Maghihiwalay na dapat kaming dalawa pero..

"Clesea, bag mo ‘to! Bag ko ‘yan!" Agad kong hinatak ang bag ko sa kaniya.

Napatingin din siya sa kaniyang hawak. "Oh, ang bobo natin."

"Ikaw lang."

Nagmadali na akong maglakad. Tagaktak na ang mga pawis sa mukha, wala pa naman akong panali ng buhok at sigurado akong namumula na ang mukha ko.

Nang makarating ako sa silid, nakaayos na lahat ng gamit namin about report. Hindi ko pinakita sa kanila na hingal na hingal ako. Siguradong magtataka si Sir, mahahalata niyang huli ako sa klase.

"Good morning," walang emosiyong sabi ko. "Sir!"

"Come in, you’re late."

Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Napansin niya ako? Hindi na ako nagsalita. Inilagay ko na ang bag ko sa upuan saka umupo. Nakaiinis pa dahil wala akong dalang panyo.

Pinunasan ko ang aking pawis gamit ang kamay mo. Pumunta ako sa harap, nandoon na sina Israel at Klyde. Ang sama ng tingin sa akin ni Budang samantalang si Klyde naman parang nagtataka kung bakit ako pawis na pawis.

"Okay, let’s start." Hudyat ni Sir Tigel.

"We—"

Magsasalita pa lang sana ako nang abutan ako ng panyo ni Israel habang ang atensyon ng mga kaklase namin ay nasa amin.

"Ayieeee!" Panunukso nila.

Nahalata kong namula ang lalaking ‘to. Ako naman ay gusto kong matawa sa reaksyon niya. Gusto pa lang hindi tumawa.

"Class, quiet!" suyaw ng guro. Kahit kailan talaga napakastrikto nito.

Nagpunas na ako ng pawis at muling nagsalita. "Good morning, Sir Tigel and our classmate. We are here to report our knowledge. This will add your knowledge and our lesson so listen carefully.  It’s about martial law." Panimula ko.

"Martial law the law applied in occupied territory by the military authority of the occupying power. The law administered by military forces that is invoked by a government in an emergency when the civillan law enforcement agencies are unable to maintain public order ang safety." Si Budang habang pinapaliwanag ang nasa chart.

Nagtuloy-tuloy lang kami sa pagsasalita.

"In the Philippines. President Marcos imposed martial law on the nation from 1972 to 1981 to supress increasing civil strife ang the threat of a communist take over following a series of bombing in manila."

Pinaliwanag pa namin ang aming pinagsasabi. Natagalan pa dahil ang haba tungkol sa martial law. Agad din namang natapos.

"Thank you for listening."

Sabay-sabay naming sabi at yumukod.
Nagpalakpakan ang aming mga kamag-aral. Ang wala lang naging reaksyon ay sina Zairian at Melirinah.

Good job!

"Impressive!" sabi ni Sir Tigel. "Thank you, Miss Sullvian, Mr. Abriel at Mr. Fuentebella. The report is good and I didn’t expect it."

"Thank you, sir." Sina Israel at Klyde. Halatang natuwa sa pamumuri ni Sir. Ako naman ay umupo na lang sa aking upuan.

"5 minutes na lang ang natitirang oras so class dismissed."

Tumayo na ako at lumabas.

Hindi ako dumiretso sa gym dahil may kailangan akong isipin. Ang mimisteryoso ng mga plastik na iyon. Pumunta ako sa lumang building na walang estudiyante at ang likod niyon ay hardin kaya mapayapa ang lugar.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon