Chapter 34: Mr. And Mrs. Rivera

371 3 0
                                    

Baka napaisip kayo kung paano ko nalaman sinasabi ng pari sa kasal..of course niresearch ko lang yon. Haha!

Thank you all for reading this. Di ko alam kung kailan ko to matatapos. Naghihintay lang ako ng moment, yung mararamdaman ko na kailangan nang tapusin. Ganun. Haha. Sensya na madaming landi ang author. LOL. Pero seryoso hindi ko pa talaga siya feel tapusin.

Anyways, pag natapos to, itutuloy ko na yung Hanggang Kailan and may two upcoming stories. Baka palitan ko pa yung titles kaya di ko muna ipopost first chapters.

Thank you!! <3

 

 

 

Chapter 34: Mr. And Mrs. Rivera

 

 

 

 

 

 

Nang makauwi na ang karamihan sa mga bisita nila, nagpaalam si Alex kay Lance na mamamahinga muna sa hotel room nila. Syempre, dahil nga naman husband and wife na sila ngayon, isa na lang ang kwarto nila. Nananakit na ang mga paa niya dahil sa taas ng heels at kakasayaw kaya gusto na niyang humiga sandali. Lance insisted na ihahatid niya si Alex at sasamahan sa kwarto, pero tumanggi naman tong si Alex. May mga kaibigan pa kasi si Lance na hindi pa umuuwi at gusto ni Alex na ieentertain sila ni Lance. Kahit ayaw naman mahiwalay ni Lance sa asawa niya, pumayag na rin siya. Nakakahiya nga naman sa mga bisita. He just kissed her goodbye, at umakyat na si Alex.

Mag-isang pumunta si Alex sa kwarto nila. And the moment na buksan niya ang pintuan ay nagulat siya sa tumambad sa kanya. Two luggages. Isang kulay pink at isang kulay blue. Nilapitan niya agad ang mga ito, at napasalampak siya ng wala sa oras sa sahig kahit na nakasuot pa siya ng wedding gown. Bubuksan na niya sana ang pink luggage pero nakalock.

“Love?”

Nagulat na lang si Alex nang marinig ang boses ng asawa. Napatingin siya sa likuran. She didn’t even notice na hindi niya naisara ang pintuan kanina dahil sa nacurious siya agad nang makita ang luggages sa kwarto nila.

“What are you doing?” Nakakunot ba sabi ni Lance. Lumapit siya agad kay Alex at umupo rin sa sahig sa tabi nito.

“Bakit nandito ka? I told you to entertain our guests.”

“Ayoko. Pinauwi ko na sila.”

“What?!”

“Basta ako nang bahala. So ano ngang ginagawa mo at nakasalampak ka dito? You are ruining that dress, love. Ang mahal kaya ng bili natin- Aray!”

Hindi na natapos ni Lance ang sinasabi dahil naunahan siya ng batok ng asawa niya. Hindi naman malakas ang pagkakabatok at OA lang si Lance magreact, kaya natawa na lang sa kanya si Alex. “Kung makapagreact to akala mong minartilyo kita sa leeg.”

“Ikaw kasi, napakahilig mong manakit. Wala pa tayong ilang oras na kasal pero sinasaktan mo na ang asawa mo. Irereport kita eh.”

Natawa na lang talaga sa kanya si Alex. “Heh.  So ano nga to? Bakit may ganto? Wedding gift? Bakit bukas agad?”

Napangiti na lang si Lance. “Well..”

“Well?”

“We are leaving tonight.”

With Or Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon