Chapter 17: Best Choice

Start from the beginning
                                    

“Nag-alala ako sa kanya,” parang tinusok ng isang libong karayom ang kanyang dibdib dahil sa sinabi ng binata. Napakagat labi siya para pigilan ang kanyang nararamdaman kahit alam niyang wala itong magawa.

Nilakasan niya ang kanyang loob na ‘di pansinin ang lalaki, “She’s awake,” pagkasabi niya nun ay tuluyang napamulat ang mga mata ni Tomoki na nagtatakang nakatingin sa kanya.

Awtomatiko namang napalapit si Zeref dito, kaya umatras ng ilang dangkal si Hailey para bigyan niya ang binata ng space.

Nagtaka na lamang si Zeref nang may biglang tumulong luha sa mga mata ni Tomoki, Ayos ka lang ba?” nag-alala niyang tanong rito.

Tumango si Tomoki at pinunasan ang sariling luha, “N—nasaan ba ako?” mahina nitong sabi.

Damang-dama parin ni Tomoki ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang panaginip. That dream of hers is quite odd.

Nasa kubo ko,” napabaling ang mga mata nito sa babaeng sumagot sa kanya. Kinikilatis niya ng maigi ang hitsura ng babae pero kahit ‘di pa niya kilala ito ay alam na niyang isa itong mangkukulam dahil sa taglay na presensya nito.

“She’s Hailey. A friend of mine,” sabi ni Zeref sa kanya nang mapansin nito ang nagtatanong na mga mata sa kaharap na babae.

Tomoki we’re already here,’ napaseryoso si Tomoki nang marinig niya ang boses ni Autumn sa kabila niyang katawan.

“She’s waking you up, am I right?” tanong ni Hailey kay Tomoki nang marinig rin niya ang tumatawag rito. Imbes na magtanong pa si Tomoki ay tumango lamang ito. Alam niyang mangkukulam ito kaya imposibleng ‘di nito alam ang nangyayari sa kanya.

“Take your time, then. Sa pagbalik ng kaluluwa mo sa katawang ito mahaharap mo na ang bangkay ng kabiyak mo,” napaawang ang labi ni Tomoki sa narinig at maluha-luha siyang ngumiti rito. Kahit ‘di niya nakuha ng maayos ang sinabi nito ay malakas ang kutob niya na tutulungan siya nito.

“Thank you…”

Pati si Zeref ay ‘di makapaniwala sa narinig. Hindi niya inakalang tutulungan siya nito kahit ‘di maganda ang loob nito sa kanya dahil sa kanyang ginawa.

“T—tutulungan mo kami?” pagsisiguro ni Zeref sa narinig, kung tama ba ang kanyang pagkaintindi sa sinabi nito.

“Hindi ka kasali sa tutulungan ko. Siya lang,” seryosong sagot ni Hailey dito.

Palihim namang napangiti si Zeref sa sinabi ng dalaga, pero ‘di na niya ito kinulit pa.

“Close your eyes now, Kim Dwight,” bulong ni Hailey sa hangin.

Dahan-dahan namang napapikit si Tomoki at tuluyang napunta sa kabila niyang katawan.



◆◇◆◇◆

Agad akong napatayo nang maramdaman ko ang pagyugyog ni Autumn sa akin.

Pasensya na,” nahihiya kong sabi habang kinukusot ang aking mga mata.

Ngumiti lamang ito sa akin, Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tumango lamang ako sa kanya.

Sa totoo lang parang nabunutan ng isang libong tinik ang aking dibdib nang mapagtanto kong tutulungan kami ni Hailey. Nang una ko siyang makita ay kataka-taka ang lungkot na nakikita ko sa kanyang mga mata. Animo’y nakaranas siya ng sakit na nararamdaman, ‘diko matukoy kung ano ito pero sa paraan ng kanyang pagtitig kay Zeref ay may hinuha na ako ukol dito. Kung ano man ang bagay na ‘yun sana ay ‘di na siya maghirap pa.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now