Chapter VII

67 14 2
                                    

Ethan's POV

 Hinintay ko si blood sa Resto. Antagal niyang dumating kaya umorder na ko ng kakainin naming dalawa.

 'Antagal naman nya.'

  Dumating si Blood na mukhang malalim ang iniisip. Nakakunot ang noo nito habang naglalakad. 

"Blood!" sigaw ko. Wala sa sariling lumapit ito sa direksyon kung saan ako at nakaupo.

 Umupo ito sa harap ko at nakatulala kung saan.

"Ano bang iniisip mo blood?" nagtatakang tanong ko rito.

"ha?" wala sa sariling tanong nito.

"Sabi ko anong iniisip mo?" pag uulit ko sa tanong ko kanina.

"There's something bothering me about." sagot nito na hindi parin natitinag sa pag iisip.

"About what?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"About this academy." sabi nito at ipinakita ang ang isang flyer.

 Nakasaad doon ang tungkol sa academy na sinasabi ni Blood. Something caught my attention. It has 5 symbols written on top of the flyer and one of it is just like Ms. Anne's tattoo.

"Take a look at this." sabi ko at ipinakita ang picture na nasa cellphone ko.

"That is Ms. Anne tattoo and it's the same just like in the flyer." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Blood.

"I want to enroll in this school." Wika ni Blood na sa akin naman nagpagulat. It's too dangerous for her and we still don't know the mystery behind that academy.

"No, Blood... that's too reckless and we still don't know something about that academy." Hinawakan ni Blood ang kamay ko para mapakalma.

"Tan that's my point, we know nothing about that academy. "
Pagpupumilit  nito.

"But blood, what if theres a real vampire there. You're just a human, they can k-kill you whenever they want to." Pagpapaliwanag ko at nakita ko na naintindihan ni blood ang point ko.

"But I cannot just make that opportunity gone. I-I need to find justice for dad..." Nakita ko ang mga luha na unti unting pumapatak sa mga mata nya.

"Wag kang umiyak baka sabihin ng mga tao pinapaiyak kita." Inilabas ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mga luha niya.

"Let just eat first before anything else." I said with a smile and Blood flashed a smile too, a smile you can knew that is real.

Matapos naming  kumain ni Blood ay hinatid ko na sya sa kanila. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung tungkol sa academy.

Pumunta ko sa police station. Sumalubong agad si S/Insp. Harris habang nagbabasa ng  mga files.

"Inspector!" Tawag ko rito. Agad naman nitong itinaas ang tingin habang nakakunot ang noo.

"SENIOR Inspector." Pagtatama nito.

"Anong pinunta mo rito Mr. Klein?" Tanong nito na kinasama ng tingin ko.

"Mr. Montenegro." Pagtatama ko rin dito. Ngumisi lamang ito at nagpatuloy na.

"Ano ngang ginagawa mo rito?" Pagtatanong ulit nito.

"Kailangan ko ng mga records  ng isang academy." Seryosong sabi ko.

Sumeryoso ang mukha nito.

"That's under the police policies. The records are too confidential. We cannot just  give it especially  you're  not part of the police squad." pagpapaliwanag nito na para bang may ibig sabihin.

"Then, I'll join the police squad." Seryosong saad ko na halatang kinabigla nya.

"Does your mother know about it?" Tanong nito.

"Kahit di ko naman sabihin. Alam kong gusto niya, siya pa nga yung laging pumipilit sakin." Sagot ko.

"I'm not talking about your  biological mother."  Makahulugang saad nito.

"I don't want her to know it nor my father."  Di parin nawawala ang pagkaseryoso sa boses ko.

"If you say so but I will tell Veronica about it." Wika ni S/Insp. Harris.

Pumunta ko sa kung nasaan nakalagay ang mga files and documents. Lumapit ako sa isang malaking cabinet dahil baka naroon ang hinahanap ko.

Ilang oras din akong naroon pero miski isang bagay tungkol sa academy ay wala akong makita. Tinignan ko rin ang data base ng police pero wala din akong nakita. Hindi ko parin pala nabubuksan yung ibabang parte ng cabinet. Lumuhod ako para maabot ito. Pagbukas ko tumambad sakin ang sobrang kapal na alikabok dahil narin siguro sa matagal na itong hindi nabubuksan at nalilinisan.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa  ko at itinakip ito sa ilong at bibig ko. Kumuha ko ng mga files na nandoon at pinatong sa ibabaw ng lamesa. Kumuha rin ako ng basahan na pwedeng ipang punas doon.

Kapansin pansin ang front page nito dahil parang napakaconfidential nito kesa sa iba pang mga files.  Pagbuklat ko pa lamang rito ay nakita ko na ang picture ng isang paaralan. Luma na ito dahil nilulumot narin ang mga pader nito at halatang matagal narin itong naitayo.  Nagulat ako sa nabasa ko ang 'Legend Academy' sa ilalim ng picture.  Ito pala ang hinahanap kong files.  Nilagay ko sa loob ng bag ko ang lahat ng pwedeng may kinalaman sa academy. 

Umalis na ko dala yung files na nakuha ko sa police station. Habang nagdadrive pauwi tumawag si mama. 

"Hello ma?" sabi ko sa kabilang linya. 

"Anak,  dumiretso ka na ngayon sa bahay." sabi ni mama.

"Bakit po ma? May problema po ba?" tanong ko ng may pag aalala. 

"Wala naman nak. Mag usap na lang tayo pag nasa bahay ka na." 

"Sige po ma. " 

"Mag ingat ka nak." binaba na ni mama yung tawag. 

Pagkarating ko sa bahay sumalubong na agad sakin si mama at papa.

"O ma, bakit lumabas pa po kayo?" 

"Pumasok muna tayo sa loob, anak." sabi naman ni papa. Halata sa mukha nila mama at papa ang pagkaseryoso. 

Pagkapasok namin ay dumiretso kami sa dining area. 

"Ano po bang me-" naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang babaeng nasa loob at nakatalikod. Humarap ito at saka ko lang nakompirma kung sino ito.  Lalapit sana ito sakin pero agad akong lumayo.  Napapahiyang ngumiti lang ito sakin. 

"Anong ginagawa mo rito?" walang ganang sabi ko. 

"Ethan, pay some respect." maawtoridad nasabi ni papa. 

"Ano pong kailangan niyo Ms.  Veronica?" walang ganang tanong ko parin rito. 

"Anak.." sabi nito. Tsk,  masyadong paawa. 

"Anak? Nanay ba kita?!" di ko mapigilang tumaas ang tono ng pananalita ko. 

"Aalis na muna kami" sabi ni mama sabay hila sa braso ni papa. 

"Don't, bakit po kayo aalis? Kayo po ang magulang ko at hindi sya."

"Ako na lang po ang aalis,  babalik na lang po ako mamaya." pagpapatuloy ko at lumakad na palabas. 

"Aalis din ako anak pero kausapin mo muna ko." 

Namalayan ko na lang na sumama ako sa kanya sa likod ng bahay para makipag usap sa kanya.

The Pure Blooded VampireWhere stories live. Discover now