag-iling niya sa aking sinabi.

“You’re a fragile princess, don’t you know that?”

“I learn that not all princess should have their knight in shining armor. Sometimes, they should know how to protect themselves from any harm, like me,” napalingon siya sa aking sinabi habang nasa dinadaan lang namin ang aking mga mata.

“You’re really different from any princess I met.”

“I see…”

Tuluyan na kaming nakarating sa loob ng napakalawak na kagubatan.

Maririnig ang bulung-bulungan ng lahat na pinag-uusapan ang gagawing bagay sa loob ng gubat na ito. May mga excited, mayroon namang hindi ‘yun bang napilitan lamang.

Sa totoo lang ay nakakatakot ang patakaran ng mga bampira. Kapag na pasukan mo na ang isang bagay ay wala nang bawian. Its always do. Ma-maharlika ka man o hindi ay walang pakialam sayo ang nakakataas sa imperyong ito. Kahit anak ka pa niya.

Bigla na lamang napatahimik ang lahat nang lumitaw ang matanda kanina na ngayon ay nakalutang sa kawalan na may hawak pang tobacco at bumubuga pa ng usok.

Tumikhim muna ito saka nagbigay muli nang pahayag, Bibigyan ko kayong lahat ng limang segundo na maghihiwalay sa mga kapwa niyo kalahok maliban sa inyong kapares. Kapag may maririnig kayong matinis na sipol ay mag-uumpisa na ang hunt to survive. Ang makakaligtas sa larong ito ay dapat nakabalik na dito,” may tinuro siyang bagay sa lupa na ngayon ko lamang napansin, maliit na itim na watawat, “Ang unang makapulot niyan na mayroong maraming napatay na ibon ay siyang panalo. Your time  starts now.”

‘Diko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil kusang nagpadala ang aking katawan sa hatak ng prinsipe na ginamitan ng bampirang bilis.

Nakita ko na lamang ang aking sarili na nakatago sa malaking puno ng kahoy, si Kyohanne naman ay nasa sanga nito nagtatago. Halatang nag-aabang ng titirahing ibon.

In this kind of game, wala akong paki kung ‘diko mabilang ang mapapatay kung ibon. Ang mahalaga sa akin ay makaligtas ako.

Nang marinig namin ang matinis na sipol mula sa may kalayuan ay tuluyan akong napaangat ng tingin sa itaas dahil sunud-sunod na humuni ang mga ibon na halatang na istorbo ang kanilang mapayapang paglalakbay.

Inihanda ko na ang aking palaso sa aking busog habang maingat itong itinutok sa ibong papalagpas sa amin.

Pakakawalan ko na sana ang aking tira ngunit nakita ko na lamang ang ibon na bumagsak na sa lupa at wala nang buhay. Naunahan ako...

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now