Chapter 11: Without You

549 6 0
                                    

Chapter 11: Without You

Pagdating ko sa Pilipinas, biglang-bigla si Mama at Papa, lalo na si Tita Lara. Alam nilang may tatlo pang araw na natitira sa bakasyon ko kasama si Lance. Tinanong nila ko ng tinanong kung bakit napaaga ang uwi ko, pero hindi ko sinagot ang mga tanong nila. Nagkulong ako sa kwarto at iyak ng iyak sa tuwing naalala ko si Lance. Hindi maalis sa isip ko ang itsura niya noong panahong iniwan ko siya sa airport. Ang sakit-sakit sa dibdib. Sobrang sakit.

I turned off my phone dahil ayoko munang makipag-usap sa kahit sino. Isa lang ang gusto kong makausap sa panahong to. Isa lang ang gusto kong makita. At iyon ay walang iba kundi si Lance….pero hindi ko kaya.

But I know I have to face everyone…and face the reality. So after two days, nagdesisyon akong harapin sila Mama. Sumabay ako sa kanila sa hapunan, at natuwa ako na hindi nila ko tinanong. Hinayaan lang nila ako. Pero bago ako tumayo pagkatapos kumain, sinabi ko ang katotohanan. Ni hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para makapagsalita. “Naghiwalay na po kami ni Lance.” Tumayo ako agad pagkasabi ko at umakyat na sa kwarto, and then started crying. Again.

Parang akong tangang hawak-hawak ang picture frame na bigay sa akin ni Lance nung last birthday ko na hindi kami magkasama. Picture naming dalawa. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak habang tinitingnan ko ‘yon. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Gusto kong bumalik sa Cambridge at yakapin si Lance. Wala pang isang linggo kaming nagkakahiwalay, pero pakiramdam ko ang haba na ng panahoong nagdaan.

I’ve also decided to finally turn my phone on. Puro notifications. Puro missed calls…and those were all from Lance. May kung anong excitement akong naramdaman, pero at the same time, mas lalo din akong naiyak.

I checked my Facebook account. Bumungad ang sunud-sunod na messages ni Lance, at tulo lang ng tulo ang luha ko.

I love you. Baby I love you. Please. Don’t do this.

 

Hindi kita matawagan. Please don’t turn off your phone. Let’s talk. Maayos pa natin to. I love you. Alex..I miss you. And I love you.

 

Nababaliw ako kakaisip Alex. Mag-usap naman tayo oh.

 

Good morning. Kumain ka na ba? Miss na kita. Buksan mo na phone mo. Please. Mag-usap na tayo. I love you.

Please. I just want to talk.

That was his last message. Hindi ko napigilan ang paghagulgol ko. Kating-kati akong tawagan siya, para sabihing hindi ko mean ang mga sinabi ko nung araw na yun. Na mahal na mahal ko siya at kahit kailan, hindi ko gustong mawalay sa kanya.

Ngunit mas pinili kong huwag magreply. Pinili kong wag siyang tawagan. Pinili kong manahimik. Pinili kong saktan ang sarili ko. At saktan siya.

Tumawag siya ng tumawag ng ilang beses pero hindi ko sinasagot. Maging kila Mama, Janine at Tita Lara, sinubukan niyang tumawag, pero kahit sino sa kanila, walang nakapilit sakin na makipag-usap na kay Lance. Lahat sila, itinanong kung ano ang nangyari, pero pilit na ngiti at iling lang ang isinasagot ko sa kanila. Hindi ko kayang magbigay ng dahilan. Hindi ko pa kayang pag-usapan ang nangyari.. And I don’t know when will I be ready.

Months passed, at hindi pa rin kami nagkakausap ni Lance. I got a job at an office near La Salle, sa university kung saan kami pareho nanggaling. Sa Accounting department ako nailagay. Malayong-malayo ang nakuha kong trabaho sa course ko, at inexpect ko na din naman yun. Hanggang ngayon kasi hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko, at mas lalong tumindi yun dahil sa mga problemang pinagdaanan ko. Gising sa umaga, pasok sa trabaho, uwi sa bahay.. Paulit-ulit ang nangyayari sa bawat araw ko. Wala nang thrill, wala nang excitement.

With Or Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon