Chapter IV

80 23 6
                                    

Blood's POV

Habang papasok kami ni Ethan ng university narinig namin yung tungkol sa camping. Bukas na nga pala yun.

"Sasama ka ba sa camping bukas?" tanong nito sakin na ikinahinto ko.

"Alam mo naman ang sagot ko diyan."

"Grade 12 na tayo Blood. Ayaw mo bang maexperience yun? Last year na natin to as a high school student."

Since elementary ay hindi ko naranasang magcamping. Hindi ako sociable na tao at alam ng lahat yun.

"Wala akong kasama Blood." sabi nito sabay pout.

"Malaki ka na tan. Kaya mo na yang sarili mo." sabi ko na ikinadismaya nya.

"Okay fine sasama na ko" Pagkasabi ko noon ay agad niya akong niyakap.

"Tsansing ka na ih." Sabi ko rito na ikinasama ng tingin nya.

Habang naglalakad kami ni Ethan sa Quadrangle nakasalubong namin ang grupo ng basketball varsity at cheerleading squad. Nakita ko si Trev ang basketball captain ng varsity. His masculine body, pointed nose, blonde gray hair and his manly voice. He is my ideal man pero sad to say I'm not her ideal girl. Sino bang magkakagusto sakin? I'm a weirdo.

Nakita ko kung paano makalingkis si Selene kay Trev. Si Selene yung babaeng nakaencounter ko sa library noong nakaraan at siya rin ang leader ng cheerleading squad.

Bago pa man sila makalayo ay ngumiti sa akin si Trev na ikinangiti ko rin.
Tinignan ko sila hanggang mawala ang imahe nila sa paningin ko.

"Tsk, mukha kang aso." Sabi ni Ethan hindi ko namalayan na hindi parin pala naaalis ang ngiti sa labi ko.

"Alam kong gwapo sya..." sabi ni Ethan na ikinatingin ko sa kanya.

"Bakla ka?!" Di makapaniwalang saad ko na ikinakunot naman ng noo nya.

"The fuck?! Nakakadisappoint Blood ang tagal na nating magkaibigan tapos yan sasabihin mo." Sabi ni ethan na parang nagtatampo.

"Eh paano ba naman kasi 18 kana pero hindi ka parin nagkaka girlfriend." Matagal ko ng kilala si Ethan halos sabay na kaming lumaki. Nakita ko kung paano nya iniiwasan ang mga babaeng lumalapit sa kanya.
Actually gwapo naman si Ethan pangit lang syang pumorma. Nagmumukha syang nerd dahil sa pananamit nya.

"Tanggalin mo kasi to." Sabi ko at lumapit sa kanya at tinanggal ang salamin nya. Inayos ko na rin ang buhok nya na mala Jose Rizal sa sobrang pagkakasuklay.

"Gwapo ka na... wait" sabi ko at inalis ang pagkakabotones sa polo nya.

"Yan gwapo na talaga. Mukha ka ng tao tan." Sabi ko na ikinatingin nya.

Lumapit siya sakin at tinignan ako sa mata. Paatras ako ng paatras sa tuwing lumalapit sya. Nagkataon namang dulo na pala at pader na ang maatrasan ko.
Inilapit nya ang mukha niya sa mukha ko na ikinapikit ng mga mata ko. Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko.

"Talaga gwapo ako?" Tanong nito na ikinadilat ng mata ko. Nakita ko yung ngiti sa mga labi nya.

"HAHAHAHAHAHA" malakas natawa nito na ikinapula ng mga pisngi ko.

"Bakit may papikit pikit ka pa kanina? Ganun na ba ko kagwapo?" Saad nito na hindi parin mapigilan ang pagtawa.

Hindi ko siya pinansin at nagdirediretso na ko paglalakad.

"Blood!" Sigaw ni Ethan. Rinig ko parin ang pagtawa nya. Tsk, balakajan -,-

Nang makarating ako sa room ay agad din akong naupo sa silya ko.

Nakita kong pumasok si Ethan at dumiretso sa direksyon kung saan ako nakaupo.

"Sorry na Blood." Sabi nito pero di ko parin siya pinansin. Umupo sya sa kalapit na upuan ko.

Dumating na si Mrs. Saavedra ng hindi parin kami nagpapansinan.

"Class you already knew about our upcoming event. So, sino sa inyo ang gustong sumama para bukas? Just fill up your names in the form." Sabi ni Mrs. Saavedra at ipinamigay ang mga forms.

Nakita kong tumingin sakin si Ethan.

"Blood sorry na. Sabi mo kanina sasama ka." may pagkadismaya sa tono niya.

"Oo na, Okay na tayo." Sabi ko na ikinangiti nya.

"So, sasama ka?" Tanong nya.

"Pag nangako ako tinutupad ko." Sabi ko sabay ngiti.

"Yes!" Sigaw ni Ethan na ikinatingin ng lahat ng mga kaklase namin at pati narin ni Mrs. Saavedra.

"Yes Mr. Montenegro?" May pagtataray sa tono na pagtatanong ni Ms. Saavedra.

"Nothing miss" natatawa naman ako sa inusal nya.

"Sabay tayo bukas ah." Pasimple nitong bulong sakin habang nakatingin sa unahan.

"Hintayin mo ko sa bahay." Sabi ko naman sa kanya.

"Yung last time na naghintay ako halos dun na ko matulog sa bahay nyo." Sarkastiko nitong sabi.

Hindi naman talaga ganun katalagal O.A lang talaga si Ethan. Half hour akong nag ayos noon dahil di ko pa naaayos ang gamit ko.

"Basta hintayin mo ko. Mabilis lang ako promise." Sabi ko sabay ngisi.

"Siguraduhin mo lang yan Blood ah kundi-" pinutol ko sya.

"Kundi ano? Iiwanan mo ko?" Nakangising tanong ko rito.

"Kundi ako mismo ang kakaladkad sayo." Sabi nya at nakinig na sa lecture.

Pagkatapos maglecture ay pinapunta kami sa meeting hall para ipaalam ang mga event na mangyayari bukas.

Naupo kami ni ethan sa may kanang sulok ng hall. Humarap kami sa may stage upang makinig ng meeting.

"Maraming gagawing activity para sa camping bukas kaya siguradong mag eenjoy kayo." Nakangiting wika ng dean ng university.

Marami pang sinabi ang dean pero wala na kong naintindihang iba pa.

Narinig ko ang dalawang babaeng estudyante sa tabi namin na nag uusap.

"Alam mo bang sikat ang lugar na pupuntahan natin about vampires?" Sabi ng isang babaeng nakasalaminna may mahabang buhok.

"V-vampires?" Nauutal na tanong ng babaeng maikli ang buhok na may di katangkaran na taas. Halata na natakot ito sa sinabi ng kaibigan nya.

Napangisi ako sa narinig ko. Hindi man ako sigurado kung totoo ito pero mapapatunayan ko rin ito pagpunta namin bukas sa lugar.

"Anong nginingisi ngisi mo dyan?" Nagulat naman ako sa biglaang pagtatanong ni ethan sa tabi ko.

"Wala, makinig na lang tayo." Sabi ko at nagkunwaring nakikinig.

"Nakikinig ako blood, kanina pa." Saad nito at tumingin sa mukha ko.

"Nakikinig din naman ako." Sabi ko parin ng hindi lumilingon at nakatutok parin sa dean habang nagsasalita.

"Talaga lang huh." Sabi nito at humarap narin sa dean at nakinig na ito.

'I'm too excited for tomorrow'


FOLLOW

VOTE

COMMENT




The Pure Blooded VampireWhere stories live. Discover now