Chapter 28: Happy Birthday Lance Part 2

396 2 0
                                    

Chapter 28: Happy Birthday Lance Part 2

LANCE

Sa sobrang kalasingan ng iba kong mga kasama, ako na ang nagvolunteer na maghatid sa mga bahay nila. Sila Sarah at yung ibang babae, kanina pa namin pinauwi. Anung oras na nang dumating ako sa bahay. Sarado na lahat ng ilaw sa loob. May susi naman akong dala kaya hindi ko na inabala sila Mama.

Pagpasok ko ng pintuan, orasan agad namin ang una kong nakita. 11:30pm. Muntik na ko abutin ng hatinggabi sa daan.

Nagbihis muna ko ng damit at saka ako lumabas ng kwarto. Magtitimpla ako ng kape sa kusina

“Lance?”

Bababa na sana ako ng hagdanan nang may tumawag sakin. Napalingon ako. Nagulat ako nang nakita ko si Tita Diana na mukhang takang-taka na nakita ako dito. At isa pa, bakit nandito siya sa bahay namin ng ganitong oras? At nakapantulog pa. “Tita?”

“Hala, anong ginagawa mo dito?” Nilapitan niya ko. “May kukunin ka?”

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Tita Diana. “Po? Tita, anong ginagawa mo dito? Dito ka natulog?”

“T-Teka nga..” Naguguluhan niyang sabi. “Ano munang ginagawa mo dito?”

“Tita naman. Syempre dito ako nakatira.” Natatawa na ko ng bahagya sa kanya. Nawiwirduhan na rin ako.

“E diba dun kayo ni Alex samin? Kaya nga dito ako matutulog eh.”

“P-Po? Ano pong kinalaman ni Alex?”

“E diba galing ka dun sa bahay namin?”

“Tita.” Hindi ko na talaga siya magets. “Hindi po ako pumunta sa bahay niyo.” Which reminded me of something. Itetext ko nga pala siya. Mamaya na lang pagkatimpla ko ng kape.

“Ha? Hindi nga?!”

Umiling ako. “Sabi ko po sa kanya itetext ko na lang po siya pag nakauwi na ko.”

“Diyos ko. Ibig sabihin..”

Kinakabahan na ko sa mga sinasabi ng Mama ni Alex. “Tita. Ano po bang nangyayari?”

“Naku Lance! Siguro hindi niya sinabi sayo. Ang batang yun naku kahit kailan! Nagkausap ba kayo kanina?”

“Opo. Tinawagan ko siya.”

“Anong sabi?”

“Wala naman po. Nagpaalam po ako sa kanyang lumabas kami ng mga katrabaho ko..”

“Tapos?”

“Ayun, sabi niya mag-ingat daw ako. Sabi ko po sa kanya itetext ko na lang siya pag nakauwi na ko. At matulog na siya, kasi parang po siyang nanlalata kanina nang tumawag ako.”

“Naku, sinasabi ko na nga ba.” Parang naiinis na sabi ni Tita Diana habang hinihimas-himas ang noo niya. “Kahit kelan ka Alex..”

“Tita..”

Tiningnan niya ko ng seryoso. “Lance. Pinaghanda ka ni Alex. May surprise birthday dinner siya para sayo. Kaya ka pinauwi ng Mama mo kaninang hapunan..dahil yun kay Alex. Kinuntsaba niya kaming dalawa. Nandito ako ngayon kasi sabi niya guguluhin ko lang kayong dalawa sa hinanda niyang surprise para sayo. She even cooked for you. Umuwi siya ng umaga para lang paghandaan ang birthday mo.”

Natulala ako dahil sa sinabi ni Tita Diana. Ilang segundo din ang lumipas bago ako nakakuha ng lakas para magsalita. “Ibig sabihin…mag-isa lang po ngayon dun si Alex?”

Tumango siya. “Pumunta ng Cebu ang Papa niya.”

Sh*t. Gustung-gusto kong magalit sa sarili ko. Naalala ko ang panlalata ng boses niya kanina nung tumawag ako sa kanya. Alex..

With Or Without YouWhere stories live. Discover now