Chapter 50: Don't Give Up On Us

271 5 6
                                    

Chapter 50: Don't Give Up On Us




Sa loob ng four months, inasikaso ng dalawa ang lahat ng kakailanganin bago ipanganak si Eleanor. Ang totoo nga niyan, sinasamahan nila si Jane, Eleanor's biological mom, sa mga seminars, check-ups at lahat-lahat na. Pinaggogrocery pa nga nila ito. Ibinibili nila si Jane ng fruits, veggies and vitamins itong si Jane para masiguradong healthy si Ellie.

Kung idedescribe si Jane, tahimik lang siya. Maganda at may kaya ang pamilya. Yun lang ang alam ni Lance at Alex tungkol kay Jane. Tiwala naman din sila sa agency tungkol sa background ni Jane na ayaw nilang sabihin due to confidentialities.

Hindi makwento sa dalawa si Jane tungkol sa buhay niya, at minemaintain niyang professional ang pakikitungo sa mag-asawa. Okay lang din naman sa dalawa kung yun ang kagustuhan ni Jane. Malapit na itong manganak. In two weeks, ineexpect nang manganak si Jane anytime kaya excited na si Lance at Alex, pero at the same time kinakabahan din. They're praying na sana maging maayos ang panganganak nito kay Eleanor.

Inayos na rin ng dalawa ang kwarto ni Ellie. Si Alex mismo ang nagdesign, and they hired a good interior designer para tulungan si Alex sa pag-aayos. Ang finished product? Halos nagmukang heaven sa kwarto ni Ellie. A moon, a sun, and a lot of stars are painted on the ceiling. Sa dingding naman ay may mga ulap, na kapag tiningnan mo ay talagang gagaan ang pakiramdam mo. Bumili din sila ng pink crib, and attached to it is a take along mobile with beautiful pink adorable characters, and it can play soothing music para maging masarap ang tulog ni Ellie. At syempre, marami ring biniling stuff toys ang mag-asawa para sa kwarto.

Everything is great, actually.

..until that day.

**

Saturday.

May meeting ang team ni Lance with a new client. Galing siya sa La Salle, sa nag-iisang programming class niya doon tuwing Sabado, at dumiretso na lang siya sa restaurant na meeting place nila. It was raining hard when he got out of the car, and unfortunately, nakalimutan niya ang payong niya sa bahay, kaya naman tumakbo na lang siya na nakasukob sa jacket niya paglabas papunta sa restaurant. Naisip niyang lagot na naman siya sa asawa niya pag-uwi pag nalamang nagbasa siya sa ulan.

Their conversation with the client was smooth. Chinecheck na lang nila ang documentation, at ang sunod at huli na nilang gagawin ay para sa cost-benefit analysis ng project, nang biglang nagring ang phone ni Lance. "Excuse me." He said, and then he checked his phone. His wife is calling him. Nagpaalam siya sandali sa mga kasama at tumayo. Lumayo siya ng kaunti sa table.

"Love?"

"Love." She said softly.

"Bakit ka napatawag? I'm in the middle of a business meeting so.."

"Oh. Sorry. Uhm..it's n-nothing. Mamaya na lang pag-uwi mo. I..I'll hung up now." Halata ni Lance ang panlalata ng boses ng asawa.

"Love, what's wrong?"

He heard her sigh on the other line. "It's okay love. Mamaya na lang.."

"No, it's fine."

Narinig na naman ni Lance ang pagbuntung-hininga ni Alex. "Si Jane.."

"What?" Biglang kinabahan si Lance sa hindi malamang dahilan.

"She backed out."

**

Halos tumigil sa paghinga si Lance sa sinabi ng asawa. Alam niya na kung ano ang ibig sabihin nito kahit hindi niya pa itanong. Hindi siya nakasagot agad kay Alex.

"Hmm..sige na, bumalik ka na sa meeting. I'm okay."

"L-Love."

"I-Ibababa ko na to." He definitely heard her voice crack. And it pained him so much. Kung nasa bahay lang siya at kasama si Alex, hindi siya magdadalawang-isip na yakapin ito agad.

With Or Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon