TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 8

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo na kami sa upuan namin. si Ced ang nasa tabi ng bintana, ako naman ang nasagitna at si Kevin ang nakaupo sa tabi ng aisle.

Umayos ako ng upo. Kinakabahan ako pero si Ced parang naguumpisa nang maexcite. “HUminga ka baka atakihin ka diyan” sabi ni Kevin na parang natatawa.

“Grabe ka, first time ko to dito” sabi ko.

“Kuya Kevs, ang saya pala sa eroplano!” sabi naman ni Cedric. “Sabi ko naman sayo eh…mamaya mageenjoy ka pa” sabi pa ni Kevin.

Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa unahan ng may mga stewardess na tumayo roon at nagsimulang idemonstrate ang mga gamit sa eroplano. Napatingin ako kay Ced. Nakikinig. Pano namang hindi? Eh ang gaganda ng mga babaeng yon eh.

Ouch” sabi ni Ced nung pitikin ko siya. Mukha na kasing tanga, parang nagpapacute pa. “Yung kamanyakan, iniiwan sa bahay diba Ced?” sabi ko.

“Si Ate talaga” sabi ni Ced at ngumiti kay Kevin. Ah ganon? Nabriefing na pala siya ni Kevin sa ganito. Tumingin ako kay Kevin, madali naman siyang umiwas ng tingin.

This is it na. aalis na ang eroplano. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Gosh kagabi pa ako nagiisip ng mga pwedeng mangyari dito, at dahil sa kaba ko ay parang hindi ko na naisip na puyat ako.

Mas bumilis ang andar ng eroplano, hinawakan ni Kevin ang kamay ko. mas mabilis pa ang pagandar at parang halos mawindang ako.

“That’s normal” bulong ni Kevin. After non ay at last nareach narin ng plane ang proper layer. Naging light na lang ang pakiramdam. Nawala na ang malakas na ugong.

Para akong pinaghehele. Naramdaman ko na lang ay ang pamimigat ng mata ko at tuluyan na akong nakatulog.

KEVIN’S POV

Nakatulog na si Cedric at Elaine. Kinuha ko ang ulo niya at inihilig sa balikat ko. Nang makilala ko si Elaine, naging mababaw ako. Kahit kasi sa simpleng kapeng siya ang nagooffer eh parang masaya na ako. This simple girl, enters my heart nung time na gusto ko ng isarado ito.

45 minutes lang naman ang biyahe papuntang Palawan. Kaya before pa magland ang plane ay ginising ko na sila. I want them to see the beauty of Palawan mula dito sa itaas at hindi na nga ako nagtaka. Naamaze din sila.

Natutuwa ako sa reaction nilang dalawa especially ni Elaine. Alam mo yung hindi siya nahihiya sa iisipin ko. para siyang batang tinuturo pa ang mga nakikita niya mula sa taas. Napapangiti ako. Her happiness is my happiness too.

ELAINE’S POV

Paglabas namin ng eroplano ay sumakay na kami ng taxi. As usual siya pa rin ang may gusto nito. Natatawa nga ako nung biglang huminto ang taxi. Inikot niya ng tingin ag lugar.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon