Tumango-tango ako, hindi niya man nakikita. I watched her water the plants but my mind is suddenly under the ocean of deep thoughts.

I wonder why he's on leave now. Marahil ay pagod na siya sa trabaho? O, baka naman tama ako sa iniisip ko kanina na gusto niya ng quality time kasama si Sigrid. Hindi pa ba siya nagsasawa sa mukha no'n? Nung nakaraang araw nga lang ay narito na naman iyon. Pero hindi kagaya dati, hindi niya na ako inaangilan o pinagsasalitaan ng hindi maganda. But sometimes, when Zion isn't around, she would roll her eyes at me like the caterpillar bitch she is.

Ang tilamsik ng tubig sa aking mga paa ay naging dahilan para bumalik ako mula sa malalim na pagiisip. Sinamaan ko ng tingin si Zion na ngingisi-ngisi lang habang nasa halaman pa rin ang tingin.

"Sorry..." he chuckled.

"Mukha ba akong halaman?" angil ko, ang kilay ay salubong habang tinitingnan ang aking mga paa na ngayon ay basang-basa na.

"No, but you look like a flower to me."

My body suddenly stiffen at his words. It felt like someone had suddenly turned on an internal heater inside my system, and my pale skin slowly turned from a ghastly white to a shade of a ripe strawberry. I lifted my head to see his face. Bumaling siya sa akin, nang makita ang pagkakatulala ko sa kanya ay nagangat siya ng kilay at ngumisi.

I looked away and focused my eyes somewhere else.

"Ewan ko sa'yo. Pati bulaklak dinadamay mo." mahinang bulong ko.

The chuckle that rumbled out of his throat was enough for me release a dramatic sigh. Simpleng pagtawa niya ay nagagawang pataasin ang balahibo sa batok ko. Hearing his chuckle can even bring me to cloud nine. Ang sarap pakinggan. Kahit paulit-ulit ay hindi ata ako maririndi.

"What do you want to do today, Hazel?" he asked. I glanced at him. Tumingin rin siya sa akin, may tipid na ngiti sa labi niya.

"Huh?"

"I'm giving you a day off. You can do whatever you want or go somewhere else. Just tell me, sasamahan kita."

Kumunot ang noo ko. Walang bakas ng pagbibiro sa ekpresyon ng mukha niya. All I can see is the sincerity that he really wants me to have a rest day. Sabagay. Ni minsan naman ay hindi ko siya nakita o narinig na nagbiro.

Pero sandali, iyong huling sinabi niya... sasamahan niya ako?

"S-Sasamahan?" nauutal na tanong ko.

"Yup. I have nothing to do today so maybe... we can spend it together. What do you think?"

Napangiti ako sa kanya. I would love to!

But the smile on my face and the excitement I have felt instantly died down when I realized that I can't just go outside and walk around like it's just normal. Maaaring may makakita sa akin na tauhan ni Daddy, o baka sila pa mismo ang makakita sa akin. Gustuhin ko man, hindi ko puwedeng isugal ang kalayaan ko sa isang araw na kasayahan lang.

"Uh, hindi na, Zion. Ayos lang! Wala na nga ako masiyadong ginagawa dito sa bahay mo tapos bibigyan mo pa ako ng day off." pilit ang tawang sabi ko.

His perilous eyes rest in my face, not unblinking but slowed; yet the effect is soft and inviting.

"You sure? Wala kang gustong pasyalan?"

Marahan ang naging pagiling ko. "Wala. Salamat."

He nodded and licked the bottom part of his red lips. "Alright. We'll just stay here. Maybe we could do something and have fun."

"Gaya ng ano?"

"Like..." his lips twitched sexily.

Fun. What does he mean by fun? Does he mean...

Monasterio Series #1: Lies Beneath Her Love Where stories live. Discover now