🤱24

124 5 28
                                    

Mriel's POV

"WELCOME BACK MRIEL!!!!" sabay-sabay nilang sigaw pagkabukas ni Oppa ng pinto.

May party poppers din na late nang pumutok, ewan ko kung anong kabobohan na naman ba ginawa nina Wooj at Ji.

"Noonaaaaa" ni-grouphug naman ako ng maknae line.

"Tita Yieeeeel" yung dalawang bata naman ang sunod na yumakap sakin.

Di kasi nila ma-pronounce yung 'Mriel' kaya 'Yiel' ang tawag nila sakin at hindi na Uncle Wife.

"Tama na yan! Nasasakal na si Tita Yiel nyo" awat ni Euigeon oppa kaya tumakbo na pabalik sa kanila sina Edi at Iron.

"Baby giiiiiiiirl" my stupid husband stretched out his arms.

"Ano? Yayakap ka din? Sakal na sakal na ko sayo sa ospital pa lang ah" saway ko sa kanya at nag-pout naman sya.

"Napakalandi naman kasi. Sino ba namang matinong makikihiga sa hospital bed eh pang-isang tao lang yon! Para-paraan masyado para lang makayakap eh" inis na parinig ni Gureum oppa.

"Pang-isang tao nga, eh pang-kalahati nga lang yung katawan ni Mriel eh!" sagot naman ni oppa.

Di talaga papatalo yan. Bakla eh.

"Panong di mangangalahati eh lagi mo ata kinakain?" hirit naman ni Jjaeng.

"Di pa nga eh. Lagi kasing may istorbo" bulong ni Tanda na kami dalawa lang ang nakarinig.

"Ayan.. dyan ka magaling. Byuntae masyado" inirapan ko sya.

"Magaling talaga ako. Mas magaling pa kay hyung. Gusto mo i-try?" tanong ni Jjaeng at kumindat pa.

"Wag kang kumindat! Mukha kang kirat" asar ko sa kanya.

"Oh tama na yan. Baka pag di nakapag-timpi itong si Mriel ay may iba namang ma-ospital" awat ni Minhyun oppa samin.

"Bat feeling ko ako yung tinutukoy mo?" tanong ni Jjaeng sa kanya.

Wala na talagang pag-asa to.

Sana di na bigyan ni Otornim ng lablayp to. Kawawa naman si ateng mapa-partner sa kanya.

Buong buhay na kunsumisyon ang dala ng ugok na to.

"Kumain na tayo bago pa ko may masaksak ng tinidor dahil sa katangahan" Minhyun oppa sighed.

"Sinong sasaksakin nya ng tinidor?" bulong sakin ni Tanda.

Kingina. Isa pang shunga.

Bat mo ba ko pinapahirapan ng ganito, ha, Otornim?

"Manahimik ka kung ayaw mong tusukin kita ng toothpick" inis kung sabi at naglakad na papunta sa kusina.

"Uuuuy galit kaaa?" pangungulit ng matandang penguin.

"At bakit naman ako magagalit?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Kasi kinukulit kita" pa-cute nyang sagot.

"Alam mo, gutom lang yan" sabi ko sa kanya at nagsimula nang kumain.

"Noona, aaah" sabi ni Iron at sinubuan ng patatas si Edi.

"Ay! Lumalablayp ang mga bagets" baklang sabi ni Seongwoo.

"Yung anak mo oh! Pinapakain lang sa iba yung pinaghirapan kong balatan na patatas" sumbong ni Sarah.

"Susunod iba na ipapakain nyan" -Woojin

"Oy oy! Hindi sa baby Edi ko, okay?" kontra naman ni Euigeon oppa.

We Got Married #3: [Yoon Jisung]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang