Huminga ako ng malalim, wala ng magawa pa.

"Alright, I'll be there. Pero, Clarivelle, si Mrs. Madriaga lang ang aasikasuhin ko. Pagkatapos noon ay aalis na rin ako. Ipapaliwanag ko sa'yo lahat pagdating ko diyan. Mag-aayos na ako."

"Sige, Ma'am. Ingat po kayo." bakas ang pagaalangan sa boses niya.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay mabilis akong lumabas ng kwarto. My heart is pounding so fast knowing that I woke up late. Ang maisip pa lang na hindi pa ako nakakapagluto ng agahan para kay Zion ay nakakapag-pakaba na sa akin.

Ano na lang ang iisipin niya? Na kung umasta ako sa bahay na ito ay parang hindi ako katulong? Na porque nakapagsabay kami sa hapunan isang beses ay nakalimutan ko na ang tunay na papel ko dito. Bakit naman kasi tanghali na ako nagising!

Nakapasok na kaya siya sa trabaho?

Pagkababa ko ng hagdanan ay mabilis kong iginala ang mga mata ko sa kabuuan ng living room. Malinis ito, walang senyales na may tao.

Hindi kaya nasa kusina siya at nagluluto roon?

Mariin kong nakagat ang labi ko sa naisip. Dali-dali akong naglakad patungo doon. Kasabay ng mabilis na tempo ng paglalakad ko ay ang pagkalabog ng puso ko. Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa sariling kapalpakan.

I was about to enter the kitchen when an old woman who's probably on her fifty's went out of it. Kusang napatigil ang paa ko sa paghakbang, maging ang matanda ay ganoon rin. She blinked her eyes a few times while staring at me. In between her hands was a tupper ware with garlic rice inside.

"Uh... G-Good morning, po." alanganing bati ko.

Sa loob ng halos isang linggong pagtitigil ko rito sa bahay ni Zion ay ngayon ko lang nakita ang ginang na ito.

"Magandang umaga rin. Ikaw marahil si Hazel, ano?" tugon niya, may mainit na ngiti sa kanyang labi.

"A-Ako nga, po."

Tumango siya. "Ako naman si Neriss. Tawagin mo na lang akong Manang Neri. Nabanggit sa akin ni Zion na may kasama nga daw siya dito. Kumain ka na ba? Halika at ipaghahain kita."

Kumurap-kurap ako nang magsimula siyang maglakad at lampasan ako. Sumunod ako, agad siyang hinabol.

"Naku, hindi na po kailangan. Katulong po ako dito, Manang Neri."

Napahinto siya sa paglalakad, kunot noong tumingin sa akin.

"Ano kamo?"

Napakamot ako sa aking noo. "Katulong po ako ni Zion dito. Mga isang linggo na, po."

Umawang ang bibig niya, ang gulat ay halata sa kanyang bilugang mga mata.

"Aba'y hindi ka mukhang katulong, hija. Napakaganda at napakakinis mo. At isa pa, hindi sinabi ni Zion ang posisyon mo sa bahay na ito. Basta ang sabi niya ay may kasama siya dito, na natutulog ka pa ay hayaan ka lang. Kung nagtataka ka kung bakit ngayon mo lang ako nakita ay dahil tuwing araw na ito lang ako narito, hija. May katandaan na kasi ako kung kaya naman pinagbawalan na ako ni Zion magtrabaho ng araw-araw. Isang beses lang ako narito, pero ang sahod ko ay buo pa rin ibinibigay ng batang iyon. Napakabait."

Monasterio Series #1: Lies Beneath Her Love Where stories live. Discover now