Chapter 8: M.I.T.

548 7 4
                                    

Chapter 8: M.I.T.

First time ever kong nakapasok sa MIT. Grabe naman pala talaga ang laki. Medyo maaga kami dumating kaya nilibot muna ko ni Lance. Kung saan-saan niya ko dinala kahit nakaheels ako. Ang sweet niya lang diba? Very gentleman!! Kung hindi ko lang talaga mahal tong lalaking to…naku!

Saktong 8pm nang pumasok na kami sa mismong event. Pagpasok pa lang, kita kong busy ang lahat sa pakikipag-usap sa mga kasama nila. Nakakapit lang ako sa braso ni Lance hanggang sa may tumawag sa kanya.

“Lance!”

Lumingon kami pareho. Papalapit samin ang isang Amerikanong medyo kasingheight lang ni Lance. Dark-haired na medyo kulot. Mala-Adam Brody ang dating.

“Brent!” Malakas na sabi naman ni Lance. “Thought you’re not coming!” Nakangiti siya kay Brent.

“Well..” Wala na siyang nasabi. Napatingin siya sakin at pinilit kong ngumiti kahit medyo nahihiya talaga ko. Kumapit pa ko lalo kay Lance.

“Oh, I would like you to meet Alex.” Sabi ni Lance.

“I knew it.” He’s still smiling. “The Alex.”

Natawa sila pareho ng bahagya. Kailangan may ‘the’ talaga? Napatingin ako kay Lance para manghingi ng sagot. Naintindihan niya ko agad kahit tumingin pa lang ako sa kanya.

“Ahh..” Ngumiti siya lalo. Nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. “Lagi kasi kitang kinekwento sa kanila. Syempre.”

Ahh. Kaya naman pala. Napangiti naman ako in return.

“It’s nice to finally meet Lance’s girlfriend.” Inabot niya ang kamay niya sakin.

Ngumiti ako at nakipagshake hands sa kanya. “Nice to meet you, too.”

“You’re beautiful.”

Muntik na ko mamula sa sinabi niya. Wala ako nasabi. Nagulat na lang ako nang niyakap ni Lance ang baywang ko gamit ang isa niyang kamay at lalo akong hinigit palapit sa kanya.

“And she has a boyfriend.” He proudly said.

Natawa ko sa loob-loob ko. Possessive talaga ang mokong.

“Yeah, I know.” Natawa na lang si Brent kay Lance.

*

Kung kani-kanino ako pinakilala ni Lance. Hindi niya binitawan ang kamay ko the whole night. Alok siya ng alok sakin kung may gusto ba kong kainin or inumin pero tumatanggi lang ako. Wala talaga kasi akong gana pag sa mga ganitong gatherings. Ewan ko ba. O medyo kinakabahan kasi ako dahil nga di ko sila mga kilala. Di ko alam.

Di ko na nga namalayan na three hours na ang nakalipas dahil sa mga happenings. Tinanong na lang ako ni Lance kung gusto ko na bang umuwi. Nun lang ako napatingin sa orasan.

“Sure ka? Marami pang tao oh. Parang ang KJ naman kung uuwi agad tayo.” Sinabi ko sa kanya.

“E iniisip lang kasi kita. Hindi pa ba sumasakit ang mga paa mo? Nakaheels ka eh.” Wow! Akala ko wala siyang pakialam eh.

“Okay na ko, namanhid na yata mga paa ko eh. Kanina pa kasi tayo lakad ng lakad.”

Natawa siya ng bahagya sakin. “Ngayon lang yan. Mamaya sigurado ko pagdating natin sa bahay, di mo ko papatulugin kakacomplain mo. Baka ipamasahe mo pa yan sakin.”

May point siya. Natawa na din ako. “At least may quality time tayo together. Odiba.”

Tinawanan na naman niya ko. “Sira ka talaga.”

With Or Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon