Chapter IX

53 11 4
                                    

Blood's POV

Nagising ako sa ingay sa baba kaya agad akong bumangon para tignan kung anong nangyayari.

Nakakita ako ng isang babaeng may ash blonde na buhok.  Hindi nila namalayan na nasa may hagdan lang ako at nakikinig sa kanilang usapan.

“Magandang umaga. Nandito ako para sunduin si Ms. Moore.” saad ng babae sa aking ina.

“Susunduin? Saan kayo pupunta?” nagtatakang tanong ng aking ina.

“Ililipat namin ang inyong anak sa ibang paaralan.” lalong nagtaka ang aking ina sa mga sinabi ng babae. Miski ako ay nagugulahan din sa nangyayari.

“At saang paaralan niyo naman siya nais ilipat?” sa pagkakataong ito ay bumaba na ako at nagpakita na sa kanila. Sumagi sa isip ko ang Legend Academy. Magtataka ito kung sabihin ko na lilipat ako sa akademiyang iyon at tatanungin niya ko kung bakit ko nais doon lumipat. Hindi ko maaring sabihin dito na naroon ang sagot sa pagkamatay ng aking ama.

“Narinig ko po kasi na maganda ang paraan nila ng pagtuturo. Nahihirapan na po kasi ako sa Krypton University.” pasisinungaling ko rito ay pilit na ngumiti.

“Ganun ba? Bakit hindi mo agad sinabi sakin?” nag-aalalang saad ng aking ina.

“N-nahihiya po kasi ako...” kung hindi lang dahil sa pagkamatay ng aking ama ang sangkot dito ay hindi ako magsisinungaling sa aking ina.

‘Sorry mom...’

“Maari na ba tayong umalis?” saad ng babae. Hindi niya malaman kung isa rin ba itong bampira o hindi.

“Mag-aayos lang po ako ng gamit.” dahil sa biglaang pagdating niya ay wala pa akong nahahandang damit.

“Hindi na kailangan. Our Academy will provide everything you need. You just need to attend your class.” namamanghang nagkatinginan kami ng aking ina.

“Pwede niyo po ba akong bigyan ng sandaling oras? May kakausapin lang po ako.” nais ko sanang magpaalam kay Ethan ng maayos.

Kumatok ako sa pinto ng bahay nila Ethan at iniluwa nito si tita Claire.

“Ikaw pala Blood. Hinahanap mo ba si Ethan?” kilalang kilala talaga ako ni tita.

“Opo,  nandyan po ba siya?” tanong ko kay tita at simpleng ngumiti.

“Nasa kwarto niya.  Puntahan mo na lang.”   sabi nito at binuksan ng malaki ang pinto.

Dahan dahan akong umakyat sa hagdanan at pinuntahan ko ang kwarto ni Ethan. Hindi na ko kumatok at binuksan agad ang pinto.

Iginala ko ang paningin ko pero hindi ko makita si Ethan. Napakaburara talaga niya. Nakakalat ang maruruming damit sa sahig at gulong gulo naman ang kama nito. Kung hindi ko lang siya kilala ay malamang iisipin kong may kababalaghang nangyari rito.

“Tsk..”

“Blood?” nilingon ko kung saan nanggaling ang boses ngunit nagulat ako sa paglingon ko.

Walang pang itaas na damit si Ethan at nakatapis naman ng tuwalya ang baba nito. Lumabas ito galing banyo nang basang basa ang buhok. Napalunok na lang ako sa nakita ko.

“Ahhhhhh!” tinakpan ko ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang nakita ko.

Matapos ang ilang minuto ay naramdaman ko ang unti-unting paglapit ni Ethan sakin. Dahan dahan nitong tinangal ang mga kamay sa mga mata ko.

“Okay na.” pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko kaagad ang ngisi sa labi niya.

“Bakit hindi ka kasi kumakatok o tumawag man lang haha” natatawang tanong nito.

“Malay ko bang naliligo ka pala at saka nasanay na akong pumasok na lang sa kwarto mo.” kung makikita ko lang ang sarili ko sa salamin, malamang napakapula na ng mga pisngi ko.

“Ngayon alam mong kumakatok ka dapat bago pumasok.” sabi nito habang pinupunasan ang basang buhok. Naaala ko nanaman yung itsura niya kanina.  Arghhhh! Erase, Blood.

“Bakit ka nga pala nandito?” nagtatakang tanong nito sakin. Hays,  nakalimutan ko na ang pinunta ko rito dahil sa nangyari kanina.

“Ethan, I want to bid farewell. We will not be seeing each other for a long time.” kung pwede lang talagang isama siya.

“Where are you going?” nagtatakang tanong nito sa akin.

“From now on. I'll be studying at Legend Academy. Someone is already fetching me, I just want to bid you, farewell.” sabi ko rito at pilit na ngumiti.

Biglaang hinigit ni Ethan ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

“Be safe,  Blood. Promise me.” hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa mga sinabi niya.

“I will.” sabi ko at niyakap rin siya pabalik.

Kumawala siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko.

“Tara ihahatid na kita.” sabi nito habang nakangiti.

Sumakay na ko sa loob ng van na nakalaan sa paglipat ko sa Legend Academy. Tinanaw ko mula sa bintana sila mom at Ethan.

‘Nakakalungkot pala mag-isa’ nasanay kasi ako na kasama ko sila.

“Ms. Moore?” napatingin naman ako sa sa babaeng maghahatid sa akin sa academy.

“Bakit po?” magalang na tanong ko rito.

“Alam mo naman siguro kung anong eskwelahan ang pinapasok mo.” sa totoo lang ay wala kong alam sa papasukin kong lugar.  Nanatili na lamang akong walang imik.

“Pwede po bang magtanong?” kanina pa ito bumabagabag sa isip ko.

“You're already asking.” tinutuon parin ng babae ang paningin niya sa daan.

“Paano niyo po nalaman na gusto kong lumipat? Wala po kong sinabi at binigay na form sa eskwelahan niyo kaya po imposibleng malaman niyo. ” mula sa salamin ng van ay nakita ko ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

“Instinct?” umasa ako na sasagutin niya ko ng matino pero wala pala kong mapapala.

Tumingin na lang ako sa daan na tinahak namin para kung sakali man ay agad akong makakaalis doon o kung anumang masamang mangyayari ay masasabi ko ang lokasyon kung nasaan ako.

Pamilyar ang lugar na binabagtas namin ngayon o maaring nagkakamali lang ako dahil nakatulog ako noon.

“Malayo pa po ba tayo?” hindi ko maiwasang itanong dahil mag-iisang oras na kaming nabyahe.

“Malapit na. Pagkalampas natin sa isang gubat ay nasa Legend Academy na tayo.” gubat? Wag mong sabihin na ito nga yung lugar na iyon? Ito yung lugar kung saan kami nagcamping noon. Ito rin yung lugar kung saan ko nakita yung bampira.

Nang malampasan namin yung gubat ay agad bumungad sa amin ang isang lumang paaralan. Ito na ba yung Legend Academy? Hindi ganitong klase ang naisip kong lugar na papasukan ko. Iniisip ko na isa itong malawak at mala kastilyong paaralan.

“Ito po ba ang Legend Academy?” hindi parin ako makapaniwala.

“Wag mong hayaang linlangin ka ng mga nakikita mo, hija. Ang nakikita mo ngayon ay pawang mga ilusyon lamang.”

Kung ganoon pala ay mas mahiwaga pa pala sa iniisip ko ang paaralang papasukan ko.

‘Blood, welcome to your own hell.’ napangisi na lamang ako sa sinabi ko sa aking sarili.

The Pure Blooded VampireWhere stories live. Discover now