Chapter X

57 6 0
                                    

Blood's POV

Tumigil ang van sa harap ng gate at lumabas doon ang isang matandang lalaki. Ipinakita ng babae ang isang pamilyar na tattoo sa matanda.

Ang tattoo na iyon ay katulad ng nakita ko kay Ms. Anne. Ang pinagkaiba lang ay hindi wolf ang nasa loob nito kundi dalawang marka ng tuldok. Ano ang ibig sabihin nito? Kung tama ang hinala ko, hindi siya isang werewolf. Ngunit, anong ibig sabihin ng dalawang tuldok? Maari kayang isa siyang vampire?

'I have to keep an eye on her. She might be one of the key for my father's death. '

Matapos ipakita ng babae ang tattoo sa kamay niya ay pinapasok na agad kami ng matandang lalaki. Pumasok ang matanda sa loob at biglang nag-iba ang itsura ng paaralan. Ang luma at nilulumot na ay napalitan ng isang bago at mala kastilyong akademiya. Napanganga na lang ako sa nakita ko.

"Are you amazed on how it changes? Entering this academy will mess your mind. You better get ready." pagpapaalala ng babae. I'm not yet ready but I must be.

"C'mon let's get in." pag-aaaya nito kaya agad akong sumama.

Halos mapanganga ako sa mga nakikita ko. Dinaig pa ng mga building na nandito ang mga 5 star hotel na napuntahan ko. Para akong pinadala sa ibang panahon. Am I in the future?

"I haven't introduced myself yet, I'm Ms. Adelaine. This facilities are way better than any of the infrastructures today. Reason? You will find it out soon. I hope you can adjust on your new environment, Miss Moore." Napabuntong hininga na lamang ako bilang sagot. Gaano katagal kaya ako titigil sa lugar na ito? Gaano katagal ko kaya matitiis 'to?

"Let us proceed to the dean's office." naglalakad lakad kami pero hindi pa rin nasasanay ang mga mata ko sa lahat ng nakikita ko.

Huminto kami sa isang vintage na room. Malayo ang agwat nito sa ibang mga building at iba rin ang itsura nito. Kung ang mga ito ay makabago, ang silid naman na ito ay parang pinaglipasan na ng panahon. Luma man ito ay maganda pa rin ang disenyo. Napreserve ng lugar na ito ang ganda ng nakaraan.

Kumatok muna ang babae gamit ang gintong bilog na may ukit na kulay pulang mata na nakasabit sa pintuan. Ang mga matang ito ay parang totoo at pinagmamasdan ang lahat ng pumapasok at lumalabas ng silid.

Pumasok kami sa silid at agad na bumungad sa amin ang isang lalaking na mukhang nasa 40's na ang edad. Nakakasindak ang aura nito. Agad kong binaling ang aking mga mata sa ibang direksyon.

"Magandang umaga nakatataas na pinuno. Narito na po si Bb. Moore. " sabi nito at yumuko. Agad naman itong nagpaalam at umalis.

'Blood, ano ba 'tong pinasukan mo.'

"Magandang araw, binibini. Ako ang pinakamataas na pinuno ng akadamiya. Ako si Ginoong Simmons. Maari ka ng umupo." halos madapa na ako para lang makaupo. Mukhang pag di ko sinunod ang utos nito ay agad na malalagot ang hininga ko.

"Wag kang matakot pero wag ka rin maging kampante. " saad nito habang nakatingin sa mga nanginginig kong kamay.

"Isang maligayang pagbati sa iyong unang pagpasok. Maaring manibago ka ngunit masasanay ka rin habang naninirahan at nag-aaral ka rito. Ang mga regulasyon ng paaralan ay nakasaad sa papel na ito." pagkasabi nito ay agad na inabot nito sa akin ang isang piraso ng papel.

Regulasyon at Batas ng Akademiya

1. Ang mga mag-aaral ay hindi pinahihintulutang umalis maliban na lamang kung pinayagan ka ng isa o mahigit pa ng 3 pinuno.

2. Pinagbabawalan din ang mga mag-aaral na lumabas sa kanilang dormitoryo pagsapit nang 11 ng gabi.

3. Ang mga mag-aaral ay dapat pumunta sa bawat klase nila ng araw na iyon. Pinagbabawalan silang tumakas sa oras ng kanilang klase.

4. Ang mga abilidad ay di pinahihintulutang gamitin sa kapwa nila mag-aaral, guro, pinuno o kahit sinong inosenteng tao.

Bakit pinagbabawalan kaming lumabas at manatili na lamang sa loob nitong akademiya? Bakit bawal lumabas sa oras na iyon? Ang pangatlo ay natural lang sa isang paaralan. Pero anong abilidad ang isinasaad ng pang-apat?

"Ang mga katanungan mo ay masasagot din. Ang hinihiling lang ng paaralang ito ay ang iyong pagsunod."

"Paalala, ang pagsuway ay may nakalaang kaparusahan." kung kanina ay takot na ko sa auro nito ay lalo akong natakot sa mga sinabi nito. Nanatili na lamang tikom ang bibig ko.

'Ano pa nga bang magagawa ko? Ako ang nagdesisyong pumasok dito.'

May nilabas itong device at itinapat sa mga mata ko. Nahilo ako ng biglang magflash ang ilaw nito.

"Dahil bago ka palang ay kailangan kunin ang impormasyon ng mga mata mo para makapasok sa iyong silid. 401 ang numero ng iyong silid. Maari ka ng umalis. " agad akong umalis kahit na medyo nahihilo pa ko.

Sa pagmamadali ko ay may nabangga ako.

"Asdfghjkl" wala kong naintindihan sa mga sinasabi niya at hindi ko na rin binalak pa na tignan siya.

"Sorry... " pagkasabi ko nito ay nagsimula na akong maglakad ngunit marahas niyang hinawakan ang braso ko at iniharap niya ko sa kanya.

Ang mga mata niya, hinihila ako nito... Pakiramdam ko na ang paghila ng mga matang iyon ay kaya akong dalhin sa ibang mundo.

"Who are you and what are you?" bakit ba puro nakakatakot na tao (o kung tao man sila) ang nakikita ko. Is this a sign to go back?

"Bl-" magsasalita na sana ako ngunit bigla niya na lang pinutol ang sasabihin ko.

"Scratch that. I don't care either. Just get lost." Akala mo kung sino hmp.

Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Roll your eyes once more and I will take your eyes from you." wth? Di ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Ano ba tong napasukan ko?! Wala ba kong makikita o makakabangga na mabait? Mommy huhu

Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa marating ang building kung nasaan ang dorm ko. Unti-unti ay nasanay na ang mga mata ko sa mga makabagong pasilidad at kagamitan ng lugar na ito. Sumakay ako ng elevator dahil nasa ikaapat na palapag pa ang silid ko. Huminto ang elevator sa ikalawang palapag at sumakay ang isang babaeng may kulay pulang mga mata. Itim na itim ang buhok nito at may bangs na halos tinatakpan na ang mga mata nito. Kung hindi lang dahil sa kulay ng mga mata nito ay malamang hindi na mahahalata ito. Habang tinitignan ko siya ay unti-unting nagiging itim ang mga mata nito. What the hell is happening?! Kalma Blood, kalma... Inhale, exhale

Nang makapasok ito ay agad na sumara ang pintuan ng elevator.

"You're Blood, aren't you?" mababaliw na talaga ko sa mga nangyayari. Unang araw palang pero sasabog na ang utak ko. Kakayanin ko kayang tumagal dito?

"Y-yes, how do you know my name?" sa lahat ng tanong ko ngayong araw ay wala ni isa ang sumagot ng direkta o sumagot ng tama.

"You're the famous mortal. Everyone knew you. Blood, you're now an instant celebrity. "

The Pure Blooded VampireWhere stories live. Discover now