Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark

Start from the beginning
                                    

"Anak..." I saw tears fell from my father's eyes. He shake his head like he's stopping me from doing something.

"Bebe ko..."

Tumingin ako kay Genesis. Katulad ni Daddy, nagmamakaawa rin ang mga mata niya.

"Naghihintay na ang pating, South. Bilisan mong mamili kung sino ang gusto mong iligtas sakanilang tatlo" Swiss demanded.

Napatingin ako sa parang kumukulong tubig sa pool. There I saw the sharp prominent dorsal fin of a sharks. Kung hindi ako nagkakamali, tatlo ang bilang ko sa mga pating.

Napalunok ako, pinagpawisan at tila hihimatayin sa takot. There are really sharks here. Kaya pala matapang ang malansang amoy dito.

"I love you, sweetheart. Babawi pa si Daddy, 'di ba? Please, choose me.." pakiusap ni Daddy.

"No, listen to me, bebe ko. I love you the most, you know that. We are still going on a date, right? So, choose me so we can date forever" pakiusap naman ni Genesis.

"Choose one, South!" si Swiss.

Naguguluhan ako. I love my Dad. God knows how much I treasure him. Walang kapantay ang pagmamahal ko sa Ama ko pero mahal ko rin si Genesis. He was my first love.

Sino ang ililigtas ko?

"Follow your heart..."

Napayuko ako, napapikit at napakagat ng labi.

"I'm choosing...." inangat ko ang tingin ko sakanila. "...baby tiger...I love him and I can't live without him.."

"Tweet tweet tweet tweet~"

Napabalikwas ako nang bangon nang maramdaman na tila may tumuka sa ilong ko. I looked beside me and saw Isaiah's chicken sleeping peacefully on my pillow. Napabuga ako nang hangin. Inihilamos ko ang mga palad sa mukha at mariing napapikit.

Fuck, that was the worst nightmare. Bakit ang letseng manok pa na ito ang pinili ko? Anong klaseng panaginip ba iyon? Siguro dapat iletson ko na ang manok na 'to nang matigil na ang mga masasaklap kung panaginip. Since Isaiah let his chicken sleep beside me, wala na akong nagiging magandang napapanaginipan. Sunud-sunod ang bangungot na nararanasan ko. What the hell does it mean?

Nanuyo ang lalamunan ko sa pag-iisip kaya  bumaba muna ako sa kama at napatingin sa orasan. It's already 11:46 in the evening. Napagpasyahan kong bumaba muna sa kusina para kumuha nang maiinom. Madilim at tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw ko. Thanks to our glass walls, the moon guided my path . I didn't bother to open the lights, saglit lang naman ako e. Iinom lang ako ng tubig.

Nasa kusina na ako at natatamaan lang ng kaonting liwanag ang paligid. Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang pitsel ng tubig. I let the fridge open so the yellowish light illuminated the kitchen. Nagkaroon ako ng ilaw kaya naging kampante ako sa bawat galaw ko. Pagkatapos kong uminom  ay akmang ibabalik ko na sana ang pitsel sa refrigerator nang may brasong biglang pumulupot sa bewang ko. Napatili ako at bibigwasan na sana ang hinayupak na iyon nang bigla kong naramdaman ang malambot na labing dumampi sa batok ko. Kinilabutan ako at sinubukang kumawala sa hawak niya ngunit masyado iyong mahigpit.

"It's me, bebe ko" Genesis' deep and husky voice sent shiver to my spine.

"Genesis!" I gasped and looked back at him. Dumikit ang ilong ko sa pisngi niya at halos mahalikan ko na ito sa sobrang lapit namin. He hugged me from the back and rested his chin on my shoulder.

"Why are you still awake?" malambing na aniya. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin na para bang natatakot siyang pakawalan ako.

I calmed the irrational palpitation of my heart. Para itong sasabog sa lakas nang tibok. Nagiging abnormal talaga ang puso ko sa t'wing malapit siya sa akin.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now